Chapter 24"AAAHH!" Napasigaw si Camilla nang malakas siyang sinipa ni Keira sa kanyang tagiliran dahilan para matumba siya at yakapin ang sarili.
Hindi niya akalaing gano'n kaseryoso ito sa pagtuturo sa kanya. Akala niya ang baril ang aaralin niya nang dalhin siya nito sa training ground sa ibaba pero hindi niya akalaing sasanayin siya nito sa combat.
And it damn hurts. Keira is really good in it and she can't keep up. Kahit anong gawin niya, hindi niya matututunan ang pinapagawa sa kanya ni Keira.
"Bago mo matutunan ang paggamit ng baril, kailangan mong matutunan kung paano lumaban ng manu-mano." Hinihingal na anito. "Hindi nasusukat sa baril ang lakas ng isang tao."
Bumangon siya. "Tell that to Willard."
"Nakita mo naman siguro ang nangyari kay Vaughn. He was badly beaten by him."
Pumwesto siya at umatake kay Keira. Sinunod niya ang mga sinabi nito sa kanya pero dahil mas magaling si Keira ay kaagad nitong naiwasan at nasalag ang lahat ng atake niya. Sa huli ay siya na naman ang nasaktan.
Pinaikot ni Keira ang kanyang braso dahilan para mapunta ito sa kanyang likuran saka itinulak. Napangiwi siya nang maramdaman ang sakit ng kanyang braso.
"You need to focus and think." Anito. "Bago ka umatake kailangan mong isipin kung ano ang susunod. Kailangan mong basahin ang galaw ng kalaban."
"I am trying." Hinaplos niya ang kanyang masakit na braso.
"You're not." Diing sabi nito. "Sugod ka lang ng sugod. Ni hindi mo nga alam kung saan ako pupunta."
Ibinaba niya ang kanyang mga kamay at tumayo ng matuwid. "Ayokong maging mahina, Keira. I want to do something to protect the one I love. Ayokong dumating ang araw na panonoorin ko lang si Willard habang sinasaktan ang mga mahal ko. Si Van o si Lance."
"Hindi pa ba sapat na nandito kayo?"
"Hindi titigil si Willard hangga't hindi ako nakukuha."
"That is why we are here. For you all to be safe."
"Paano si Willard?"
"Kami na ang bahala roon. All you have to do is stay still."
She can't just stay still. Alam niyang hindi titigil si Willard hangga't hindi siya nahahanap. Tama na ang isang tao na mahalaga sa kanya para mapagtanto niya na hindi ito nagbibiro. Kailangan ay may gawin siya.
Hindi na itinuloy pa ni Keira ang pagsanay sa kanya at iniwan na siya nito. Wala siyang nagawa kundi ang sumunod narin. Sabay silang umakyat sa ikalawang palapag at naghiwalay ng daan. Tumungo siya sa east wing.
Nasa hallway siya nang makita niya si Michelle at Vincent. Kapansin pansin ang seryosong pag-uusap ng dalawa. Sinubukang kunin ni Vincent ang mga kamay ni Michelle pero umiwas ang babae.
Dahil abala ang dalawa sa isa't isa ay hindi siya ng mga ito napansin. Akmang tatalikod siya nang marinig ang sinabi ni Vincent. Muli siyang humarap.
"Bakit hindi mo nalang kasi aminin kay Vaughn para matapos na?" Naiiritang sabi ni Vaughn. "I can't keep this secret from him anymore. Ang daming nangyayari."
"No, Vincent. You can't tell him." Nagbabanta ang tono ng pananalita ni Michelle.
Naiiritang humaplos ng mukha si Vincent. Pinipigilan nito ang galit na kumawala sa sarili saka muling hinarap ang nagmamatigas na si Michelle. "All these hiding and lies are too much for my brother to handle. Naaawa na ako sa kapatid ko."
BINABASA MO ANG
Vaughn and Camilla
Roman d'amour"I am ready for a little reality. If you are?" Second chance do come on every people's way. Gawa ba ng tadhana o dahil hindi parin mawala ang pagmamahal sa isa't isa? Paano kung sa pangalawang pagkakataon, may mga tao ng masasaktan? Are you willing...