MGBBF CHAPTER 33

507 34 0
                                    

MGBBF CHAPTER 33
ASH

Bela.

Matapos kong mag-ayos bilang doctor ay dumiretso ako sa hospital at chineck ko ang CCTV cameras doon para malocate ko kung nasaan si Marc.

Si Asami, ipinaubaya ko na kay Bernice, ang isa sa katulong nila. Syempre, ito naman ay nataranta matapos makita si Asami na ganoon ang sitwasyon. Aba! Dalawang paa lang yon, kumpara naman sa ginawa niya kay Lyeinne na sa puso niya tinira. Hindi niya ba alam na may iniindang sakit ang dalaga?

Paano ko iyon nalaman? Syempre naman at hindi ako bulag, malamang ay nakita ko. Napansin ko na ito simula palang. Nagagandahan ako sakaniya pero lubog ang mukha niya

Naghintay ako sa labas ng canteen, sa may gazebo matapos kong gumawa ng eksena sa loob

I'm now an official doctor. Inayos ko na ang files ko, at tinanggap naman ako ni Jason. Natatawa pa nga ito sa hitsura ko dahil dumiretso ako sakaniya ng sobrang dungis. Pwede na daw akong magstart ngayon, kung gusto ko

Hindi ko man lang nga nakita ang boss nila eh. Naboboring na ako sa loob. Hihintayin ko nalang na siya yung lumapit saakin. Maglalaban na kami, seryosong labanan. Yung kaming dalawa lang. Laban kung Laban

"Bela," tumayo ako matapos kong marinig ang tawag ni Marc. Tumingala ako sakaniya dahil alam ko na sa sarili ko na kahit naka-heels ako ay mas matangkad siya saakin. Napabalikwas naman ako at muntik nang mapaupong muli dahil sa sobrang lapit ng mukha namin. Napapikit ako dahil baka sumakit pwet ko dito!

Pero hindi... sinalo niya ang baywang ko. Hindi ako nahulog

"What do you want to talk about?" Tanong nito saakin. Bakit ganyan ang boses niya?

Iniupo niya ako sa upuan at umupo din siya sa tabi ko. Sobra siyang sumiksik sakin kaya naman umurong ako ng konti pero hinapit niya nanaman ako sa baywang ko at inilapit sakaniya. Hindi rin ako nakausog pa dahil hindi na niya tinanggal ang kamay niya sa baywang ko

"You didn't even helped me out there... I've been there for almost 6 days..." umiwas ako ng tingin kasi naiiyak ako. I'm not like this! Fuck!

Siya pa naman ang pinaka-inaasahan kong tutulong saakin kasi akala ko ba ay mahal niya ako? Haha! Pathetic!

"Bela.." alam ko naman eh! From the start, from the very fucking start! He's a fucking gay, and napaka-imposible na mahalin niya ako! He's gay! Bakla siya, bakla!

Kailan pa ba ako matututo sa pesteng buhay na ito?!

"Bela, sorry." Sorry? Wow! Ano ba ang magagawa ng sorry nito?!

"Doc Heather, si Lyeinne..."

May biglang sumingit na doktor kaya naman napaayos kami. Hindi kami pupwedeng magdrama sa harap netong taong ito

"Enebe doc," pabebe amputs! Ano ba! Nakakawala ka na ng gana...

"Doc Heather, didiretsuhin na kita," kawawa naman si Marc, hindi man lang pinansin ni Doc! Buti nga sakaniya. Wala kasing kwenta---char

Naiinis parin kasi ako, kahit na mahal ko yang baklang yan. Bakla sa isip, pero lalaki naman talaga siya!

"Ano yon, Doc Zy?" Yon, sumeryoso na rin siya! Sa wakas!

"About Lyeinne's condition," kunot noo nitong sinalubong ang tingin ng doktor. Sumeryoso na rin muna ako at hindi na pinansin ang pagtatampo ko

"Baka hindi na siya magising pa," kumunot ang noo ko

"Why?" Hindi ko mapigilan ang inis ko. Anong hindi na magigising? Is he out of his mind?! Lyeinne can fight! Kaya niya nga akong labanan ng may sakit siya eh!

"The bullet on her heart is too deep. And... may natamaan akong hindi dapat matamaan, mas lalong lumala ang lagay niya,"

He's... He's a doctor! Dapat professional siya kung gumalaw lalo na kung pasyente niya ang aasikasuhin! He must---

"Thanks for being honest, Doc Zy... thank you,"

Nagulat ako sa sagot ni Marc. Napatingin ako sakaniya dahil hindi iyon ang inaasahan kong sagot!

What. The. Fuck!

Nakangiti ito at nagniningning ang mata! Mukhang pinagpapantasyahan niya si Doc Zy! Heatheeeeeer!

"Tangina ka Marc, umayos ka!" Pag-iinarte ko. Syempre, kahit na alam kong hindi sila talo, nagseselos parin ako!

"Doc Brianna?" Tanong nito saakin na ikinastraight ng likod ko. Oh gosh I forgot that I am wearing my gown!

"A-Ah, doc, c-can we v-visit her?" Pag-iiba ko ng usapan. Nauutal pa ako! Halatang halata ako, my gosh!

"Yes, she's in room 101, the first room in the first floor," sambit nito. "thank you for understanding,"

Umalis ito, at napairap nalang ako bago harapin ang baklang ito---what the hell!

Wala na ito sa likod ko, malayo-layo na ito, malapit na sa entrance, and I'm just here, standing in the gazebo! How dare he leave me here after scolding him?!

That gaaaay!

"Marc---"

Napalunok ako dahil napatingin saakin ang mga doctor. Lesson learned, hindi na pala dapat ako sumigaw. Bawas points yun saakin ah

"Is that a well mannered doctor?" Nasa likod ko siya! Dahan-dahan akong tumalikod at nakita ko ang kwagong ito

"Jason," may halong pang-aasar sa tinig ko

"I heard that you've hurted my girlfriend, Asami." Seryoso niyang sambit saakin

"Oh!" Kunwaring nagulat ako saka ngumiti nang parang tanga, "My bad! Well, she's also bad, freaking bad, Jason!" Kumunot naman ang noo nito sa sinabi ko

"Akala ko ba ay bati na kayo?" Maangas na tanong niya saakin

Akala mo lang yon!

"Well, not now, Jason! Binaril niya sa puso si Lyeinne!" Sambit ko

"Pero kaaway mo si Lyeinne, kaagad mo siya kay Marc," I stopped... He's right. So damn right

"S-She said t-that m-my Marc is her property," sambit ko. Nahihiya akong tumungo. Kanina ay ako ang napahinto, ngayon naman ay siya

Mahal niya talaga si Asami? Pero hindi ba ay ginahasa niya ito? Pinagsamantalahan, at ginago? Pero... anong nangyayari Ngayon?

"Asami..." nagulat ako sa nakita ko. Nagtutubig ang kaniyang mga mata... "She's mine, only mine! Saakin si Asami," hindi ko alam kung mahihimatay ba ako dahil nakita ko na tumulo ang luha niya.

Ito ang unang beses na nakakita ako ng kontabida na umiiyak, sa harap ng bida. He's... cool

VOTE|COMMENT|SHARE (EVEN WHEN OFFLINE)

My Gay Best Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon