MGBBF CHAPTER 12

1K 63 8
                                    

MGBBF CHAPTER 12
ASH

Anong problema ng mga tao dito? Bakit ang weird ninyong kumilos?!

"Here is your order, ma'am," ewan ko kung nahihilo lang ako o ano pero nakita ko siyang nakangisi bago ngumiti

"Thanks." Tipid kong sagot at tiningnan ang pagkaing nakalatag rito

Hindi ko alam kung anong pagkain ang nandito, kaya di ko muna ginalaw. Tinitigan ko ito ng mga tatlong minuto, pinapakiramdaman ang paligid ko. Lalong lalo na ang waiter na nasa tabi ko, pinagmamasdan ako. Hindi ko alam kung bakit niya ako binabantayan

"Hindi ka aalis diyan?" Maangas ngunit seryoso kong sabi. Hindi man nakatingin sakaniya ay nakita ko siyang nagulat at yumuko

"Pasensya na ma'am, pero kailangan ko ho kayong bantayan" magalang ngunit bakit hindi ko maramdaman?

"Bakit? Bata ba ako?" Sa pagkakataong ito ay humarap na ako sakaniya

"Utos lamang ho ng manager," sinsiro pero parang wala lang

Wala akong maramdaman na ibang damdamin sakaniya kung hindi ang panganib

"Hindi ko kailangan ng tagapagbantay," napatayo na ako sa inis

"Ma'am, may problema ba?" Lumapit saakin yung babaeng nagngangalang Zianea

"Wala naman." Pagtataray ko at maglalakad na sana nang biglaan akong hilahin nung Zianea

"Wag kang aalis," bulong nito sa pinakamahinang tinig ngunit rinig na rinig ko

"Bakit?" Pagtataray ko

"Kung mapapansin mo, lahat ng tauhan dito ay may mga taong binabantayan. Ang lugar na ito ay hindi maaaring puntahan." Pagpapaliwanag niya. Nangunot naman ang noo ko

"Bakit?" Tanong ko

"Mapanganib ang lugar na ito," matapos niyang sabihin iyon ay may narinig akong nagkasa ng baril

Agad akong gumawa ng kilos at tinulak si Zianea para makakilos ako ng maayos

Maya maya pa ay bumukas ang pintuan at niluwa ang limang armadong lalaki

Itinutok nila ang baril sa lahat ng naroon, kaya nagtilian ang mga tao

May kakapasok lang na isa, at itinapat agad ang baril saakin. Saakin...? Hindi! Kay Zianea!

Kinuha ko ang baril ko at itinutok doon sa lalaki na nakatapat ang baril kay Zianea. Doon naggalawan ang mga tauhan nila at kinuha ang kaniya kaniyang baril at tinutok sa iba pa. Ang mga lalaki ay nakatitig saakin at pawang kinakabisado ang mukha ko. Siguro ay Dahil bago pa lamang sa paningin nila ang kagandahang taglay ko

"Sino yan!" Hindi siya nagtanong. Ang pamamaraan niya ay pasigaw at maangas

"Wala kang paki kung sino siya!" Sigaw ni Zianea

"Ah talaga Zia? Talaga?!" Maangas na tanong nung leader nila kaya nainis ako. Nakakairita ang pagtatanong niya ng walang kabuluhan

"Shut up! You'll be killed or leave?" Maangas din ang pagkakatanong ni Zianea doon sa negro

"Yan nalang ba ang kaya mong ibigay na salita tuwing makikita mo kami? Ibahin mo naman!" Mapangasar ang tinig nung negro

"Eh-"

"Leave, or you'll die?" Sumingit na ako sa usapan nila dahil ang tagal nilang magusap

"Anong akala mo sa sarili mo? Diyos para sundin ko? HAHAHA!" Mapangasar ka talaga ah?

Pinutok ko ang baril ko sa balikat niya, dalawang magkasunod, iisang butas ang pinasukan, hindi dalawa. Two in one

"A-Aray! Sino ka para ganiyanin ako!" Pasugod na siya ng pigilan siya ng kasamahan niya, at hinarang ang sarili sa negro. Itinutok nung isa ang baril saakin, hanggang lahat na sila ang nagtutok ng baril saakin

"Sino ka?" Kunot noong tanong nung bida bidang nagsalba sa buhay ni negs

"Hindi mo ako kilala?" Tanong ko sakaniya

Pasagot pa lang siya ng iputok ko sa tiyan niya ang baril, at sinabi ang katagang---

"Ako si Bela. Bela Faustin. Remember that name, para sa susunod na atakihin niyo ako, kilala niyo na ang bawat pagkatao ko," maangas na ani ko, at iniwan silang nakatunganga

Pumasok ako sa loob ng kotse ko at pinaharurot ito paalis

Dalawang labanan ang nakasangkutan ko pero wala parin akong natatamong sugat, pasa, o sakit ng katawan. Hindi man lang ako napagod

"Hello?" Sinagot ko ang tawag ng hindi tinitingnan ang tumawag

"Bela, where are you?!" Si mommy. Tiningnan ko ang oras at 1:30 na ng hapon

"Kasi nagkaron ng kaunting problema. Kwento ko nalang sayo pagkauwi ko. Pauwi na ako."

"Ingat," seryoso ang tono ng pananalita niya. Nakakatakot

Pinatay ko na ang tawag at pinaharurot ang kotse pauwi. Mga tatlumpung minuto ay nakarating na ako sa Mansion at pinarada ang kotse sa paradahan, malamang

Pagpasok ko sa bahay ay nandirito na si Asami, humihiyaw dahil sa sakit. Ginagamot ang sugat niya nung family doctor namin

"Siya ang may gawa saakin nito!" Sigaw niya, at sabay tinuro niya ako. Nagsitinginan ang mga naroroon saakin. Masama ang tingin ng iba, habang ang iba, ay mukhang masaya

"Anong nangyari, Bela?" Tanong ni Mommy, nag-aalala. Ano yan? Bagong dating?

"Masyadong madaldal, at napaka---" nagulat ang lahat, lalo na ako ng may humigit saakin, at hinarap ako sa likod. I just found myself looking at my right side

S-Sinampal mo ako?! SINAMPAL MO AKO!

Inangat ko ang tingin ko kay Jason, at naglabanan kami ng masamang tingin, hanggang sa nag-iwas siya

"HOW DARE YOU!" Sigaw ko at sinapak siya, dahilan para dumugo yung ilong niya. Mukhang galit na galit na siya kumpara sa una naming pagkikita

"Anong--!"

"Stop!" Sigaw ni dad, umuusok na ang ilong

"Ano! Lalaban ka?!" Sigaw ni Jason saakin, nanghahamon

"Ako pa?! Ako pa ang hinamon mo?!" Sigaw ko. "WALANG KWENTA!" Pagsigaw ko sa mismong mukha niya

"Ha! Paano mo nasabi?!" Sigaw niya rin sa mismong mukha ko, bumabawi

"Napakawar freak mo." Mahinahon ngunit may diin na sambit ko

"YOU TWO! LEAVE MY HOUSE!" Natahimik ang lahat. Umalingawngaw ang boses ni dad sa buong living room. Ang lakas ng boses ni dad kaya natakot ang lahat na magsalita

Agad na kumilos si mommy para aluin si daddy, at pinakilos naman ni Asami ang boyfriend na umalis

Masama ang tingin ni Jason saakin bago umalis. Pagharap ko kay dad ay masama na ang tingin saakin

"Una ginawa mo ito kay Asami! Ngayon kakauwi mo palang, nagdadala ka na kaagad ng gulo! Ano ang kasunod nito?!" Sigaw ni dad na halos nagpatigil sa doktor na gawin ang trabaho niya sa pamamahay na ito

"Bela, anak, doon ka na muna tumuloy sa bahay ni Heather.." malungkot na ani mommy

Great! This is so Great!

VOTE|COMMENT|SHARE (EVEN WHEN OFFLINE)

My Gay Best Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon