MGBBF CHAPTER 6

1.3K 73 0
                                    

MGBBF CHAPTER 6
ASH

"Matutulog ka?" Tanong ni Bakla

"Sana, kaso nang-istorbo ka," sabi ko habang kumakain

"Bilisan mo diyan," pagmamadali niya saakin

"Bakit?" Kunot noo kong tanong

"Gaga, babalik ako nang Hospital," inikutan pa ako nang mata!

"Babalik ka pala eh! Bat kailangan mo akong isama?" Tanong ko

"Baka bumalik yung mga fafa kanina eh," fafa?

"You mean those guys? Fafa? Seriously?" Tanong ko. Oo, mga gwapo sila, pero 28 na yata yung mga yon

"Yup! Hindi mo ba nakita yung isa kanina? Naghubad siya nang mask! My god!" Malanding saad niya

"Arte mo, di na babalik iyon,"

"How can you be so sure?" Pinanliitan niya ako nang mata

"Because I'm more that sure, now go," turo ko sa pinto

"Kung makaasta ka naman kala mo sayo yung bahay, tse!" Singhal niya at lumabas ng kwarto

Napatawa nalang ako at nagmadaling maligo. For sure, magugulat yon

I'm wearing a color black sleeveless fitted tops, and black skirt na half legs, hindi siya fitted. I also wear a 3 inch black sandals, and nagpa-dry ako ng hair

Itinali ko ang buhok ko into a messy bun na maayos, and kaunting make-up

Goddess

"Ma'am?" Tawag ni Mang Berto saakin

"Take me to the Hospital," sagot ko

"Sige po, Ma'am," nakarating din kami agad sa Hospital, at lumabas na ako agad

"Hello, Bela?" Tanong ni Marc sa tawag. Naka-save ang number niya dito

"Nandiyan ang Owner ng Hospital?" Tanong ko

"Yup, nasa office, bakit?" Nasisiguro kong naka-nguso iyon. "Gwapo yon, wag mo gagalawin, pero pwede kausapin" malanding saad nito na ikinapanget ng mukha ko

"Tsk, bye na"

"Wait---" binabaan ko na siya ng tawag. Ako naman ay nagdirediretso sa kung saan

"Yes Ma'am, how can I help you?" Tanong saakin ng cute sized na babae

"Hello, I'm Brianna Angela, hinahanap ko ang Owner ng Hospital, is he there?" Kaswal kong tanong

"Ohh," humigis "o" ang kaniyang bibig. "By appointment, Ma'am?" Tanong nito saakin

"Hindi," sagot ko

"He is busy, ma'am. Hindi po siya tumatanggap ng Visitors when walang appointment. I am very sorry, Ma'am Bela," ani babae. Mahihimigan sakaniya ang pagkadismaya at lungkot

"No," nagpakita na ako ng kamalditahan. Nagulat naman siya. "I am the Daughter of Brianne Angelica Faustin and Brian Zam Faustin," kunot noong saad ko

"P-Po? T-tuloy po kayo, Ma'am," itinuro niya ang pinto at agad akong lumapit doon. Kumatok ako nang tatlong beses, at may nagbukas ng isang magandang babae. Kapansin pansin na nakabukas ang tatlong butones ng polo niya. Tinaasan niya ako ng kilay, kaya binigyan ko siya ng mas tataray pa, kaysa sa ginawa niya

"By appointment? Kung hindi, lumayas ka na," matinis ang boses nito, nakakairita. Masyadong maarte, at may bahid ng kalandian. Siguro dahil bago ako sa paningin niya at hindi niya ako kilala

"I don't have any appointments, I don't give my time just to make up appointments, hindi mo ako kilala? Mali yata ang iyong binangga," masungit kong sabi, tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa

Napapahiya siyang nag-angat ng tingin, at binuksan nang malaki ang pinto, sign na pinapapasok niya na ako

Halos matuptop ko ang sarili kong bibig sa nakita, pero nanatili akong mataray, at kalmado. Hindi niya pwedeng malaman na nagulat ako

"J-Jason," kinakabahang tinig ng babae

Napangisi ako. "Asami," may bahid ng sarkastiko sa tinig ko. "Hindi ko inaasahan, nakakagulat,"

"Brianna.." tawag nito saakin

"Now, you are calling me Brianna? Why not Bela? You're calling me Brianna kasi akala mo tanggap kita sa pamilya?" Sarkastiko kong tanong na ikinababa ng ulo niya. Tama yan, matakot ka saakin. I am more than this, Asami, and you know that

"Brianna-"

"It's Miss Faustin," saad ko

"But I am also a Faustin!" Sigaw niya saakin, lumalaban

"But.." napatingin ako sa boyfriend niya---ang manager, at tumingin nang malalim sa mata niya, "I am the original Faustin, sampid ka lang," nagsusungit kong aniya

"A-Ang sakit mo na magsalita ah!" Susugod sana siya saakin, pero pinigilan siya ng Boyfriend

"Bakit? May natapos ka na ba? Baka paulit-ulit ka sa Grade 12?" Real talk ko sakaniya. Namumula na ang buong mukha niya, marahil sa galit. Namumula na rin ang mga mata niya, maaaring malapit na siyang umiyak, malapit na siyang sumabog

"Oo nga, tama ka. Nagpaulit-ulit ako sa grade 12," pag-amin niya

"Three years akong nawala, Asami. You mean six years ka nang nagpabalik balik sa grade 12? Bakit? Ganoon ba kahirap ang STEM-12?" Natatawang ani ko.

"Miss, wag kang gagawa ng gulo sa teritoryo ko, lalong lalo na, girlfriend ko ang kinakalaban mo," singit ng lalaki

"Pumatol ka diyan?" Tiningnan ko ang lalaki, "jowang jowa ka na ba?" Tumayo ang lalaki, halata naman na nagpipigil na siya nang galit

"I just hope na maayos ang pagtrato niya sayo, kilala mo ba siya?" Tanong ko sa lalaki

"Yes, she is Asami Lynne Faustin," hindi mo alam na isang mamamatay tayo ang girlfriend mo

Napatingin ako kay Asami, masama ang tingin niya saakin

Oh, hindi mo pa ba nasasabi? Sorry ah, baka masabi ko sayo

Magsasalita pa lamang ako nang bumukas ang pintuan at bumukas ito. Nakita ko si Leandro, naka-formal attire!

"Bela," pagtawag nito saakin. Tiningnan ko siya na may malamlam na mata, hindi nagpapakita nang interes. Parang nanumbalik saakin ang sakit.. dahil nariyan siya, at nasa likod niya ang babae niya

"Babalikan kita, Asami. Magdudusa ka, dahil ako ang kinalaban mo," tiningnan ko sa mga mata si Asami, at ang boyfriend nito. Bakas ang gulat sakanila. Hindi ko alam kung bakit, pero inis na inis ako kay Asami. Marahil dahil siya ang dahilan kung bakit ako nawala nang tatlong taon, tapos malalaman ko nalang na kapatid ko siya?

Tumalikod ako, at nagkaharap kami ni Leandro. Tiningnan ko siya nang malalim sa mata, at tumingin sa girlfriend niya na nakataas na ang kilay saakin, pero halatang walang maibubuga.

Tss, walis tingting

Palabas na ako nang may dumating. Si Marc!

"Bela," tawag nito saakin, at napatingin siya sa kambal niya

"Kilala mo siya, Heather?" Nanlalaki ang mata ni Leandro

"And so? She's my bestfriend, Leandro," may diin sa bawat salitang binibitawan niya

"Nakatira ka sa bahay niya, Bela?" Tanong ni Leandro saakin. Hindi ko siya sinagot. "Answer me!" Galit na aniya

"What if I am?" Tanong ko

"Oh my god," rinig kong sabi ni Asami

VOTE| COMMENT| SHARE (EVEN IF OFFLINE)

My Gay Best Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon