MGBBF INTRODUCTION

6.1K 134 14
                                    

2019. All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, without the permission of the author.

MGBBF INTRODUCTION
ASH

"Bela!" Sigaw ni Asami. Agad akong napalingon sa direksyon kung nasaan siya pero hindi ko siya makita!

"Asami?" Pagtawag ko rito. Inikot ko ang mga mata ko upang mahanap siya dito sa Gubat. "Asami?" Pagtawag kong muli

"AHHHH!" Rinig kong impit na sigaw ni Asami! Hindi ako nagkakamali! Si Asami ang sumigaw!

"Asami? Asami!" Nagsimula na akong mataranta

"Be...l---a!" Impit niyang sigaw

"Asami!" Aligaga akong naglakad papunta sa iba't ibang direksyon hanggang sa wala na akong marinig. Dumidilim na ang kalangitan at nasa gitna parin ako nang kagubatan

"Asami..?" Mahina kong bulong matapos makakita ng pigura nang tao

Naalarma siya at dali-daling tumakbo palayo

Hahabulin ko pa lamang siya nang sa hindi inaasahan ay biglang may tumusok na kung ano sa balikat ko! Agad kong kinapa ang balikat ko at ang nahawakan ko ay isang Kutsilyo!

Napatingin ako sa likod ko at wala naman akong nakitang pigura nang tao. Kung ganon.. may ganitong klase nang tao. Ang galing kung umasinta

Marami nang dugo ang nasasayang sa katawan ko pero hindi ko parin mahanap si Asami at hindi ko parin mahanap ang daan pabalik!

Nahihilo na ako, pero tutuloy ako! Kailangan kong mahanap si Asami!

"Asa...mi" hinang hina na ako, hindi ko na kaya. Napaupo na ako sa damuhan at ipinikit ang dalawang mata

"Hindi ka nag-iingat!" May bumulong sa tainga ko bago ako mawalan nang malay

"Sabing wag kayong maingay!" Ano yon?

"Kapag iyan nagising, humanda kayo sakin!" Sino kayo?

Hindi ko magawang idilat ang mga mata ko. Anong nangyayari? Anong mayroon? Nasaan ako? Nasaan si Asami?

"Hmm" sa wakas! Nadilat ko ang isang mata ko!

"Shh, gising na siya!" Pagsita noong babae sa mga kasama

Nakatingin ako nang diretso sakanila

"Anong pangalan mo?" Nag-aalangan na tanong nung lalaki saakin. Mukhang 18 Years old siya.

"Ako..?" Mahina kong tanong

"Hehe oo," nagkamot siya nang ulo and I think that's cute

"Ako si Brianna Angela Faustin, Bela for short," sabi ko habang nakatingin sakaniya. Umiwas siya nag tingin

"Bakit.. ganyan ka kung makatingin? Ilang taon ka na?" Ilang niyang tanong

"15," sagot ko na ikinalaki nang mga mata nila

"You mean?" Tanong noong matanda na agad ikinakunot noo ko

"I mean what?" Iritable kong tanong

"Hindi ka taga rito.. ngayon lang kita nakita," masungit na tugon nung isang lalaking may hitsura. Mukhang kasing edad ko lang siya ngunit mukhang mas seryoso at matured pa siya kung mag-isip saakin. "Kilala ko lahat ng 15 years old dito sa lugar namin. Sina Allison, Mira, Nara, Marian-"

"Leandro!" Pagtitigil ng matanda sa lalaki

"What?" Masungit na tugon nito

"Shut up," makapangyarihan na ani matanda. Matanda na itong lalaki at ngayon pa lamang siya nagsalita. Mukhang pinuno siya dahil sa hindi maipaliwanag na suot nito, Bukod pa doon ay natigilan ang lahat. "Taga-saan ka?" Tanong nito habang malalim na nakatingin saakin

"Baguio," tugon ko na ikinagulat nila

"Masyadong malayo ang Baguio dito, ineng. Paano ka nakapunta sa lugar na ito?" Tanong naman ng matanda. Sa tanong niyang iyon ay naalala ko bigla si Asami!

"Ah! May Camping kami at dito iyon sa lugar na ito. Doon sa may Gubat banda. Nawala ako nung hinanap ko ang kaibigan ko, parang may dumakip sakaniya," kwento ko

"Diyos ko po," sabi nung matanda

"Paano ka makakauwi sainyo?" Tanong nung isang lalaki

"Let her stay, tayo ang magpapalaki sakaniya," nakangising aniya ng masungit na lalaki at umalis

"Leandro! Leandro!" Humabol sakaniya yung isang babae na ang hula ko ay kapatid niya

"Dito ka na saamin ineng, ah? Wala kasi kaming sapat na pera pampabalik mo doon sa Baguio," napapahiyang aniya nang matanda

"Ayos lang po, maraming salamat,"

"Saka ija," lumapit ang ginang saakin, "mukhang type ka ni Leandro hehe"

WTH!

VOTE| COMMENT| SHARE (EVEN IF OFFLINE)

My Gay Best Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon