MGBBF CHAPTER 20

850 57 3
                                    

MGBBF CHAPTER 20
ASH

Asami.

Narito ako ngayon sa bahay namin---sa bahay ng mga Faustin. Ayoko man dito manuluyan ngunit wala akong magawa, lalo na at masakit parin hanggang ngayon ang paa ko. Si mom and dad, hindi na mapakali. Hindi nila mahanap ang kanilang unica iha

Nagpaikot ikot ako sa bahay at napadpad naman ako sa mga pictures ng pamilya nila. Isa lamang ang litrato ko rito, kasama ang mga Faustin. Tanggap naman nila ako, ngunit kapag si Bela na ang usapan, lumalayo na ako

"Ang ganda mo sana.." malungkot kong ani. Nakatingin ako sa picture ni Bela. Mag-isa lamang siya at kumikislap ang kaniyang mga mata. Ang kaniyang pagngiti ay malawak, at ang ganda ganda niya talaga.. kaso.. "masama ang ugali mo," sabi ko. Oo, inaamin kong masama rin naman ako, pero kung masama ako, ano pa siya, hindi ba?

Tinitigan ko ito ng mabuti. Malayo ako rito ng mga tatlong hakbang. Ayaw kong may mahawakan na Kahit ano

"Oh, Asami? Ano ang ginagawa mi riyan? Halina't kakain na tayo ng tanghalian," lumapit saakin si Mommy Brianne, at inakbayan ako. Napatingin siya sa tinititigan kong litrato---kung nasaan ang kaniyang anak

"Miss ko na siya," nakangiti ngunit malungkot na ani Mommy

"Nako mom-"

Nagulat kami at napaatras nang biglaang bumagsak ang litrato ni Bela! Anong nangyari? Malayo kami ni mommy sa kaniyang litrato, eh!

"I-I don't want to say this b-but.." mukhang pareho ang detalyeng nakuha namin. Isa lang naman ang ibig sabihin niyan eh..

"Mom," inaalo ko siya dahil umiiyak na siya, napapaupo na siya sa pag-iyak

"What happened here?" Nandito na si Dad, nagtatanong kung ano nga ba ang nangyari

"K-Kasi ano.." nauutal si mommy, kaya hindi nakasagot kay dad. Napatingin naman saakin si dad

"What happened, Asami?" Nangunot na ang noo ni dad kaya kailangan kong sabihin sakaniya ang nangyari

"Nabasag po ang frame ni Bela, dad," pagpapaliwanag ko sa nagyari

"Sino ang nakabasag!" Hindi iyon tanong ngunit pasigaw niya itong sinabi. Galit siya

"W-Wala. We're both three steps away from that frame," pagpapaliwanag ni dad

"Then why are you crying? Hindi mo naman pala kasalanan eh," nangunot na nang sobra ang kilay ni dad

"Nabasag.. m-may nangyaring m-masama kay Bela," nagulat naman si dad at napalitan ang kaninang galit ng nag-aalalang mukha

"Pano mo nasabi?" Tanong nito

"Pamahiin iyon," iyak parin ng iyak si mommy, kaya naman dinala na ni dad sa kwarto, siya na daw ang bahala

Napatingin naman ako frame na nabasag

Pupulutin ko na sana nang may biglang humawak sa balikat ko

"Ma'am, ako na ho, ma'am," magalang na ani matandang maid

"Ah, sige, salamat,"

Naglakad na ako paalis sa lugar na iyon. Maya maya ay narating ko ang bench dito sa likod ng bahay. Doon naman ako nag-isip

Nasaan kaya si Bela? May nangyari kaya? Totoo ba ang mga pamahiin?

Hindi ako naniniwalang totoo ang mga pamahiin ngunit bakit ngayon ay kinakabahan ako? Bakit ako kinakabahan?

My Gay Best Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon