MGBBF CHAPTER 4

1.4K 79 2
                                    

MGBBF CHAPTER 4
ASH

"Bela, tayo ka na d'yan," malanding sambit ni Marc

"Oh?" Tanong ko. Hindi pa ako tumatayo, nakahiga parin, pero nakadilat na

"Aalis na muna ako," paalam niya saakin

"Where are you going?" Takhang tanong ko

"May duty ako ngayon," ano bang trabaho nito?

"Diba 18 Years old ka lang rin?" Kaya paano siya nagkaroon ng trabaho? Eh dapat 1st year college lang ito eh

"Akala mo ikaw lang ang nag-college ng maaga? Hell, no!" Ang arte mong bakla ka!

"Ano bang trabaho mo?" Tanong ko, pumikit na ako. Inaantok pa ako. Wala pa ngang liwanag!

"Doktor ako, tumayo ka na d'yan!" Hinila niya ako pa-upo kaya tumayo narin ako

"Ano ba yon? Nang-iistorbo ka, eh" singhal ko

"Maligo ka na! Isasama kita sa Hospital, gora!" Sigaw niya at pinasok ako sa banyo. Narinig ko nalang ang pintuan na sumara---sign na umalis na siya

"Hay," naligo na rin ako, at binilisan ko nalang din. Nagbihis ako ng black sleeveless dress na hanggang ilalim ng tuhod ko. 3 inches na sandals na color black din at nag-blower ako ng buhok at hinayaan kong naka-lugay, patapos na magsuklay. Kumuha ako ng Gucci hand bag then nilagay ko doon ang keypad kong cellphone, ang wallet kong may 1,000, at suklay, and tali---incase of emergency

"Let's go?" Napahawak ako sa dibdib ko dahil pagkalabas ko ng kwarto ay madilim pa! Tapos naka-puti itong mokong na ito. Well, white long sleeves na formal, then black slacks

"Okay," kakapit sana ako sa kamay niya nang maalala kong bakla nga pala siya!

"I saw your cellphone, nung nasa bus. Well.. you want me to buy you a phone?" Tanong nito habang papalabas kami ng bahay

"Wag na, nakakahiya na kasi sayo," sambit ko, naka-yuko

"Nah, it's fine. Si Leandro naman ay nagpapadala ng pera dito kahit na galit yun saakin. Not knowing that I am a Doctor, mayaman ako haha" kailangang ipagmayabang ang mayaman ha Marc?

"Pwede ba?" Maarteng tanong ko

"Haha, basta, bibilhan kita. Pati wallet, hehe" sumakay na kami sa kotse at pinaandar na ito ni Mang Berto. Tahimik lamang kami at sumilip ako sa orasan ng kotse, it's 4:00 A.M., for Pete's sake

Madali lang naman kaming nakarating sa Hospital at wow. Ano to? Napaghandaan? May cellphone na dito at wallet! Wow

Ibinigay niya saakin yun at itinago ko kaagad sa bag. Nagsuot siya ng kulay puti na cloth na pang doktor

"Doc Marc," tawag ng isang Intern dito

"What!" Hala, mainit agad ang ulo ni Marc? Heather nga pala yung gusto niyang tawag kasi bakla siya

"May patient po tayo, kararating lang po, madami po sila, Doc Marc. Puro tama ng bala," naghihisterikal niyang sambit at hindi man lang pinansin si Marc na galit

"Dito ka lang sa office ko, Bela. Tara na, Nurse Vern," tapos tumakbo sila palabas ng Office

What the hell? May mga tama ng bala? Bakit? Anong nangyari?

Hindi ko sinunod si Marc, lumabas ako sa Office niya at doon ko nakita kung bakit nga ba sobrang hirap maging doktor

Wala pang alas-singko ng madaling araw, Wala pang alas-diyes ng umaga, pero andami dami nang tao sa Hospital. Oo nga pala. Wala nga palang pinipiling oras ang disgrasya

"Ma'am, Patient din po kayo?" Natatarantang tanong nung nurse

"Ah, hindi. Kasama ko si Marc," tumango ito at natatarantang lumapit sa mga pasyente

"Ahh! Dahan dahan, doc, masakit," umiiyak na sambit ng isang matandang babae. Nakaramdam ako ng awa pero mas nangibabaw ang hinanakit. Naalala ko, isa nga pala ako sa mga gumaganyan sa tao. Wala rin naman akong awa kung pumaslang, noon. Nahinto lamang ng tatlong taon

"Ma'am, bawal po kayo dito," ani doctor manuel, nasa upper right ng damit niya ang name niya

"May kasama ho ako," sabi ko. Umalis din siya matapos kong sabihin iyon

Nanood ako sakanila, habang hindi nila alam kung paanong matatapos ang trabaho, dalawang oras na sila ngunit parang andami paring tao. Parang kapag may nagamot na isa, madadagdagan ng lima pa

"Walang magb-break,"

"A-Ahh!" Daing ng isang buntis na kararating lang. Nilapitan siya ni Marc, at may mga sinabi sa babae, hanggang sa tumawag siya ng isang Doctor at sinabing siya ang pagpanganak

"Maawa ho kayo, unahin niyo na po ang anak ko," hindi na maayos ang pananalita ng babae dahil sa paghikbi. "Mamamatay na siya," sabi nito

Walang pumansin sa matanda, kaya lumapit ako sa kanya

"Ano po ang nangyari sa anak ninyo, lola?" Magalang kong tanong sakaniya

"Nasagasaan siya, at walang malay," histerikal niyang sabi

"Maaari ko ho ba siyang makita?" Nagulat siya sa tanong ko

"D-Doctor ka po m-ma'am?" Nauutal niyang tanong

"I am a Business Woman, ma'am, but I also took the Course Medicine, and Engineering." Magalang kong sagot, walang bahid ng yabang

"Ganoon ba? Ilang taon ka na?" Tanong nito

"18 palang ho ako, nasaan na ho ang pasyente?" Magalang kong tanong, muli. Nagulat siya, marahil sa edad ko, ngunit agad ding nakabawi at itinuro ang daan

Halos maiyak ako sa nakita, isang babae ang anak niya. Naka-higa lamang sa stretcher at hindi na gumagalaw. Hinawakan ko ang pulso niya sa leeg, and may beat parin naman. Andaming dugo, pero sanay na ako. Kung makipagpatayan nga ako dati ay halos hiwain ko ang katawan nila, lalo na kapag bad trip ko

"Uhm, nurse, check her vital signs, call Marc, and tell him na kailangan niya na magamot, malapit na siyang mamatay," bulong ko sa nurse na kadadaan lamang

Nagulat ito at pinasadahan ako ng tingin, nagtatanong ang mga mata pero sumunod din siya. Naupo akong muli sa tabi at dumating si Marc kasama ang nurse, then parang may tanong ni Marc, pero itinuro ako nung nurse. Nang makita niya ako ay tumango siya sa nurse, at inasikaso ang bata, wala nang dugo sa katawan nito, ang damit ay pinalitan na. Lumapit si Marc saakin, at nagsabi ng thank you, at hindi pa ako nakakasagot ay umalis na siya agad.

Mga 11:00 A.M. na ng maging cool ang daloy ng pasyente, at punong puno ang E.R. ngayon

"Break ko ngayon, kain muna tayo, kanina ka pa gutom?" Malanding saad ni Marc saakin. Anlandi sa kahit anong anggulo Marc, umayos ka.

"Yup, pero mukhang mas gutom ka sakin haha" natawa kaming pareho, at natigil siya at inikot ang mata

"Malamang, andami kaya nila,"

"Sorry naman!" Halakhak ko

"Paano mo nalaman na malapit na siyang mamatay?" Huh? Yung bata ba?

"I'm a Business Woman, pero kumuha rin ako ng sub courses like Medicine and Engineering"

"Wow," namamangha niyang tanong, natawa nalang ako

VOTE| COMMENT| SHARE (EVEN IF OFFLINE)

My Gay Best Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon