MGBBF CHAPTER 26

722 44 4
                                    

MGBBF CHAPTER 26
ASH

Nakatulog ako matapos kong mapadpad sa kwarto ko. Kasalukuyan kaming magkasama ni Asami sa iisang kwarto dahil nga sa nangyari saamin---syempre, mas napuruhan si Asami. Siya ba naman gulpihin nung walang kwentang boyfriend niya, eh!

Nang magising ako ay sinabi saakin ni Zianea na halos buong araw akong tulog.. marahil dahil sa pagod ito

"Kumusta ang pakiramdam mo?" Binalingan ko ng tingin si Asami

"Maayos naman ako. Tsk. Medyo naiinis lang," hindi ko maramdaman na inis siya dahil sa nangyari sakaniya. May nangyari pa bang iba bukod doon?

"Bakit?" Clueless kong tanong

"Eh kasi naman hindi ka nagigising kahit anong ingay namin kanina! Tapos nandito si Lyeinne non!" Problema neto at sobrang inis? Ano naman kung nandito yung maarte?

"Oh, tapos?" Tanong ko

"Nakakairita siya kasi hindi siya nagsasalita! Nakatambay lang siya dito na akala mo kamag-anak natin na namatayan!" Kaya pala galit ko. Pinakaayaw niya talaga sa lahat ay ang makikisingit sa nga usapan, saka yung pinapakitaan siya ng awa

"Anong ginawa mo?" Tanong ko. Nakaka-excite naman kung malalaman ko kung anong ginawa niya

"Sinampal ko ng heels," nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Sinampal niya ng ano?! Heels?! Seryoso siya doon?! Eh paano kung magdemanda samin ang MAGALING niyang ASAWA?! I rolled my eyes. Napakagaling mo, Bela. Pinapagselos mo ang sarili mo na hindi naman dapat. Tsk!

"Edi dumugo ang mukha?!" Tanong ko. Syempre kahit galit ako doon, may CARE parin ako sakaniya. Hindi tulad ng isa diyan, wala akong ginagawa sakaniya hindi man lang bumisita!

"Ewan ko ba! Gawa ata sa metal ang mukha non eh! Namula lang!" She rolled her eyes 360 degrees na ikinatawa ni Krystel

"By the way Bela, alam mo na ba?" Nangunot ang noo ko sa Tanong ni Ken saakin. Masyado siyang seryoso at malamang ay hindi ko alam ang sasabihin niya. Tsk!

"Tingin mo alam ko?" Tanong ko na inis. Oo alam ko! Alam kong maganda ako, char!

"Wala ka nang magagawa sa sasabihin ko," sabi ni Ken. Tumaas ang kilay ko dahil hindi siya ganito kaseryoso

"Ano ba yung sasabihin mo--"

"Hey," halos tumalbog ang puso ko nang marinig ang boses ni Marc na kakapasok palang ng pintuan. Narinig ko ang mahinang pagbungisngis ni Krystel at Asami sa likod ko. Syempre ay narinig ko rin ang pag-tsk ni Kerry sa gilid

"Panira! Tsk!" Ken murmured

"Proceed," nakangiting sabi ni Marc sakaniya. Ay, good mood siya? Sabagay, sino ba ang hindi magg-good mood kapag nakasama ng buong araw ang ASAWA

"Buy me food first," utos ko kay Kerry na nasa gilid ko. Tinaasan ako nito ng kilay

"Bakit ko naman susundin ang utos mo?" Bumagal ang pananalita nito nang tingnan ko si Krystel at tiningnan naman ni Krystel si Kerry ng masama. "Fine! Tsk!" Lumabas ito nang hindi nanghihingi ng pera saakin. Baka babayaran ko nalang mamaya

"Proceed," gaya ko sa sinabi ni Marc. Ang pinagkaiba lang namin ay ako, seryoso at siya ay masaya

"My parents and your parents decided this.." ano ba Ken, umayos ka nga at binibitin mo ako! Hindi mo ba masabi ng tuloy-tuloy?!

"Ano ba yon?!" Tuloy, nairita ako sa sobrang bagal nito magsalita! Tsk.

"We're getting Married," sabi nito na ikinalaglag ng panga ko. Napatingin ako kay Marc at nakita ko itong umiigting ang panga at nakapwersang nakasara ang kamao nito. Ang masayang mukha nito ay napalitan ng halo-halong emosyon na puro negatibo

"Who said?" Galit talaga siya? Sobrang sama ng aura nito, halos makita mo ang itim na bumabalot sa kaniya

"Our parents decided," nakikipaglaban pa tong si Ken eh! Wag mo nga kinakalaban ang asawa ko---sa panaginip

"Let her decide! You can't control her fucking life!" Oh wag ka sumigaw, wag ka galit.

"But her parents and mine can!" Sobrang kunot na ng noo niya at nagkukuyom narin ang kaniyang kamao. Parang kaunti nalang at sasabog na siya. Kung sakaling sasabog siya ay masasapak niya si Marc

"I said let. Her. Decide." Mariin nitong sinabi ang mga katagang iyon. Bumuka pa lamang ang bibig ni Ken nang magsalita siyang muli. "And wala kang magagawa kapag sinabi ko. She's mine, so better back off," sabi ni Marc kay Ken. Hindi ko alam pero kinilig naman ako. Parang gusto kong tumalon sa tuwa, sa kilig! Ano ba naman yang excitement na yaaan! Tara na Marc, punta tayong simbahan para magsimba. Kung gusto mo, diretso kasal na

"Anong magagawa ng isang bakla para maagaw ang isang Anhel saakin?" Tanong ni Ken kay Marc na ikinagalit nito ng sobra. Kung makapagreact naman itong si Marc akala mo hindi totoong bakla.. pero ano daw? Ako? Anghel?

"Kung si Brianna ay isang ANGHEL, hindi siya nararapat saiyo," pakikipaglaban nito

"At bakit naman?!" Halos iangat na niya ang kamao nito. Malapit na niya itong masapak

"Dahil ang DEMONYO, ay mananatiling DEMONYO." Seryoso at malakas ang dating sa sabi ni Marc kay Ken. "At kung ANGHEL siya, dapat ang mga kasama niya ay mga kapwa niyang ANGHEL," tumingin si Marc sa mga kaibigan ko na nakangiti sa sinabi niya. So ibig sabihin non ay ang mga kaibigan ko ay Anghel? Weh? Mga demonyo yan eh, charot. Tumawa ako ng kay lakas sa loob-loob ko pero nananatili ang mukha ko na seryoso. Ayokong ipakita na kinilig ako sa punyetang salitang iyon

"At hindi rin siya babagay sayo! Demonyo ka rin!" Sobrang lapit na ni Ken kay Marc. Isa nalang, magkakaroon na ng world war III

"Sinong may sabing demonyo ako?" Inosenteng tanong ni Marc

"Bakit? Ano ka sa tingin mo? Anghel?!" Natatawang tanong ni Ken kay Marc na ikinangisi lamang nito

"Hindi. Ako ang Diyos." Sabi nito na ikinalaglag ng panga ko. At paano niya naman iyon nasabi, aber?!

"Ha! Hindi kita sinasamba!" Nakangising sabi ni Ken kaya naman mas lalong lumaki ang ngisi ni Marc

"Hindi mo ako sinasamba, pero sinusunod ako ni Brianna. Diba hindi ka magpapakasal sakaniya dahil saakin?" Tinaasan ko ito ng kilay, at tumawa ng sobrang lakas. Sorry, hindi ko napigilan ang tawa ko

Tiningnan ako ng masama ni Marc at napangiti naman si Ken saakin

"Pano mo nalaman?" Dahil doon ay nawala ang ngiti ni Ken, napalitan ito ng sakit? Kasabay ng matinding galit

VOTE|COMMENT|SHARE (EVEN WHEN OFFLINE)

My Gay Best Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon