MGBBF CHAPTER 38

474 29 2
                                    

MGBBF CHAPTER 38
ASH

Kerry.

Ang sabi ko kay Marc Heather ay ako na ang bahala na magpasuot nito kay Bela. Kasi naman itong lalaking ito, napaka-torpe! Tsk tsk tsk

"Oh, Kerry, gabing-gabi na ah? Bakit nandito ka pa?" Tanong ni Bela saakin

"Sama ka sa beach bukas ng gabi?" Tanong ko sakaniya

"Uy, sure. Why not! Ano bang susuotin?" Tanong nito saakin

"Here, suotin mo na to kaagad pagkaalis natin. Malapit lang kasi yon at swimming kaagad" maarteng sambit ko

"Eh?"

"Aangal ka o masasampal kita?" Tanong ko sakaniya

"Yeah, fine. Whatever. Anong oras tayo aalis?" Tanong niya saakin

Ang alam ko, ang party ay mags-start ng 6:00 PM para madilim na. Pero kasi malayo ang binili na mansion nung Marc Heather. Kung hindi ba naman tanga

"Mga 5:00 PM aalis na tayo" sabi ko. Kung sakaling maaga kami, wala pang 6 PM, ilalakbay ko muna siya sa may Village na iyon---yung hindi madadaanan ang Mansion na binili ni Marc Heather

Hindi niya naman siguro malalaman na walang beach doon kasi ang Village na iyon ay parang probinsya. Maraming talahib. Ang nabili lang ni Heather ang naiiba. Ito ang pinakamalaki, at ang pinakamaganda. Kumikintab din iyon. Malay ko kung magkano ang bili niya---ang alam ko lang ay galit si Kuya Ken sakaniya. Matagal na kasing gusto ni Kuya si Bela

"Great!"

"Wag ka na rin pala magdadala ng pamalit kasi nakahanda na lahat doon" pagsisinungaling ko. Pero totoo rin naman. Pagkatapos ng party, kapag pinayagan ni Bela si Marc Heather na manligaw sakaniya ay ibibigay niya yung dress na binili niya para rito

"Oh sige! Bukas nalang, ah?" Kumaway na ako sakaniya bago pumasok sa kotse ko at umalis

Nakita ko naman siya na binuksan ang box bago pumasok ng bahay nila

Dumiretso ako sa bahay namin nila Ate at Kuya

"Oh anong sabi ni Bela, Kerry?" Tanong ni ate saakin

"Empre, pumayag. Ano bang susuotin ko?" Tanong ko sakaniya

"Nasa kwarto mo na, ako ang pumili non" sabi ni ate. Umakyat na ako sa kwarto at nakita ko ang isang kahon. Ang totoo, kampante ako sa mga pinipiling damit ni ate. Maganda ang fashion taste niya, kasing ganda ko

Pagbukas ko ng kahon ay nakita ko ang summer dress na color white na may sunflower

Maganda siya, sleeveless, at mahaba. Perfect!

"Nagustuhan mo ba?" Tanong ni ate pagkapasok na pagkapasok niya sa kwarto ko

"Oo naman. Maganda talaga ang fashion taste mo, parang---"

"Ako" she cut me off

"Ako!" Sigaw ko sakaniya at inikutan siya ng mata

"Plain white lang yung dress ko, eh. Magsusuot lang ako ng headband na sunflower, tapos bracelet na sunflower. Bagay kasi saakin yun nung sinukat ko sa fitting room" sabi ni Ate. Parang type ko rin yung kaniya

"Akin nalang---"

"No freaking way, Kerry" pagtataray niya saakin. How dare she do that to me?!

"Heh-"

"Girls matulog na nga kayo para bukas masubaybayan natin ang pambabasted ni Bela kay Marc" sambit ni kuya. Dahil malapit lang si ate kay kuya ay binatukan niya ito. "Aray ko!" Daing niya

"Abangan nating lahat ang pag-sana all ni Ken!" Sigaw ni ate

"Kailan niyo ako narinig na nag-sana all?!" Nakasimangot na sigaw ni kuya Ken. Ang cute ni kuya magalit kaya hindi mo talaga iisipin na leader to ng mafia eh

"Just now?" Singit ko. Kumunot ang noo niya bago lumayas ng kwarto ko. Ayon naman si ate at tawa ng tawa

"Oh, bunso, matulog ka na," sabi ni ate bago lumabas ng kwarto. Pinatay ko ang ilaw ng kwarto ko at natira nalang ang lamp shade ko. Kinuha ko ang librong binabasa ko, at nung nakaramdam na ako ng antok ay pinatay ko na ang lamp shade ko at natulog

Bela.

Nagising ako ng 9 AM at naligo na ako kaagad. Pagkatapos ko ay dumiretso ako sa kusina at naabutan ko doon si dad, mom, Asami, kasamang kumain si Jason

"Oh, Bela, halika na at kumain ka na dito" yaya ni mommy saakin, nakangiti

"Nah, ayokong makasabay ang babaeng yan. Pakitang tao" gigil na sambit ko habang nakatingin kay Asami na pirmeng kumakain ng agahan. Bakit nandito yan?

"Binaril mo na nga sa paa ang kapatid mo, ganyan ka pa magsalita?" Gigil din na sambit ni dad. Palibhasa, paborito!

"Binaril niya sa dibdib si Lyeinne! Alam mo bang mahirap ang lagay ng tao sa hospital?! Hindi pa gumigising, unconscious ang lagay---"

"Why do you care too much on her?! Diba magkaaway kayo?! Wala ka namang paki sakaniya, diba?" Sigaw ni Asami. Tumayo siya pero may hawak siyang tungkod

"I care! Iniligtas niya si Marc sa mga kalokohan mo! That bullet was for Marc but Lyeinne---"

Nakatayo na si mom sa harapan ko at sinampal ako. Hindi ako kaagad nakapagreact dahil nagulat din ako. Hindi ko inaasahan. Wala na ba ako sa pamilyang ito? Si Asami na ba talaga?

Nang makabawi ako sa pangyayaring iyon ay ibinalik ko sa harap ang paningin ko. Tumango-tango ako sa harapan nila. Tumulo naman bigla ang luha ko na agad kong pinunasan. Tinalikuran ko na sila dahil hindi ko kaya, eh.

Nakakahiyang ipakita sakanila na umiiyak nanaman ako, lalo na at nandirito si Jason, kasama namin

Tumakbo ako pabalik sa kwarto ko. Kinuha ko ang bag ko, inilagay lahat ng kailangan ko. Kinuha ko rin ang pinakamalaki kong maleta at inimpake ang mga importanteng damit saakin

Kinuha ko ang kahon na ibinigay ni Kerry saakin kagabi bago lumabas ng kwarto ko. Dumaan ako sa salas bago makalabas ng pintuan. Nakasalubong ko sila mommy. Ni wala man lang silang paki saakin. Mukhang nag-aalala sila sa lagay ni Asami dahil sumasakit yata ang binti

Pumasok ako sa kotse ko at pinaandar ito. Babalik nalang muna ako sa condo ko. Mas maganda pa na nandoon ako

"Good morning-"

"There's no good in the morning so better shut up!"

Nung makarating ako sa room 201 ay kinuha ko ang card ko sa wallet ko at tinap ito para makapasok ako sa loob

Pagkapasok ko sa loob ay kinuha ko kaagad ang cellphone ko

"Hello?" Sagot ni Kerry sa kabilang linya

"Kerry, sunduin mo nalang ako dito sa Sherenn Hotel mamaya. Wala kasi ako sa bahay, okay?" Hindi ko na hinintay ang sagot niya at pinatay na kaagad ang tawag

Pumasok ako sa kwarto ko at iniyak lahat

Heto nanaman ako, umiiyak. Lagi nalang...

VOTE|COMMENT|SHARE (EVEN WHEN OFFLINE)

My Gay Best Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon