MGBBF CHAPTER 10

1.1K 68 5
                                    

MGBBF CHAPTER 10
ASH

"Bela," kumakatok si mommy sa pintuan ng room ko pero ayoko talaga tumayo. "Bela," nauubusan ng pasensyang aniya. "Brianna!" Napatayo ako agad. Nakakatakot talaga si mommy kapag sumisigaw

Nilabas ko siya at ganon nalang ang gulat ko nang makita ko siyang bihis na bihis

"Mommy, bakit ganyan suot mo?" Hindi na ako galit sakanila, sa totoo lang. They prove me wrong. They love me, really. Yung problema ko nalang eh yung kay Asami. Since after my birthday, di ko na siya nakita pa

"Duh! Brianna, get dressed! My god! Aalis tayo!" Parang naiiritang aniya

"Huh? Saan?" Tanong ko, nalilito

"Manliligaw tayo," nanlaki ang mata ko. Si Mommy Manliligaw tapos kapag kasama ko si Baklang Heather eh Manlalalaki?! Seriously?!

"Sino naman liligawan mo mom? Kababae mong tao, may asawa pa!" Iritable kong tanong, kunot noo

"Liligawan natin yung Castro family," nakangiting aniya. Ano?! "Kaso may girlfriend na si Leandro. Wala kang Choice, kay Marc ka dapat mapunta hihihihi" kay.. Kanino?!

"What?" Nagulat siya sa lakas ng sigaw ko. "I-I mean, bakla yon mommy," nahihiya kong tanong. Ganon pala kalakas boses ko?

"Exactly! Kailangan mong palabasin ang pagkalalaki niya!" What the---mga words ni mommy ang sagwa talaga!

"Bakit naman tayo manliligaw?" Di ako nakatingin sakaniya, pero alam kong nakatingin siya saakin

"Kakampi dapat sila saatin, para full force tayo." Sagot ni mommy

"Paano mo yon magagawa eh si Leandro nasa Grupo ni Jason Li! Pinatay ni Asami ang magulang niya. Isipin mo mommy, hindi iyon kakampi saatin," sagot ko

Napatakip siya ng bibig

"Then.. kung ganon," napatingin ako sakaniya. "Kaibiganin mo pa nang tuluyan ang bakla, para makakuha tayo ng mga impormasyon tungkol sakanila, maliwanag ba?" Nakangisi siya

"Maliwanag," sagot ko

Pumasok na ako sa loob ng kwarto ko

Ayoko.. ayokong ayoko.. hindi ko kayang gawin to, eh! Bestfriend ko si Marc, hindi talaga pwede.. ayoko..

"Pero kapag si mommy ang nagsalita.. hindi ka pwedeng humindi" bulong ko sa sarili ko. Parang maluluha ako, naiinis na ako. Hindi ako ganito! Wala akong kaibigan eh, nabago lang matapos kong mawalay sa pamilya ko eh

Napahawak ako sa kwintas ko.

Magagamit nanaman kita

Bumuntong hininga ako, saka dimiretso sa banyo. Wala sa sarili akong naligo at nagbihis. Pupunta ako sa bahay ni Baklang Marc. Siguradong naroon si Leandro pero mas advantage ko yon, dahil tungkol kela Leandro ang naging task ko kay mommy

"Ma'am Bela, pasok ho kayo," magalang na bati nung maid, at pinapasok ako. Nginitian ko nalang siya

"Ay, babalik nalang pala ako sa loob," napangisi ako sa iniasta ni Leandro. May dala na siyang bagahe at mukhang paalis na, pero umurong nang makita ako

"Leave, Leandro!" Waah! Katakot naman si Marc kapag sumisigaw, at ang lalim ng boses

"Oh c'mon, Heather, diba I'm your twin?" Nilalakihan na ni Leandro ang kanyang Mata

"'You will never be my twin' diba? Sabi mo yan diba?" Halos masaktan ako sa sinabi niya. Sarkastiko siya ngunit nangingibabaw yung sakit

"Hajima!" Nakunot ang noo ko matapos banggitin ni Leandro ang salitang iyon. Hindi ko mawari kung anong lengwahe, lalo na at dito lang ako lumaki sa pilipinas

"Ani!" Galit sila, halata

"Hajima! Hajima! Arasseo?!" Chingchong?!

"Bela, tara na" sinamaan ni Leandro ng tingin ang kakambal, at umalis

"Ano..." hindi ko magawang dugtungan ang sasabihin ko

"Hmm?" Mataray niyang tanong kaya sinamaan ko siya ng tingin

"Ano... nevermind!" Bulalas ko at nagpaunang lumakad papasok

Pagpasok ko ay ganon nalang ang gulat ko

Andaming nakaitim na tao! Nakakalat  sila sa buong living room! May hawak na baril, at pawang masasama ang tingin na nakapukol saakin

"Don't be scared, I'm here,"

Dugdugdugdugdugdugdugdugdugdug

"Ah hehe" nanahimuk nalang ako dahil ayoko madagdagan yung sinabi niya

Tama lang itong timing dahil marami silang tauhan dito, at kung ganon.. syempre, marami akong malalaman tungkol sakanila

"Sino yon?" Pumasok ako sa loob, at nararamdaman ko siyang nakasunod saakin. Walang sumagot saakin kaya nama nangunot ang noo ko. Pagkalingon ko ay ganon nalang ang gulat ko dahil hindi si Marc ang nasa likuran ko! Isa sa mga tauhan nila!

"Anong karapatan mong pumasok sa teritoryo namin?" Shems, katakot.. pero bat ako matatakot sayo?!

"Sino ka para pagsalitaan ako?" Taas noo kong tanong

"Hindi mo ako kilala? Ha-ha-ha-ha-ha!" Ang creepy. Mukha kang patay na hunghang

"Bakit, sikat ka ba?" Nawala ang ngisi sa mukha niya

"Aba hinahamon mo ba ako?!" Nanghahamon niyang tanong

"Try me," pagtataray ko. Umatake siya pero agad ko ring naiwasan, nagpaulit-ulit ang ganoong scenario hanggang sa hingalin siya. "Yun na yon?" Hinihingal parin siya, hindi siya saakin makasagot. "Pwedeng ako naman?" Nakangisi kong tanong. Bahagya siyang nagulat, pero nakabawi sa pamamagitan ng ngisi.

"Bakit, kaya mo ba ako?" Nanghahamon niyang tanong

"Why won't you try me?" Ngumiti ako sakaniya. Matagal tagal na rin nung huli kong ginawa ang ngiting mapangloko na ito. Talagang epektibo ito sa kalaban, lalo na at mukhang inis na inis na siya saakin

"Now I'm done, you try-" naputol siya sa sasabihin niya nang picturean ko siya gamit ang necklace ko na may flash. Batid kong sumakit ang mata niya. Iyon na ang pagkakataong hugutin ang hair pin kong may balisong, at itinusok ko sa paa niya

"Ahhh!" Nagwawala siya sa sakin. Nilalakihan ko siya ng mata, habang nasasaktan siya. Hindi niya ako kilala, kaya wag siyang magyabang lalo na't isa akong Faustin

"Kaya mo pa ba?" Bumubula na ang kaniyang bibig, dahil ang patalim ng hair pin ko ay may nakamamatay na lason. Kakaibang lason, na wala sa iba. Kami lamang ang mayroon

"Demonyo ka, Faustin! Magkaparehong-magkapareho kayo ng kapatid mong si Asami!" Nagpantig ang tainga ko. Kailan ko siya naging kapatid?!

Hirap na siyang huminga, pero hinablot ko ang kaniyang leeg, at itinaas siya sa ere

"Kilala mo pala ako, no? Pero lumalaban ka?" Matalim ang pagkakatingin ko sakaniya

"May masama bang lumaban sa iyo, Brianna?" Mas lalo kong hinigpitan ang kapit sa kaniyang leeg, kaya mas lalo siyang umubo-ubo

"Mas masama pa. Lalo na at binanggit mo ang HINDI ko KAANO-ANO na si Asami?" Sasagot pa sana siya pero ubo nalang ang iginaganti niya

"Bela?" Nagulat ako nang makita ko si Asami, kakapasok palang dito sa loob ng kwarto. Ha! Kaya pala ilang araw kitang hindi nakita

"Ma'am Asami," pinilit na magsalita nung lalaki

Pakitang tao. Ang sabi mo siya ay demonyo. Bakit ka nagma-ma'am ngayon?

"Demonyo," I murmured

VOTE| COMMENT| SHARE (EVEN IF OFFLINE)

My Gay Best Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon