MGBBF CHAPTER 39

430 30 2
                                    

MGBBF CHAPTER 39
ASH

After an hour matapos kong tawagan si Kerry ay may biglang kumatok sa pintuan ko

Inayos ko muna ang mukha ko sa salamin bago ko siya nilabas. Nagulat naman ako dahil nakita ko si kerry. Mga 11:00 palang ah? Ang sabi niya 5 ako susunduin?

Pero hindi siya nag-iisa. Kasama niya si Krystel at si Ken. Nakatingin sila sa mata ko. Ang magkakapatid na ito, masyadong mapag-obserba

"Umiyak ka." sabi ni Kerry. Hindi nya man lang tinanong. Pano kung namamaga lang ang mata ko?

"Hindi" I didn't look away. I am good at pretending

"You did. Tsk. What happened?" Tanong ni Kerry bago pumasok sa condo ko. Umupo sya sa sofa, at tiningnan ako

"W-Wala-"

"What happened?" Tanong ni Krystel sa likod ko kaya naman napabuntong hininga ako

"Puro Asami haha!" I laughed sarcastically. I didn't even noticed my tears. It slowly flows like a waterfalls

"What's with that bitch?" Tanong ni Kerry saakin

"Words, Kerry" suway ni Ken sakaniya

"Nasaktan si Asami, ako may kasalanan. Paano kung ano yung nasaktan? Eh putangina nga halos isang linggo akong wala! Nakikipaglaban ako kay kamatayan nung buong linggo na iyon. Ngayon ngayon lang ako nakabalik at ito pa ang bubungad sakin?! Ito pa?! Ano nanaman! Ako nalang lagi-!" Napatigil ako dahil hindi ko na kayang magsalita. Iyak na ako ng iyak. Lumapit saakin si Krystel at niyakap ako. Tumabi naman saakin si Kerry, at nananatiling nakatayo sa harap ko si Ken at nakatitig saakin. Yung utak niya parang naglalayag. Para bang may pinapatay na siya sa isipan niya. Well, what will I expect from him? He's a goddamn mafia leader

"Tahan na. Dapat maganda ka, Bela. May aatendan tayong beach mamaya diba?" Sabi ni Krystel saakin. Pilit akong pinapatahan

"H-Hindi na a-ako sasama. K-Kayo nalang." Sabi ko sakanila na ikinagulat naman ni Kerry

"No way! Bonding natin yon!" Sigaw ni Kerry

"Besides, we have our costume already in my car" sabi ni Ken pero may something parin sa tingin niya. Tsk

"Kaya tahan ka na" sabi ni Krystel saakin bago umalis sa pagkakayakap saakin, at tumayo. May binuksan siyang isang cabinet at kumuha ng bimpo. "Wala kang kasalanan okay?" Sabi ni Krys bago ipunas sa mukha ko ang bimpo---syempre yung maayos. Tumahan na rin ako pagkatapos. Hindi naman ako ganon kaarte. I'm blessed to have them as my friend

"Kuya, bili ka nalang ng food natin doon sa baba---"

"No need, may aakyat na waitress or waiter dito with food" sabi ko bago kunin ang phone ng kwartong ito

"Sherenn Hotel Canteen's chef is speaking" sambit nung nasa kabilang linya

"I am Miss Brianna Angela Faustin, room 201.Apat kaming nandirito sa room so I am expecting four packages of food" sambit ko. What I mean by packages is parang yung food in plate then may fries, sundae, burger, or what so ever. Marami pa iyon. Masyadong mahal ang binabayaran ko sa punyetang hotel na ito kaya dapat ay sumunod sila sa order ko!

"Yes, Ma'am, coming right away" ibinaba ko na kaagad ang phone at tumingin sakanila bago ngumiti

"I will kill that fucking---"

Tinakpan na kaagad ni Krystel ang bibig ni Ken gamit ang kamay niya

"What he's saying is He'll kill the crew if konti ang dadalhin niya kasi gutom na daw siya hehehe" pagpapaliwanag niya. Sus. You can't hide from me, Krystel. Gusto niyang patayin si---

"Ma'am, heto na po ang food ninyo" binuksan ni Kerry ang pintuan at pumasok ang maliit na cute na babae

"Yuck, so short" Kerry murmured kaya naman napayuko ang babae

"M-Ma'am, s-sir, tawag l-lang po kayo k-kapag po m-may kailangan pa po kayo" saka siya nag-bow saamin bago tumakbo palabas

"Kerry masyado kang---"

"Tsk! Let's just eat, it's already 11:30. Aayusan pa natin si Bela" sabi ni Kerry or rather putol ni kerry sa sinasabi ni Krystel

"Aayusan? Eh diba swimming lang naman yon?" Tanong ko sakanila

"Ah... may 30 minutes party muna kasi yon. Kailangan pak na pak ang beauty natin! Saka tayo mags-swimming!" Sabi ni Krystel

"Ganon ba? O sige, kumain na muna tayo"

Marami kaming pinag-usapan. Nakakasali si Ken pero lutang parin siya. Mukha nga siyang tanga kasi kinain niya yung gravy! Lutang moments with Ken

"Ayusan na natin siya! Suotin mo na yung pinapasuot namin!" Sigaw ni Kerry matapos magpababa ng kinain

"Ganito kaaga? 12:30 palang ah?" Tanong ko sakaniya

"Just do it!"

Pumasok ako sa CR dala ang damit at naligo ng maigi. Malamig pa naman sa room ko dahil sa aircon tapos... ganito pa ang suot ko!

Matapos kong maligo ay nagulat nalang ako sa nakalapag na maleta sa kama ko!

"Gorgeous!" Sigaw ng magkapatid na babae bago ako hinahin ni Kerry

Binuksan niya ang maleta at puro make-up ang laman! Yung make up na organized sa loob!

Pina-upo nila ako sa chair sa harap ng salamin then tinanggal ang towel sa buhok ko

Binlower nila ang buhok ko. Matapos na matuyo ay kinulot nila ang mahaba kong buhok. Yung sa ilalim lang ang may kulot. Maganda ang pagkakakulot niya, parang pangmodel. Ganon! Inisprayan nila ng spray net para hindi agad matanggal ang pagkakakulot nito

Matapos non ay iniharap nila ako sakanila. Si Krystel naman ang gagalaw sa mukha ko

Inahitan niya ang kilay ko, at nakikita ko naman na pantay ang pagkakaahit niya. Foundation, eyeshadow, eyeliner,mascara, cheek tint, lipstick, then kinilayan ako. Marami pa siyang ginawa saakin. Pinapatungan niya pa ang eyeshadow ko para mas gumanda.

After 2? 3? Hours, natapos din kami

It's now 4 P.M. and naghahanda narin sila. Naunang mag-ayos si Krystel. Maganda ang suot niyang plain white na dress na mahaba, then may mga kung ano ano siyang nakasabit sa katawan na puro sunflower. Even her accesories have sunflower on it

Sunod naman na lumabas si Kerry ng banyo na may sunflower dress! Wow!

Nagsuot ang magkapatid ng high heels---scratch that! It's killer shoes!

Wow, killer shoes at the sand. How lovely...

Madapa sana kayo

"Ang ganda niyo naman!" Sambit ko matapos nilang magbihis

Nagmake-up na sila at mas lumitaw ang ganda niya. Wala si ken sa kwarto ko dahil lalaki siya. Ang sabi niya ay hihintayin niya nalang daw kami sa sala. Manonood nalang daw muna siya ng TV pagkatapos niyang mag-ayos

Natapos sila ng 5 PM at lumabas na kami ng room. I was shocked to see Ken wearing beach short and just a plain white tshirt. He's wearing chanel... chanelas char

"Suotin mo yun oh, yung blue na killer shoes na yon" sabi ni Kerry at tinuro ang killer shoes ko

Bahala na nga kaming madapa sa killer shoes na ito! Basta may parry bago magswimming!

Lumabas na kami ng condo ko. Pumasok na kami sa kotse. Ready to leave my condo, and go to the beach! Wihhh!

So excited!

VOTE|COMMENT|SHARE (EVEN WHEN OFFLINE)

My Gay Best Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon