MGBBF CHAPTER 37

454 30 2
                                    

MGBBF CHAPTER 37
ASH

Marc.

"Tigilan mo nga yang pagkapit mo sakin ng ganyan, Shea!" Sambit ko sa jowakers ng kakambal ko

"Enebe, Heather" depungal!

"Tsk," sabi ni Jason. Magtatanong sana ako kung anong problema niya pero biglang lumabas ng pintuan si Bela, at tumakbo papunta dito. Naghahabulan sila ng Leandro?

Aba't! Hinablot niya si Jason sa tabi namin at isinakay sa kotse niya! Tapos umalis na sila

Nakakainggit naman si Jason. Mukhang close na sila ni Bela

"Ang drama mo," sambit ni Shea, at binitawan ang pagkapit sa braso ko

"Ano nanaman?!" I asked her

"Nothing." Lumapit siya kay Leandro at ginawaran ito ng halik. Yuck! Ayaw kong makita, nakakadiring pangyayari!

Umalis na ako sa canteen at pumunta naman ako sa room ni Lyeinne

"Oh, Zianea bakit wala pa si Zeus?" Tanong ko sakaniya pagkapasok ko

"Hindi ko alam---"

Natigilan kami matapos pumasok ni Zeus. Napatingin kami sakaniya at lumapit naman kaagad si Zianea kay Zeus.

"Anong nangyari?" Tanong ni Zianea kay Zeus. Agad namang umiling si Zeus at ngumiti

Ano kayang nangyari kela Bela? Ano kayang ginagawa nila? Nakita ko kasi si Bela na masama ang tingin saakin kaya naman iniisip ko na galit siya saakin. Bakit kaya?

"Hey guys, pwede nyo ba akong tulungan para sa party?" Tanong ko sakanilang dalawa

"Ano bang party?"

***

"Boss anong design ang gagawin dito?" Tanong nung isang trabahador ko. Magaling siya sa designs, paintings, calligraphy, etc that is related to arts

"Sulat mo diyan is "Aluminum, Lanthanum, Beryllium, Oxygen" sambit ko sakaniya. Pinapagawa ko siya ng parang tarpaulin na isasabit ko sa may pinakagitna

"Wow science," sambit niya bago ilista ang mga sinasabi ko. "Ano pa pong next?" Tanong nito

"Gomennasai," sambit ko. Gomennasai means I'm sorry in Japan

"Sige" sabi niya

"Yun lang muna ang gawin mo," lumayas na ako sa harapan niya at tinungo ang isang tao na pachill-chill lang

"Designs. Gusto ko yung pang engrande. Yung parang pang-debut." Sambit ko

"May idedebut ba?" Masungit na tanong niya

"Wala! Basta do what I say. Beach ang theme" sabi ko sakaniya at umalis na sa harapan niya

"The cake must be 5 Layers, color blue ang icing sa labas kasi Beach ang theme pero dapat chocolate ang loob" utos ko sa gagawa ng cake

"Chef, ikaw na bahala sa foods basta 30+ ang putahe. Dapat masarap. May bicol express, kare-kare, and others!" Sabi ko sakaniya at nilayasan na din siya

Nakakapagod naman!

Ayaw kasi akong tulungan nina Zianea sa paggawa ng party na ito! Tsk. Akala ko pa naman kaibigan ko sila. Ssob

"Sir, nice na ba ito?" Ipinakita niya ang sketch nung mukha ni Bela. Gayang gaya niya, mygod!

"Okay na yan! Ang ganda. I-paint mo na siya, ha?" Sambit ko. Tumango ito at nakapagpahinga na ako dito sa sofa

Nakakapagod. Kaninang umaga pa ako pagod! I never felt this kind of tiredness before!

"Kaya mo pa ba? Kailan ba ang party?" Nagulat ako sa pagsulpot ni Krystel, Ken, at Kerry

"Kaya pa... siguro? Bukas sana ng gabi" sambit ko

"Kami na ang bahala dito. Pumunta ka na ng mall, pilian mo si Bela ng magandang damit na babagay sa summer---wag mo siyang pag-2pc-in baka ihambalos niya yon sayo" pagtataray ni Krystel at umalis na silang magkakapatid sa harapan ko

Dali-dali akong lumabas ng mansion na binili ko kahapon at sumakay sa kotse ko. Pinaharurot ko ito papunta sa mall at nakarating din naman ako doon kaagad

"Hi Sir-" natigil siya dahil nilayasan ko kaagad ang saleslady

Naghanap ako ng pang-beach outfit and---

Nakita ko bigla ang blue longsleeves dress na hanggang paa niya---clear lang siya kaya makikita ang katawan mo kung ito lang ang susuotin mo

Naghanap naman ako ng white sleeveless na fitted tops, tapos maong shorts na hanggang half legs niya. Okay na ito. Bagay naman lahat ng damit sakaniya

Babayaran ko na sana ito nang may mahagip ang mata ko sa isang estante

Color black siya na dress, backless, and sleeveless. Balloon style siya, at abot hanggang sa lapag. Mukhang bagay na bagay ito kay Bela!

Bibilhin ko rin ito, ireregalo ko sakaniya

"How much?" Tanong ko sa cashier. Hindi niya kasi matype ng maayos ang pinamili ko dahil nakatitig lang siya saakin!

"Sir how much?" Tanong niya saaakin na ikinakunot ng noo ko. Bakit ako ang tinatanong ng babaeng to?

"Umayos ka nga! Irereport kita! Magkano yan?!" Sigaw ko. Napatingin na sakin ang mga tao dahil sa sigaw ko. Napapahiya namang sinunod ng cashier ang utos ko

"5,364.75, Sir.." sabi niya. Binayaran ko siya ng 6,000

"Keep the change. Tsk." Kinuha ko ang dalawang kahon at umalis ako doon. Pagbalik ko sa mansion ay nagulat ako. Ganito ba katapang si Krystel at napasunod niya ang mga tauhan ko ng ganoon kabilis?

Nakaayos na ang karamihan, at ang problema nalang ay ang foods, cake, yung painting---malapit na matapos

"Wow." Sambit ko

"Patingin nga ng binili mo!" Kinuha saakin ni Kerry ang dalawang kahon at binuksan niya. "Bagay ba itong itim na ito sa theme ng party mo?!" Sigaw ni Kerry saakin

"Nah, tingnan mo kaya yung isang box?" Napapahiya niyang binuksan ang isa pang kahon at nanlaki ang mata niya sa nakita.

"A-Ayos na." Sambit niya saakin at biglang isinara ang kahon. "Ipa-laundry mo na ito, doon sa katapat na LaundryShop---ako na pala. Akina ang pera" bakit biglang nagbago ang takbo ng utak nito?

Binigyan ko siya ng 1000 at lumabas siya kaagad dala ang dalawang kahon

Maya maya ay...

"I NEED THAT TO BE DONE AFTER 2 HOURS, YOU GOT IT?!" Akala ko ba ay nasa tapat ang laundry shop? Eh bakit rinig na rinig ko ang matinis na sigaw ni Kerry?

Maya maya ay...

"I'm back!" Sigaw ni Kerry, may malaking ngiti sa mukha

Siguro ay kaya yan ganyan ay dahil sumunod sakaniya ang tauhan doon sa harap

"Bakit hindi pa kayo tapos?! Ano?!" Sigaw ni Kerry. Umalingawngaw ito sa buong pasilyo

Siya pala ang masungit, hindi si Krystel. Akala ko pa naman...

VOTE|COMMENT|SHARE (EVEN WHEN OFFLINE)

My Gay Best Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon