MGBBF CHAPTER 27

672 41 0
                                    

MGBBF CHAPTER 27
ASH

"Hey! Where are you taking me?!" Nagising ako dahil wala man lang akong kasama dito sa kwarto ko. Like diba dapat bantayan nila ako dahil nasa hospital ako? Then where are they now?!

Hindi lang ako nagising dahil wala akong kasama. Nagising ako dahil naramdaman kong may bumuhat saakin. Parang sako ako ng bigas kung buhatin nito---at wala akong laban. Meron sana akong laban ang kaso nga lang ay hindi ko man lang naramdaman na tinalian nila ang dalawang kamay ko sa likod, at ang dalawang paa ko

What to do now?!

"Let go of me!" Sigaw ko habang pumapalag. Nagtatawanan naman ang mga lalaking ito---including the one who's carrying me

"At sino ang inuutusan mo?" Tanong nung isa sa likod

"Kayo! Kayong lahat!" Sigaw ko naman

"Wala ka nang magagawa!" Sigaw saakin ng may hawak saakin

"I swear, once na nakalag na ako sa taling ito, I will kill all of you. One by one, straight kill. Tell me where do you want to die. In what place and what part of your body," nanggigigil na sabi ko sakanila

"Kunin mo nga yung duck tape doon! Ang ingay niyang babaeng yan!" Sigaw nung isa at may narinig naman akong nagbukas ng scotch tape then I just felt one hand in my mouth. Sobrang dikit naman nito! Naiirita ako sa scotch tape na ito! Nakakaasar, ang pangit pa nung pagkakalagay nila sa bibig ko!

"Hmmm hmm hmmmmm," pinipilit kong tanggalin sa bibig ko yung duck tape pero sobrang dikit nito. Mukhang masasaktan ang bibig ko kapag tinanggal na itong tape

"Wag ka na magdabog, miss," lah! Hindi ako nagdadabog! Idiots

"Bakit kaya itong babae pa ang pinahuli ni boss?"

"Eh wala naman itong thrill eh, walang laban,"

"Kalagan nalang kaya natin? Hindi naman yan maglalaban, wala tayong mapapala diyan," sabi nung isa na ikinangisi ko. Sige, pakikalagan ako. Mararamdaman ninyo ang bagsik ng isang Faustin 01

"Huwag," aba! May tumutol! Sino ka at ikaw ang uunahin kong patayin kapag nakalag ako! "Hindi niyo pa siya kilala, ngayon niyo palang siya nakilala, at nakita. I'm one of her investigators and I saw her fight," kailan niya ako nakita? SABIHIN MO, KAILAN?!

"Oh, edi kalagan na natin iyan, 50 naman tayong nakabantay sakaniya," sabi nito na ikinagulat ko. Mautak ang boss nila at madami ang kinuhang lalaki. Pero inutil din siya dahil hindi niya alam na kahit isang libo yan ay hindi ako mapapataob niyan

"Kaya niyang pumatay ng walang armas. Kaya niya tayong lahat pabagsakin ng walang hawak na armas. At isa pa.. hindi siya kayang patumbahin kahit limang libo tayo, o sampu man." Nagulat ako sa sinabi nung may buhat saakin. Is he a mind reader?!

"Just shut your fucking mouths, you all are too loud and I'm already irritated." Nagulat ako dahil sa babaeng boses. So ibig sabihin ay hindi lang sila lalaki at may mga kasama silang babae

Natahimik sila sa sinabi ng babae. Bakit hindi sila nagprotesta? Bakit? Sino yung babae?!

Hindi ko sila makita dahil nasa harap ang karamihan at nasa likod ang mukha ko dahil sa pagkabuhat nito saakin

"Saan ito isasakay?" Tanong nung may buhat saakin. Nakita ko ang parking space kung nasaan sila. Nandito sila sa may bandang puro motor

"Kalagan niyo siya," alam ko ang boses na iyon. Doon yon sa babaeng nagpatahimik sakanila kanina

"Avril wag kang magpakabayani! Baka magulat ka sakaniya," sabi nung isang lalaki, ang lalim ng boses, nangangaral

"Let her," ani may buhat saakin.

"Are you sure?" Batid ko ay nakangisi ang isa

"Yes." Kinalagan nila ako at pagkatanggal palang ng nasa kamay ko ay tinanggal ko na agad ang duck tape at tama nga ako, ang sakit!

Pagkaalis ng nasa paa ko ay pumwesto ako kaagad at sinipa ang nakaluhod saakin, siya ang nagkalag saakin

Nakita ko ang dugo umagos sa ilong niya na kaagad niyang pinunasan

"Kunin niyo siya!" Sigaw nung isa at sumugod naman ang dalawa saakin. Nasa level 2/5 na ako

Sinapak ko ang isa at sabay talon at sumipa. Sinipa ko ang isa sa tiyan at ininda niya kaagad ang tiyan niya

May tumunog na kasa ng baril sa likod ko kaya naman pagkalingon ko ay kaagad akong umiwas. Dumaan ang malamig na hangin sa pisngi ko dahil sa bilis ng balang bumaan

Tumatalon, umiiwas ako sa limang tao na sabay-sabay na nagpapaputok ng baril sa gawi ko

Then suddenly, may tumama sa tagiliran ko

Oh shit!

Hindi ito naging hadlang sa pag-iwas ko. Yung jacket ko ay tinggal ko, pinulupot ko sa tiyan ko. Sinigurado kong mahigpit ito para hindi kumalas at para hindi masyadong magdugo ang tagiliran ko. Syempre, ginawa ko ito habang umiiwas sa mga bala na pinapakawala ng mga baril nila

Level 3/5

Umikot-ikot ako hanggang sa narating ko ang lalaking may kausap sa telopono. Siguro ay ito ang boss nila. nakatalikod ito at sinigurado kong hindi niya mararamdaman ang pagkuha ko ng dalawang baril nito

Ikinasa ko itong dalawa, at doon niya lang naramdaman ang presensya ko sa likod niya

Weak

Pinaputukan ko siya, at agad naman siyang tumumba. Isa isa kong pinaputukan ang bumabaril saakin, syempre inuna ko ang lalaking bumaril sa tagiliran ko

Sinunod ko ang iba pero nahirapan ako sa isang babae. Alam kong hindi siya ang nagsalita dahil narinig ko na itong magsalita ng masasakit na bagay saakin. Hindi siya nakakatakot ngunit mahirap siyang hulihin ng baril dahil sa sobrang kalikutan

Sakto at nasa endline na siya kaya nacorner ko siya. Nung papaputukan ko na siya ng baril ay napamura ako! Wala na akong bala!

Tumakbo ako ng sobrang bilis para naman makapunta ako sa isang lalaki na nakabulagta na

"HOY!" Sigaw nung babae saakin at nakarinig ako ng pagkasa ng baril. "Say goodbye," sabi nito kaya naman naging alerto ako at buong lakas kong binuhat ang lalaki at ginawa siyang shield sabay bunot ng baril sa bulsa nung buhat ko at kinasa bago iputok sa babae

"Why would I say goodbye if you'll die?" Tanong ko rito habang sumisirit ang dugo sa puso niya

Nakarinig ako ng tatlong palakpak mula sa likod kaya naman napatingin ako sa natitirang nakatayo. Yung babaeng may authority sa boses

"You." Malaking boses na sambit nito. "Follow me," sambit nito. Yung katawan ko ay parang gustong sumunod dahil sa authority na iyon. Parang authority siya ni daddy na bawal mong hindian

"Why would I?" Nakataas ang kilay na tanong ko

Syempre kahit may awtoridad siya ay hindi ako tanga para maging sunod-sunuran sakaniya

Napahawak ako sa tagiliran ko dahil sumasakit nanaman siya at batid ko ay marami na ang dugong nawala saakin.. dahil sa tagal kong inabot sa pakikipaglaban sakanila

"Masakit? Tama lang yan sayo. Pasalamat ka at inutusan din kami na alagaan ka," sambit nito bago lumapit saakin at binuhat ako

Hindi ko akalaing mabubuhat niya ako dahil alam kong mabigat ako

"Wag ka na pumalag kung gusto mo pang magamot sa teritoryo namin," sabi nito bago ako isinakay sa likod ng motor niya

Yumakap ako sakaniya dahil alam kong hindi ko na kaya

Hanggang sa nawalan na ako ng malay habang umaandar siya

VOTE|COMMENT|SHARE (EVEN WHEN OFFLINE)

My Gay Best Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon