MGBBF CHAPTER 17
ASH"Maingat ka, ha!" Sigaw nung lalaki matapos kong maiwasan ang kaniyang pagtira
"Suko na," sabi ko sakaniya
"Hindi!"
"Ano ba ang gusto mo?" Humakbang ako palapit at para naman siyang tanga na palayo ng palayo. "Pera? Pagkain?" Nagulat ako ng magtawanan ang mga kasama ko sa ilalim ng lamesa
"Buhay! Buhay ang kailangan ko!" Sigaw nito, walang pagaalinlangan
"Buhay? Kaninong buhay?" Tanong ko
"Kay Zero!" Nagiiyak naman si Zero sa ilalim matapos iyon sabihin ng panget na ito
"Ah, talaga! Bakit hindi mo kunin ang saakin?" Tinaasan ko siya ng kilay na ikinagulat niya
"Hinahamon mo ba ako, ha babae?" Tawa nitong kwago
"Ako ba, hinahamon mo?" Ngingisi ngisi ako habang siya naman ay halatang kinakabahan
"Ikaw, h-hinahamon ko?" Kaunti nalang, Bela! Bibigay na siya!
"Hindi ba?" Umamba ako ng suntok, at ganon nalang ang gulat ko dahil napaluhod siya habang pawis na pawis.
May aircon dito, sobrang lamig pa nga eh
"Suko na ako, Ma'am!" Itinaas nito ang dalawang kamay
"Good" sabi ko at lumapit na. Ganon na lang ang pagngisi ko ng pagkalapit ko ay sinapak niya ang sikmura ko. Pero dahil hindi naman ako nagulat ay pinatigas ko ang tiyan ko, kaya kaunti lamang na sakit ang naramdaman ko
Dahil nakaluhod siya at kinuha ko ng mabilisan ang clip ko sa buhok, at itinusok ang patalim sa leeg niya
"Sino ang nag-utos sayo?" Mahinahon kong tanong. Hindi siya sumagot, nakatitig lang siya saakin ng nanlalaki ang mata. Imposibleng mamatay siya kaagad dahil sanay ako sa mga ganiyan. 3 minutes bago siya mamatay, lalo na at sa leeg tumarak ang lason. "Hindi ka sasagot?!" Sinipa ko ang ulo niya, kaya napahiga siya
"Leand-" hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil tumirik na ang kaniyang mata
Leand? Leandro?
"S-Sino si Leand?" Tumaas na si Zeus, kasunod si Zero na buhay ni Zianea. Tulog na kaagad ang bata?
"Wala akong ideya," pagsisinungaling ko
"Sino kaya yon?" Galit na singhal ni Zianea. Hindi siya maaaring sumigaw dahil magigising si Zero
"Guard! Pakilinis ang kalat!" Sigaw ni Zeus at dali-dali namang pumasok ang guard at may inayos. "Kayo, magsipuntahan ka kayo sa kwarto niyo," humalik si Zeus sa pisngi ni Zero, at ni Zianea, bago sila umakyat
"Matulog ka na, Bela. Good night" nakangiting sambit ni Zianea, medyo kinakabahan parin siya
"Good night din." Pumasok na ako sa guestroom nila, at napahiga na kaagad sa kama. Pagod na rin ako, at isa pa ay antok na rin ako
"Pero hindi naman ako namimiss ng pamilya ko," ngumiti ako ng mapait ay may tumulong butil ng luha sa pisngi ko. Agad ko itong pinunasan at ngumiti bago tumagilid at nagkumot
Nakatulog na rin ako, maya maya
"Ma'am, gising po, hinanda ko na po ang iyong almusal, Ma'am," nagising ako ng Biglang may maid na pumasok sa kwarto
"Ah, sige, salamat," may pagkairita kong sabi
"Sorry sa istorbo ma'am," lumabas na siya ng kwarto at padabog naman akong kumain. Though, masarap ang inihain niyang pancake na may chocolate syrup na 5 layers
May buko juice, at cookies
Ang sarap naman ng mga pagkain dito sa bahay ng mga Zereneya
"Good Morning!" Nagulat ako ng biglang pumasok si Zianea sa kwarto at may dalang box ng J Co. Yung donut
"Uy," bati ko sakaniya sabay ngiti. "Tapos na ako kumain, eh hehe," sabi ko
"Then you have to leave space in your tummy! May mga darating tayong bisita hehe," sabi niya
Sila Lyeinne kaya ulit?
Naalala ko nanaman si Marc. Haha. weird
"Okay," ngumiti ako ng pilit
"Pinabilhan na kita ng mga damit, tulog na tulog ka kaya di ka na namin ginising. Inayos pa nga namin doon oh," sinundan ko ang tinuro niya---ang closet
"Salamat, nag-abala ka pa,"
"Anong abala? Hindi yan abala! Kung di kita bibilhan, saan ka kukuha ng damit, aber?" Nakataas na kilay na aniya
"Makapal mukha ko, Zianea. Kaya kong pagpabalik-balik sa bahay ng hindi sila pinapansin, kumuha lang ng damit,"
Naalala ko si Marc na binilhan ako ng maraming gamit. Tsk.
"Hay nako! Basta okay na yan, Brianna, ha? Susunduin ko na sila sa Airport!" Nilapag niya yung box ng Jco sa kama ko, at kumaway
"Ingat!" Pahabol ko at ngumiti
Nag-inat ako at tiningnan ang closet
"Lah!" Angil ko ng makitang andami nito!
Hindi nalang ako nagreklamo, at kumuha ng damit, at pumasok sa Comfort room
Matapos kong maligo ay sinuot ko na ang damit, at lumabas ng banyo na nagpupunas ng buhok
"Ay!" Sigaw ko ng makita si Zeus na nasa higaan ko, nagcecellphone---GAMIT ANG CELLPHONE KO!
"Hi," sabi nito saakin, kunot noo na nga ay hindi pa nakatingin saakin!
"Hey, Zeus! Give me that!" Sigaw ko, at naka-gesture ang kamay na ibigay mo saakin yan
"Isang tanong, isang sagot," bakit ang seryoso nito habang nakatingin sa cellphone ko?
Hindi siya nagb-browse sa phone ko, hindi niya ginagalaw ang daliri niya sa screen, pinakatitigan niya ang nilalaman ng screen
"Bakla ba talaga yung Marc?" Marc? Ah, si Marc?
"Oo, bakla si Marc, bakit?" Yun lang pala. Nakahinga ako ng maluwag at lumapit sakaniya. Habang siya ay nakahiga sa kama, ay nakaupo naman ako
Mukha kaming mag-asawa---ERASE!
Ano ba pinagii-isip mo! Angil ko sa sariling isipan
"Sigurado kang bakla siya?" Bakit ba! Bakit ba di ka makatingin saakin eh ang ganda ganda ko! Chos
"Bakit ba?" Medyo inis kong tugon
"Read it," binato niya ang cellphone ko, at mabuti nalang ay nag-landing sa kama. "I'll go now," paalam nito at lumabas
"Anong problema non?" Tanong ko sa sarili ko bago ko tingnan ang laman ng cellphone. "What. The---" nanlaki ang mata ko sa binasa
From: Marc
To: BelaHi Bela, sorry for last night :<
Lalo na sa iniasta ni Lyeinne... sorry din kung di ko sinabi sayong may asawa ako. Pero Bela, maniwala ka bakla ako. Bakla ako, pero ptngna bakit mahal kita? Bakit ikaw pa? For almost 6 years with Lyeinne, bakit sayo pa? Know what, Bela, we know each other for just I think 1 month? And still you captured my heart with no excuses, walang kahirap hirap. While Lyeinne---she's trying hardAno naman ang isasagot ko diyan?
Okay..? Ah?
Wag ko na nga lang replyan!
Hinagis ko pabalik ang cellphone ko, at inisip ang sasabihin niya
Mag-iisip pa lang ako ngunit nandiyan na kaagad si Zianea, maingay na. Sino naman kaya ang kasama nito?
VOTE|COMMENT|SHARE (EVEN WHEN OFFLINE)
BINABASA MO ANG
My Gay Best Boyfriend (COMPLETED)
Storie d'amoreWarning: Cringe alert. Wrote it when I was 14. It will not go through revision and it have a lot of holes in the story and questions that you want to ask due to lack of writing skills but it will never be answered and I'm actually sorry. You can cho...