Chapter 15
CAMILLA can see how Lance and Van have bonded and build their own brotherly bond together. Kung noon ay puro sa kanya ang atensyon ni Lance, ngayo ay malimit nalang siyang pinapansin ng bata dahil panay si Van ang kalaro nito at giliw na giliw naman ang kanyang anak.
May mga gabi rin na maging sa panaginip ay kalaro ni Lance ang kanyang anak dahil binibigkas nito ang pangalan ni Van.
Vaughn gave her an instruction if Lance's anxiety and PTSD trigger. But he is giving no signs at all. Parang nauukupa ng husto ang isip ng bata sa kanyang anak dahilan para ikahinga niya ng maluwag.Labis ang sayang naiibigay no'n sa kanya at kahit papaano naiibsan ng kaunti ang konsensya niya. Hindi niya kailangang itago si Van kay Lance at hindi niya kailangang ipagkait rito ang kapatid.
"Do you want to eat?" Inosenteng tanong ni Lance kay Van habang hawak nito ang isang biscuit. Hindi na nito hinintay pa ang sagot ni Van at dahan dahang ipinakagat nito sa kanyang anak. "Take one bite, Van. Say aaaaahh."
She chuckled when Van shrugged off the biscuit. Lance laughed. Ang dalawang bata na nasa harapan niya ang pinag-kukunan niya ng lakas. Sila ang dahilan kung bakit kahit taligid ang mundo sa kanya ay nagagawa niyang maging masaya. Wala na siyang ibang hihilingan pa kundi ang makitang maayos at ligtas ang dalawa niyang anak.
"Isasama mo ba si Van sa pilipinas?" Tanong ng kanyang ina na hindi man lang niya napansin ang pagpasok sa kwarto.
"Hindi pa nahuhuli si Willard e."
"Ok. I just want to know because I am gonna be worried sick if you bring him there.""Saka na siguro." Bagsak balikat na aniya. "Ayokong ipilit ang gusto ko at isaalang alang ang kapakanan ni Van."
"I am willing to take care of Lance aswell. Alam mo namang kahit hindi mo siya tunay na anak, parang apo narin ang turing ko sa kanya."
She sighed. "Kung pwede lang, Ma. Kaso, wala naman akong karapatan para magdesisyon kung pwede o hindi e. Bago ko hiramin si Lance, ipinagpaalam ko muna siya sa Daddy niya."
"Kamusta naman ang relasyon mo sa lalaking 'yon?" Tanong nito na animo'y ayaw kilalanin si Vaughn. "I am expecting you to be more wise this time, Camilla. Si Zac ang kasintahan mo at hindi mgandang—"
"Ma, we are just good friends." Putol niya sa kanyang ina. Hindi sang-ayon ang kalooban niya sa kanyang sinabi at kahit ayaw niya, iyon ang talagang meron sila ni Vaughn. "For Lance, we have to be civil with each other. Isa pa, kailangan ako ni Vaughn pagdating sa pag-aalaga kay Lance."
"I heard he is getting married."
"Yes." Walang gana niyang sagot.
"You don't seem happy?"
"Ma." Ayaw na niyang mag-usapan pa ang bagay na iyon. Kilala niya ang kanyang ina, hindi ito titigil hangga't hindi nakaka-kuha ng sagot sa kanya. "I don't want to talk about it."
"Kalimutan mo na kung anuman iyang nararamdaman mo sa lalaking 'yon. Hindi makakabuti para sa'yo ang magkaroon ng koneksyon sa kanya."
"Paano si Van?"
"He can live without knowing his real father, Camilla. Beside, nandiyan naman si Zac na handang maging ama kay Van." Anito. "Sa panahon ngayon, hindi na mahalaga na makilala niya ang tunay niyang ama na alam naman nating hindi niya makakasama kung meron namang taong kaya kang panindigan."
Hindi na siya nagsalita pa at binalingan nalang ang dalawang bata na abala sa isa't isa.
CAMILLA spend her whole week at her home with her two son. Hindi sila lumabas, pwera na lang kung may bibilhin o di kaya'y kakain sila sa labas. Today is actually their last day in U.S so they already packing their bags and stuff. Sa hotel na malapit sa airport na rin sila magpapalipas ng gabi para maiwasan ang trapiko.
BINABASA MO ANG
Vaughn and Camilla
Romance"I am ready for a little reality. If you are?" Second chance do come on every people's way. Gawa ba ng tadhana o dahil hindi parin mawala ang pagmamahal sa isa't isa? Paano kung sa pangalawang pagkakataon, may mga tao ng masasaktan? Are you willing...