MGBBF CHAPTER 2

2K 102 1
                                    

MGBBF CHAPTER 2
ASH

"Hoy tih, 'wag ka ngang tulog mantiks!" Nagising ako sa yugyog at sa ingay ng baklang to

"Tsk" singhal ko sakaniya

"Oh, kajirits ka tih ah, tulo laway" inikutan niya ako ng mata, ako naman ay binasa ang tissue na nasa harapan at pinunas sa pisngi at baba ko

"Oh!"  Hinagis ko ang tissue sakanya kaya sumigaw siya ng "Ew". Ako naman halakhak ang peg

"Kain ka na, besh," besh? BESH?!

"Besh?" Naguguluhan kong tanong

"Dahil hinahanap mo ang pamilya mo, doon ka na muna tumuloy sa bahay ko, Besh. Dapat mag-besh friends na tayo," maarte niyang sinabi

"Sure ka?"

"Oo nga! Ayaw mo?"

"Hindi naman.. kaso hindi ba nakakahiya?"

"Bakit ka naman mahihiya? Eh nakapagtapos ka na nang pag-aaral. Bilib ako sa katalinuhan mo, eh noh?" Siguro ay iniisip niya na bago ako mapadpad sa lugar nila ay naka-graduate na ako nang College. Masyado daw advance ang isip ko kaya ang aga kong mag-college

"Hehe, normal na sakin," inikutan niya nanaman ako nang mata at sabi ng "yabang,"

"Kumain ka na, binilhan kita ng Lugaw" then binigay niya saakin ang mangkok na may laman na mainit na lugaw

"Waah! Salamat," kumain na ako kasi hindi naman ako kumain noong Meryenda at dinner

"Masarap?"

"Oo naman, tatlong beses akong nag-skip ng meal eh,"

"Bakit?"

"Ewan ko, kasi sana kakain ako sa birthday party ni Leandro," sabi ko

"It's also my birthday yesterday, pero wala namang naghanda saakin, hehe" halatang pilit lang iyon. Bigla akong nakaramdam ng awa

Kahapon ay October 13. Ibig sabihin---ay kambal nga pala sila, Bela ang tanga mo ha

"Belated happy birthday, Marc, sorry nakalimutan ko," nag-sad face pa ako pero parang sumama ang timpla ng mukha niya

"Don't call me Marc, panglalaki eh, call me Heather," lah? Ang arte. Bahala ka dyan. Papabayaan kitang maasar, to the moon and back mwahahaha

"Marc, matagal pa ba bago tayo makarating ng Baguio?" Tanong ko na may bahid ng pang-aasar

"Tsk! I told you, it's Heather! Heather! 30 Minutes nalang," nawawalan ng pasensyang aniya

"Hehe Marc," tawag ko

"What!" Yup, hindi niya itinanong iyon, sinigaw niya yon

"Wala akong damit" napapahiya kong tugon

"I know, haha. Bibili nalang tayo," sabi niya

"Wala akong pera," halos lamunin na ako ng kahihiyan

"May pera ako," sabi niya

"Marc-"

"Pero di ko gagamitin sayo kapag tinawag mo pa akong Marc" nagbabantang aniya

"Okay Heather hehe," natahimik kami at maya maya ay huminto na ang Bus na sinasakyan namin

Bumaba na kami pareho at doon ko lang napagtanto na wala rin siyang dalang gamit, gaya ko

"Sakay ka na," nagulat ako dahil may kotse siyang nakaparada. Ibig sabihin ay.. mayaman siya?

Sumakay ako doon at sumunod na din siya. Habang umaandar yung kotse ay umismid ako

"Hindi naman mayaman sina Leandro, ah?" Tanong ko sakaniya

"Me' gusto kasi si Kuya sayo kaya idinahilan nila na wala silang pera pampauwi mo, pero mayaman kami," maarteng tugon nito. Humagikgik naman sa isang tabi ang driver ng kotse

"Ma'am Heather, mukhang bestie mo yan ah? Saan mo yan nakuha?" Ani Driver

"Sa tabi tabi, mang Berto," natawa silang pareho habang ako ay sumimangot. "Charets lang, ex yan ng Kambal ko," seryosong aniya

"Tss," singhal ko

"Nandirito na ho tayo, Ma'am," lumabas na si Marc at lumabas na rin ako. Marunong ako sumakay sa Kotse at lumabas rito dahil mayaman rin kami

"This is my house, feel free to do anything you want. May isa pang kwarto doon na puro pink, kasi as you can see, bebee eke," maarteng sabi ni Marc at pumasok sa loob, sumunod narin ako

"Dito ang kwarto mo," nang makarating kami sa 2nd floor ng bahay ay may mga iba't ibang pintuan na malayo ang agwat sa isa't isa. I assume that malaki ang loob nito. Itinuro niya ang isang pintuan sa bungad. "At ito ang kwarto ko," turo niya sa katapat ng tinuro niya kanina

"Salamat," sabi ko

"May gown aketch d'yan, maligo ka at suotin mo yon, ha? Bibili tayo ng damit mo, go gurl!" Tapos binuksan ang pinto at ipinasok ako sa loob

Noong sumara ang pinto ay inilibot ko ang paningin ko sa Loob. Malaki, maganda, malawak.. Pink

Binuksan ko ang cabinet at doon tumambat ang nakasabit na pink dress na fitted, longsleeves, at kita yung tiyan. Hanggang paanan ko ito at may mahabang slit hanggang sa half legs ko

Tinungo ko ang drawer at mayroon doong nakabalot pang underwears and upperwears

"Napaghandaan ang peg?" Bulong ko. Nagtungo ako sa banyo at kulay puti naman dito. Sa sobrang linis ay siguro maaari ka nang kumain dito

nagbabad ako sa bath tub at maya maya ay umahon na para magsabon, at kung ano ano pa. Matapos na magbanlaw ay doon na ako nagsuot ng hindi pa gamit na pink bathrobe at lumabas ng Bathroom. Nagtungo ako sa Drawer at kumuha ng isang panty and bra then sinuot ko, then next kong sinuot is yung dress

Sumilip ako sa mirror and I look like a princess. Umupo ako sa harap ng salamin at nagsuklay. May dryer? Ginamit ko ang dryer at saka ako nagtali ng ponytail

Lumabas na ako ng kwarto at tumambad saakin ang baklang naka-black fitted pants at pink na damit. Baklang bakla tayo dyan ah?

"Use that, kay Veronica yan," si Veronica ang babaeng bunso nilang dalawa ni Leandro

Napatingin ako sa itinuro niya. Killer shoes!

Tinulungan niya akong isuot iyon at halos tumumba ako sa taas, pero sabi niya, "keribels mo yan, besh"

Sumakay kaming muli sa kotse at Wala pang trenta minutos ay nandoon na kami agad sa Mall. Wow. Hindi hamak na mas malaki ang Mall na ito kaysa noong huling tatlong taon

Pagpasok namin ay ang kaninang malamig na klima ay mas lumamig pa!

"Hi, Ma'am, sir, please try our strawberry cake for free," ipinakita niya saamin ang nakahiwa nang maliliit na piraso noong strawberry cake na sinasabi nito. Kumuha kami ng tig-isa at kinain. Masarap, malasa. Iniwan din namin sila hehe

"Bili na tayo ng damit mo.. tapos kakain tayo, and then... manlalalaki tayo!"

Bumagsak ang panga ko! Man.. manlalalaki?!

VOTE| COMMENT| SHARE (EVEN IF OFFLINE)

My Gay Best Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon