Chapter 3

4.6K 218 17
                                    

Chapter 3

HINDI na makapagsalita si Camilla habang kaharap niya si Vaughn. Kung kanina ay nagagawa pa niyang maging masaya dahil sa wakas ay nakita na niya si Lance, ngayon ay kakaibang kaba na ang kanya'y nararamdaman habang kaharap si Vaughn.

Akala niya ay hindi na niya 'yon mararamdaman dahil sa sobrang tagal na ng panahon. Pero mas tumindi pa pala iyon na kulang nalang ay talunin niya ang lalaki at pupugin ng halik.

Vaughn was just standing while his two hands buried inside his pant's pocket. Staring at her coldly.

"H-Hi." Naiilang niyang bati rito. Napalunok pa siya nang tango lang ang tugon nito sa kanya. Napapahiyang nagbaba siya ng tingin.

So, he never really forgive her? After almost two years, he still remembers the things she did. Nanlulumo siya sa iisiping dala dala parin ni Vaughn ang galit sa kanya.

"N-Naparito kayo? May kailangan ba kayo?"

"It's better if we talk inside or if you don't want, anywhere except here."

Mabilis siyang tumango. "I am afraid I can't invite you inside. Siguro mas mabuting sa malapit na restaurant na lang." Tatalikod na sana siya upang pumunta sa garahe para kunin ang kanyang sasakyan ay pinigilan siya ni Vaughn.

"Ride with us."

Nagbaba siya ng tingin sa kamay nitong nakahawak sa kanyang kamay. Mas nakadagdag pa iyon sa kaba na kanyang nararamdaman. Hindi naman na kataka-taka iyon sa kaniya dahil alam niya kung bakit, pero minabuti niyang huwag maapektuhan kaya kaagad niyang binawi ang kanyang kamay.

"Ok." Aniya. Magkahawak kamay sila ni Lance na sumunod kay Vaughn patungo sa kotse nito. Isinakay niya ang bata sa backseat at siya naman sa passengerseat.

The lavander scent of his car greeted her. Wala na 'yong amoy sigarilyo nitong amoy na nakakasakit sa kanyang ilong.

Bumaling siya sa kanyang bahay, sa bintana kung saan naroon ang kwarto ni Van. Hindi niya dala ang cellphone niya kaya hindi siya makakapag-paalam sa Yaya ng bata na aalis muna siya. Mag-aalala ang Mama niya kapag nalaman nitong wala siya.

Napabuntong hininga na lamang siya bago nagsuot ng seatbelt. Vaughn start his engine and drive out of her street.

Maliban kay Lance na umaawit sa likuran ay ang kanyang puso na kanina pa mabilis ang pagtibok. Palihim siyang sumusulyap sa gilid ng kanyang mga mata sa lalaki pero ito ay sa daan lang nakatuon, tahimik na nagmamaneho.

"Mommy, who's the guy with you awhile ago?"

Natigilan siya at lumingon kay Lance. "Guy?" Iniisip niya kung sino ang tinutukoy nito.

Tumango si Lance. "Kanina kasi nakita namin ni Daddy na may kausap ka sa labas. You two talk in a serious expression though."

Napaangat ang noo niya nang mapagtanto kung sino ang tinutukoy nito. Wala sa sariling napangiti siya. "That's Tito Zac."

"Is he your boyfriend?"

Umiling siya. "Bestfriend."

Nagsalubong ang kilay ni Lance na para bang naguguluhan sa kanyang sinabi. "I didn't know you could be friends with a man."

"Why not?"

"Because that's what Dad said. Sabi niya friend lang daw niya si Michelle—"

"Tita Michelle, Lance." Pagtatama ni Vaughn sa bata. Naroon ang pagtiim sa boses nito at anumang oras ay papagalitan na si Lance. "Respect."

"Tita Michelle." Nakangusong ani Lance. "But later on I found out that they are getting married."

"Oh.." iyon nalang ang naiusal niya. Parang bato na dumagan iyon sa puso niya. Parang gusto niyang ipahinto ang sasakyan at tumakbo ng mabilis para umiyak. Masakit para sa kanya na malamang ikakasal na ang taong hanggang ngayon ay nakatira parin sa puso niya.

Vaughn and CamillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon