MGBBF CHAPTER 45

435 31 8
                                    

MGBBF CHAPTER 45
ASH

Bela.

Gosh, bakit ba kasi wala ako sa sarili?! Hindi ko napansin na malayo na pala ako! Malalim pa naman dito! Though, I know na marunong akong magswimming.. IBA PARIN KAPAG PINULIKAT KA!

Damn!

"Neeeel, tulong!" Sigaw ako ng sigaw. Mukhang natatakot si Jhenel. Oo, matagal ko nang alam na takot siya sa malalalim. Kung tatanungin mo nga ako ay ayaw ko rin sa malalalim kasi takot din ako!

Then suddenly, I just heard a sound of a splash? Where did it came from?

"Are you alright, Bela?" Nanlaki ang mata ko matapos kong makita si Marc!

"What are you doing here?!" I shockly said

Buhat-buhat niya ako. Bakit ang tangkad niya kasi? Parang unbelievable kasi na kaya niyang lumutang, diba?

"Are you alright? Anong masakit? May nainom ka ba na tubig?" Sunod-sunod na tanong niya. Ginalaw ko ang paa ko, at luckily, hindi na siya masakit. Punyetang false alarm. Hindi nakakatuwa!

"W-Wala..." bumaba ako sa pagkakakarga nya saakin, pero he insisted. He carried me, and he swam as fast as he could

Paano sya nakarating dito? Sino ang nagturo sakaniya ng daan?

"P-Paano ka nakarating---"

"Bakit ka umalis? Pano kung napahamak ka?" Sagot niya nang nandito na kami sa mababaw na parte ng dagat. Napayuko nalang ako matapos makakita ng butil ng luha sa mga mata niya

"A-Ayoko... ayokong malaman ang totoo. T-Tatay ko ba siya?" Nanginginig kong tanong. Hindi ko kayang malaman. Hindi!

"Yung Josh..." sambit ni Marc. Napatingin na ako sakaniya. Hindi ko inaasahang mapapaluha ako dahil sa simpleng pagtango niya!

"Bela, hinahanap ka na nila" mahinahon na sambit ni Marc saakin

"Ayoko. Ayoko! Ikaw, bakit ka nandito!" Naglilikot na ako para makawala sa pagkapit niya sa baywang ko

"Kailangan mo. Pinapahanap ka na nila, at maya-maya lamang ay nandito narin sila! Kaya bilisan mo na, Bela..." mas lalong humigpit ang pagkapit niya saakin. Kulang nalang ay yakapin niya ako, eh

"At kung babalik ako?! Saan ako tutuloy?!" Naiiyak na sambit ko. Hindi ko naman tatanggapin kung kukunin ako ni mommy. Si daddy ay may sakit. Saan ako titira?

"K-Kukunin ka daw ni josh..." sambit niya, nag-aalinlangan..

"No! Hindi ko siya ama! Sayo nalang ako, Marc, please," my eyes widened after his lips gently touched mine. It's just smack, but  really breathe taking... this is not my first kiss. My first kiss is from his brother, Leandro

"Magkakaroon ako ng kaso, kapag ginawa ko yon. Papayag ka ba na makulong ako, baby? Kasi kukunin din kita sa totoo mong ama, ipagpapaalam kita," magkadikit ang noo namin. Naduduling na ako, kaya naman ay pumikit na ako.

"O-Okay.." pagpayag ko. May pa-tango effect pa ako sakaniya. Pinaghiwalay na niya ang aming noo, pero bago iyon ay hinalikan niya muna akong muli. Napangiti naman kami pareho bago magbago ng mood ko, at hampasin siya

"May pahalik-halik ka pa diyang nalalaman, e hindi pa nga kita sinasagot!" Irap ko sakaniya na ikinatawa niya lang

"We're now enganged, baby" he chuckled. Para siyang anghel na demonyo. Char. I laughed unconciously.

"Engaged mo mukha mo, Marc" tawa na kami ng tawa dito but then suddenly, we heard a loud crash. Para bang may tumulak ng malakas sa isang bagay?

"S-Sir!" Nagulat ako sa mga sigaw na nagmula sa loob ng reception ng hotel. Siguro ay mga staff ito. Hindi kasi gaanong maarte ang mga boses nila. Ang mga nandirito ay matitinis ang boses. Mga maaarte. Mahahalata mo kaagad kung sino ang tauhan at ang bisita

"They're now here, Bela. Maghanda ka na. Kukunin ka na nila" he said and gave me a peck on the lips. Syempre ay hindi na ako nagulat

"Where are you going?" Tanong ko nang akmang aahon na siya

"Iiwan na muna kita. Baka masira ang reputasyon ko sa dad mo kapag kasama kita. kung sa ganon, mahihirapan akong kuhain ka" sambit niya bago umahon

"Ayun siya!" Sigaw nung isang lalaki. Ganoon naman ang mabilisang paglabas ni Josh sa pintuan. Nakapangbusiness attire pa siya. Akala mo naman talaga...

"Teka, bakit niyo siya hinahawakan?! Bitaw! Bitaaaw! Guards! Roel! Deanne! Ano ba!" Nagulat ako sa pagsingit ni Jheanel sa eksena. Lumapit kasi ang mga gwardya ni Josh at hinawakan ako. Ngayon ay nag-iinarte ni Nel. Malamang kasi ay alam nya kung sino si Josh. Nandoon siya kahapon sa venue, noong biglang umeksena sila Avril.

Speaking of Avril. Asan na kaya sila ni April? Nakakamiss din yung kaartehan nilang dalawa, eh

"Maam, sorry maam, si sir Josh yan, eh. Pinakakilalang bilyonaryo yan, maam. Hindi po maaaring suwayin," nilayasan din siya nung lalaki. Naghihisterikal na si Jheanel. This is so freaking bad!

"PUPWEDE BANG BITAWAN NINYO AKO?! OO NA, SASAMA NA AKO!" Kahit na nakalubog ang paa ko sa tubig ay nasipa ko parin ng malakas itong tabachingching na ito. Tumba din siya sa tubig.

That's what you get when you tried to touch one of the Faustins!

"Faustin, pinahanga mo ako." Ngising-ngisi si Josh. Ngising demonyo! Hindi mo ako anak! Hindi ganyan ang ugali ko! Argh!

"Mama mo pinahanga! Che!" Sigaw ko bago umahon at nagdire-diretso papunta sa kwarto ko. Mapapalit na muna ako. Doon na ako magbibihis kela Josh. Siguro naman ay may damit ako doon, hindi ba?

"Bilisan mo na!" Sigaw nung tauhan niya sa labas

"Oo na! Hindi ka ba makapaghintay?!" Sigaw ko pabalik

VOTE|COMMENT|SHARE

My Gay Best Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon