Chapter 2

598 18 0
                                    

Matapos ang ilang oras na byahe ay may layover muna ng 1 hour and 23 minutes ang mga ito. Kinuha naman ni kiara ang pagkakataong iyon para matawagan ang mga anak sa pilipinas.

"What are you doing?" Tanong ni gino kay kiara

"I'll call kian and gia. Just wanna know how are they and baby kylie." Tugon neto sa asawa.

"We've been gone for hours. Babe, okay lang ang mga bata kina mommy. Wag mo na muna sila masyado intindihin. Ako muna ang intindihin mo." Ani neto kay kiara.

"Yeah. I know that babe. Wait." Ani kiara ng sinagot na nga ng anak ang cellphone mula sa kabilang linya.

"Hi baby. How are you guys doing? How's your baby sister? Is she crying? I missed you guys already."  Tanong ni kiara mula sa kabilang linya kausap na neto ang anak.

Umalis naman muna sandali si gino at iniwan ang asawa. Napapailing na lang ito na natatawa kay kiara. Hindi talaga mapigilan sa pag aalala para sa mga anak. Minsan feeling neto oa na ang asawa sa pagiging hands on sa mga anak. Pero hindi kasi neto alam. Baka ganun lang talaga ang mga mommy sa mga anak. Masaya naman ito dahil ginugugol ng asawa ang mga oras sa mga anak. Pero minsan may mga bagay na hindi nila napagkakasunduan regarding sa mga bata. Spoiled kasi ang mga ito kay gino at ayaw naman ito ni kiara kaya minsan napagtatalunan nila ang tungkol sa bagay na ito. Ayaw kasing masanay ni kiara ang mga bata na nakukuha ang lahat ng gusto. Hindi kasi neto sinanay ang kambal sa japan sa luho at binibigay lamang ang mga bagay na kailangan neto at hindi ang mga bagay na gusto ng mga ito. Para kasi dito mabuti ng masanay ang mga bata sa murang edad na hindi lahat ng bagay na ginusto ay makukuha sa madaling paraan. At hindi lahat ng gusto ay dapat ipriority. May mga bagay na dapat unahin bago ang mga bagay na gusto lamang ng mga ito. Pero hindi naman ibig sabihin neto ay tinitipid na neto ang mga anak at hindi na binibilhan ng mga bagay na gusto ng mga ito. Binibilhan nya naman ang mga ito pag nagpapakabuti ang mga ito at hinuhusayan sa school bilang premyo at para mas maingganyo pa ang mga ito na mag aral ng mabuti dahil may katumbas itong premyo mula sa ina. Kaya naman pinagbubuti ng mga ito ang kanilang pag aaral noon sa japan pa lamang ang kambal.

Matapos ang halos mag isang oras ay binalikan na ni gino ang asawa dahil kelangan na nilang pumasok sa eroplano.

"Hi babe. You're not done yet? We need to go." Ani gino sa asawa paglapit nya dito.

"Just a moment. I'll just say my goodbye to them." Tugon naman ni kiara at matapos magpaalam ay ibinaba na muli ang kanyang cellphone.

"How are they?" Tanong ni gino sa asawa matapos netong kausapin ang mga bata.

"They're doing great. I think they're having fun with your sibblings company." Ani naman ni kiara kay gino.

"I told you. They will be fine." -gino

At nagsimula na nga silang maglakad papunta sa eroplano.

Matapos ang ilang oras pa ng byahe ay nakarating na nga ang mga ito sa Fiumicino- Leonardo da Vinci Airport. At kumuha na lamang ito ng cab para ihatid sila sa hotel na kanilang tutuluyan.

Malalim na ang gabi ng makarating sina kiara at gino sa rome. At pagdating nga nila sa hotel at pagkalapag nila ng mga gamit nila ay kinuha na naman ni kiara ang kanyang cellphone at muli na naman sana itong tatawag sa pilipinas.

"What are you doing?" Tanong ni gino kay kiara ng makita netong hawak-hawak na naman ang cellphone at tatawag na naman sa mga bata.

"Tatawagan ko lang mga bata just to let them know that we're here already." Tugon naman ni kiara.

"Babe, masyado pang maaga sa pilipinas. Natutulog pa ang mga bata. Hindi ka ba napagod sa byahe? Magpahinga muna tayo. Ako kasi gusto ko ng magpahinga ei." Ani gino rito at pumasok na sa kwarto at naghanda na nga ito sa pagtulog.

Hindi na nagawang tumawag ni kiara sa mga anak at sumunod na lamang muna ito kay gino at naghanda na din para sa pagtulog.

Kinabukasan maagang nagising si gino para mag ayos sa kanilang pamamasyal. Kaya naman ginising na neto si kiara para makapag ayos na din.

"Babe, wake up. We need to prepare so we can catch up yung packaged tour na kinuha ko for us. In 2 hours the bus will be outside na. So we need to be ready quick then have some breakfast sa baba before we leave." Panggigising ni gino sa asawa.

"I'm still sleepy babe. Few more minutes please." Ani kiara rito

"No babe! Kelangan mo ng bumangon every seconds counts. Baka maiwan tayo ng bus." ani gino kay kiara at pilit itong ibinangon.

Idinilat naman na ni kiara ang mga mata at bumati na ito sa asawa.

"Goodmorning babe!" Ani ni kiara saka neto hinalikan sa labi si gino.

"Good morning! I love you! Get up na babe?" -gino

"Okay babe. You go take a shower first. Tatawag muna ako sa mga bata." -kiara

"Okay. Basta bilisan mo lang mag ayos ah. We only have 2 hours to prepare and have some breakfast bago dumating yung bus naten." -gino

"Okay. I will." -kiara

"Just send my love to the kids babe!" -gino

"Yeah. Sure babe!" Ani gino at tumuloy na nga ito sa bathroom para maligo.

Si kiara naman habang kausap ang mga anak ay inaayos na din ang mga gagamitin nila ni gino. Inihanda na neto ang damit ng asawa pati na din ang damit na kanyang isusuot.

Pagkatapos maligo ni gino ay lumabas na ito ng nakatapis at sinenyasan si kiara na maligo na din ito. Dahil baka malate sila. Lumapit naman si kiara dito para ibigay ang damit na inayos para sa asawa.

"Here!" Ani kiara pagkaabot ng isusuot ni gino

"Ohh. Thanks babe! It's your turn now." Ani gino rito.

"Okay. Here say hi to the kids and i'll go now." Ani kiara kay gino at iniabot ang cellphone saka ito tumungo na sa bathroom para maligo.

Kinausap naman sandali ni gino ang mga anak bago neto binaba ang tawag. Saka nag ayos ng sarili. At maya-maya nga lamang ay natapos na si kiara at hinintay na lamang ito ng asawa na matapos mag ayos saka bumaba ang mga ito para mag almusal at maghintay na lamang sa pagdating ng bus na susundo sakanila sa pamamasyal kasama ang iba pang mga turista.

Life As We Know It..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon