MGBBF CHAPTER 36

450 28 4
                                    

MGBBF CHAPTER 36
ASH

Bela.

Biglaan ang pagdating ni Leandro. Hindi ko alam kung bakit pero nagsi-alisan ng tingin ang mga kumakain. Kilala ba nila si Leandro?

Gutom na ako, punyeta!

"Pinapatawag lang kita, nakikipaglandian ka na?" Nakatingin siya saakin. Ibig sabihin ba non ay ako ang sinasabihan niya?

Malamang Bela!

"Shea, Jason, Heather, umalis na kayo," sambit nito sa maawtoridad na tono

"Tara na!" Singhal ni Shea, at hinatak na paalis si Heather na kumakawala sa pagkakakapit nito sakaniya. Naningkit ang mata ko kasi para siyang higad kung kumapit. Tsk!

"Jason," sambit ni Leandro

"Fine! The hell, ako na ang nauutusan ngayon!" He said sabay walk out. Kung wala lang ako sa pwestong ito ay baka natawa na ako ng malakas. Para siyang babae

"You," matalim ang pagkatingin ni Leandro kay Zeus kaya naman hindi ko mapigilan na samaan din siya ng tingin

"Oh?" Zeus, wag ka na lumaban, please. Alam natin na matatalo ka kay Leandro

"Umalis ka diyan, alisin mo ang kamay mo sakaniya. Lumayas ka sa harapan ko. Umalis ka na dito," malalim ang boses niya. Hindi ito ang actual voice niya. Pang-anghel ang boses niya, eh. Demonyo nga lang ang ugali

"Bakit naman? Pre, alam mo, leave her alone," tumayo si Zeus, at tinulak si Leandro sa dibdib na ikinangiwi ni Leandro. Ni hindi man lang siya napaatras, o kung ano man

"Wag mong hahayaan na patulan kita, lalaki." Inis na sambit ni Leandro sakaniya. Ano nanaman ba itong argumentong ito?

"Hindi mo pa pala ako pinapatulan?" Sambit ni Zeus, nakangisi. Ngumiti naman si Leandro pero halata sa mata nito ang galit, at ang pagnanais nito na mapatay si Zeus

"Enough," tumayo ako at pumagitna sakanilang dalawa. Tiningnan ko si Leandro, bago ako maglakad para makalabas na. Gutom na talaga ako magf-fastfood chain nalang ako

Nung nakalagpas ako kay Leandro ay saka niya ako hinawakan sa braso

"Let go," I said. Nakakainis! Hindi ba kayo makaintindi na gutom na ako?!

"I'll talk to you,"

"Ayoko! Gutom na ako ng depunggol kayo!" Sigaw ko na ikinatawa ng iba. Agad naman silang natigil dahil sa masamang tingin ko. Isabay mo pa ang masamang awra ni Leandro

"You'll talk to me wether you like it or not!" Sambit nito

"Sabing gutom na ako! Gutom na ako! Gutom na ako," sigaw ko sakaniya at sabay kinalas ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko, sabay takbo

"Bela!" Sigaw niya at hinabol din ako. Syempre naman at hindi ako nagpatalo. Hindi ako nanalo sa amazing race para lang matalo sa ganito!

Pagkalabas ko ng canteen ay agad kong nakita si Jason. Kasama si Shea na matindi parin ang kapit kay Marc! Mukhang ayos na ngayon kay Marc ang pagkapit ng higad na iyon ha! Tsk!

Nang marinig ko na bumukas ang pintuan ng canteen ay tumakbo na ako papunta sa kinaroroonan nina Jason, sabay hila kay Jason na nagv-vape

Nagulat siya kaya naman hindi siya nakapagreact kaagad

Dinamay ko siya sa pagtakbo ko hanggang sa makarating kami sa kotse ko

"Hoo! Merry Christmas to me!" Sambit ko sabay start ng kotse ko. Nasa labas na si Leandro, at iniharang pa ang sarili niya sa dadaanan ko! Aba!

"Wala akong paki Kahit nandiyan ka pa!" Pinaharurot ko ang kotse ko, kaya naman natataranta siyang tumabi. Tawa naman ng tawa si Jason sa tabi ko. Mas lalo ko namang binilisan at doon na natigil ang pagtawa niya

"H-Hoy B-Bela!" Natatarantang tawag niya saakin

"Oh?"

"B-Bagalan mo!"

"Kalalaking tao, takot. Mas bakla ka pa kay Marc. Tsk" I murmured bago ko bagalan ang pagtakbo ng kotse ko

"Hindi ako gaya ni Marc..." natahimik kami pareho. Binuksan ko nalang ang radyo

"Here is the most requested song! Alam mo bang inaabangan ko rin ito, partner?" Sambit nung nasa radyo

"Ano ba iyan, partner?" Natatawang tanong ng partner niya kuno

"Tilaluha by SB19," sino daw? SB19? Sino yon?

Agad na tumunog ang background music. Nagulat naman ako Dahil sa Biglang paglakas nito. Nilakasan pala ni Jason

~sa tuwing ika'y nakikita
Di mapigil ang luha sa aking mata~

Ang ganda nung boses niya! My gosh

"Alam mo yang kantang yan?" Tanong ni Jason

"Hindi, eh," sambit ko

"~pano nga ba, pano nga ba, pano nga bang limutin ka? Kung sa puso ko'y ika'y nag-iisa~" sinabayan ni Jason ang kanta kaya naman ay bumilib ako sa ganda ng boses niya

Nagdrive nalang muna ako habang siya ay busy sa pagsabay sa kanta. Malapit na at makakapunta narin kami sa bahay nina mommy

Babatiin ko nalang muna sila ni dad tapos yung gift nila ay sa new year na? Hehe

"Miss Bria---" napatigil yung guard matapos makita si Jason na pachill-chill lang. Nakatingin lang siya ng malamig sa guard. Dahan-dahang bumunot ng baril ang guard, pero natigil siya matapos kong magsalita

"Shoot, and you're fired," sambit ko kaya naman agad niyang ibinalik ang kamay niya---nakaturo sa loob ng mansion

"W-Welcome m-maam, s-sir" pinaandar ko na ang kotse at pinarada ito

"Baba na," sambit ko kay Jason. Agad naman siyang sumunod saakin

Ano kaya ang magiging reaksyon nina mommy and daddy kapag nakita kung sino ang kasama ko?

Siguro ay magugulat sila, at magagalit. Mini Christmas gift ko muna ito sakanila

How will they treat Jason?

"Mommy, daddy, merry Christmas!" Sambit ko pagkapasok palang ng bahay

"Brianna---" natigilan si mommy at napatitig sa kakapasok lang na si Jason. Bahagyang kumunot ang noo nito bago ngumisi. Ngumiti naman siya pagkatapos. "Welcome to our house, Mr. Li" mapang-asar na bati ni mommy kay Jason

"Thank you Mrs. Faustin," sambit naman ni Jason. Nagulat si mommy. Kahit ako din eh. Ang tono kasi ni Jason, hindi katulad nung kay mommy. Para bang it is his pleasure to come inside our house. Hindi mapag-asar ang kanyang tinig. Nakakagulat

Bahagya namang nahiya si mommy sa iniasta niya, bago lumapit saakin, at hinalikan ako sa noo

"Merry Christmas, Brianna. Pasok muna kayo sa loob para makita ka ni daddy mo," sambit ni mommy, at pasimpleng tumingin kay Jason

"Tara Jason, i-meet mo daw si Daddy," sambit ko

Ngumisi lang si Jason. I already saw mom's reaction. Ano naman kaya ang kay Dad? Nakaka-excite!

VOTE|COMMENT|SHARE (EVEN WHEN OFFLINE)

My Gay Best Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon