Chapter 42

241 13 4
                                    

Pagkatapos lumabas ng kwarto nilang mag asawa si kiara ay agad naman itong tumungo sa silid ng anak na si gia.

Kumatok muna ito bago pinihit ang door knob.

Pumasok si kiara at umupo sa may kama ng anak. Umayos naman si gia mula sa pagkakadapa at umupo ito.

"Hey ate. Here!" Ani kiara kay gia at iniabot neto sakanya ang cellphone.

"Mom?" Ani gia at nagtataka naman ito kung bakit ibinabalik sakanya ng ina ang phone nya na kakukuha lamang ng ama neto.

"Your dad didn't touch that don't worry." Ani naman ni kiara sa anak at ibinigay na ang phone

"Thanks mom!" Pagpapasalamat naman ni gia sa ina ng iabot neto ang kanyang phone.

"Is dad still mad?" Tanong ni gia sa ina inaalala kung galit pa din sakanya ang ama.

"No baby. Daddy's just a bit upset because you hide something from us. You know your dad how it's important to him to know everything about all of you right? So for now you just also need to understands why your dad reacts that way. He only cares for you. Your his 1st princess right? He just wants to protect you. We love you ate no matter what. Always keep that in your mind." Ani naman ni kiara sa anak.

"Thank you mom! I'm sorry!" Ani naman ni gia sa ina atsaka niyakap ito ng mahigpit habang muli na naman ang pagtulo ng luha neto.

Bumitiw naman si kiara mula sa pagkayakap ng anak at pinahiran ang mga luha neto.

"Stop crying ate. Everything will be fine. Just don't do the same mistake again. And i hope that you learned something from this. No more hiding? Okay?" Ani kiara sa anak

"Yes mom! No more hiding from now on. I'll be more open to you and dad." -gia

At muli na namang niyakap ni gia ang ina.

"I love you mom!" Sambit ni gia sa ina

"I love you too baby!" Tugon naman ni kiara.

Matapos ang pakikipag usap sa anak ay bumalik na ito sa kwarto nilang mag asawa.

"How's ate?" Tanong ni gino kay kiara.

Tila naulit naman ang eksena nila kaninang mag asawa nagkapalit lang sila ng posisyon. Kung kanina ito ang nagtanong sa asawa. Ngayon naman ay ang asawa na ang nagtatanong sakanya.

Alam na netong kalmado na ang asawa dahil ate na ang tawag neto kay gia.

"Bakit hindi mo sya puntahan sa kwarto nya at ikaw mismo ang mangamusta sa anak mo ng personal." Tugon naman ni kiara sa asawa.

Napabuntong hininga na lang si gino saka tumayo.

"Saan ka pupunta?" Tanong naman ni kiara ng mapansin na papalabas na ang asawa.

"Iinom ng tubig! Sama ka?" Ani naman ni gino at isinara ang pinto

Sinabi lamang ni gino na iinom ito ng tubig para hindi sya asarin ng asawa dahil ang totoo ay sasadyain talaga netong puntahan ang anak na si gia.

Okay naman na kasi ito. Talagang nagalit lang siya kanina dahil sa nadatnan nya at sa paglilihim sakanya ng anak. Hindi pa kasi ito handang magpaligaw ang anak. Lalo na't babae ang kanya kaya naman sobra-sobra na lang kung protektahan nya ito.

Pagpasok ni gino sa kwarto ng anak ay kinausap nya ito at ipinaintindi kung bakit niya ito nasigawan at nagalit. Ngunit matapos ang pag uusap na yun ay agad din naman naging maayos ang mag ama. Humingi ng tawad si gia sa nagawang paglilihim dito at ganun na din ang ama. Ngunit sinabi neto sa anak na kahit okay na sila hindi pa din ito sang-ayon sa pagpapaligaw ng anak. At inintindi naman ito ni gia at sinabi sa ama na hindi na muna ito magpapaligaw. Hindi naman na binawalan ni gino si gia na makipag usap kay tan ngunit nagkaroon sila ng kasunduang mag ama na hindi pwedeng magpaligaw si gia hanggang hindi pa ito tapos ng senior high at kelangan 18 na ito bago magpaligaw. Ilang buwan na lamang naman iyon kaya naman sandaling panahon na lang ang kanilang pagtitiis.

Ngunit ligaw lamang pagdating ng 18. Bawal pa din makipagrelasyon. Yun ang kundisyon ng ama sakanya. Wala na din naman magagawa si gia kaya suunod na lamang ito sa kagustuhan ng kanyang daddy gino.

Kinabukasan inihatid na ni gino ang kanyang mga anak sa school saka ito tumungo na sa kanyang kumpanya.

Si gino pa din ang madalas na naghahatid sa mga anak dahil na din sa kagustuhan neto at pag uwian naman ay pinapasundo na lamang nya ang mga ito.

Hindi pinapayagan ni gino si kian na dalhin ang sasakyan sa school para na din masiguro ang kaligtasan ng mga ito. At iniiwasan neto na baka pag ginamit na ni kian ang sasakyan pagpasok ay kung saan-saan pa ito magpunta at hindi agad umuwi ng bahay pagkatapos ng klase.

Sa office nakikipag kwentuhan ang secretary ni gino sa isa sa mga staff.

"Girl, ano na? Ano ng balita?" Ani ng jessie. Kasamahan sa trabaho ni sarah na secretary naman ni gino

"Girl, positive!" Ani sarah kay jessie at nagsimula naman ng magpatakan ang mga luha neto

"Huh? Sabi ko ng haba ei. Pero paano nangyari yun ei matagal na kayong hiwalay ni alec? Sinong ama ng anak mo?" Tanong ni jessie dito. At ipinagtataka kung sino ang ama ng dinadala ng kaibigan.

Hindi naman na nakasagot si sarah kay jessie dahil bigla ng dumating si gino.

Pawang nagulat naman ang dalawa sa pagdating ni gino.

"Tumigil ka na. Nandyan na si boss gino." Suway ni sarah kay jessie.

"Good morning sir!" Bati naman ng dalawa kay gino.

"Good morning!" Bati naman pabalik ni gino sa mga ito.

At pumasok na si gino sa loob ng office neto.

"Sige na bumalik ka na sa pwesto mo. Nandiyan na yung boss ko. Kelangan ko ng magtrabaho." Ani naman ni sarah sa kaibigan

"Usige. Basta mamaya magkukwentuhan pa tayo ahh. Sabihin mo saken sino yang ama ng dinadala mo ahh." Ani naman ni jessie kay sarah saka ito umalis.

Pagkaalis ni jessie ay ipinatawag naman ni gino si sarah sakanyang office dahil may iuutos ito rito.

Pagpasok ni sarah may tila kakaiba namang napansin si gino sa pagbabago ng katawan ng secretary neto. Tila lumalaki kasi ito at nagkakaroon ng umbok sa tyan. Hindi naman ito kalakihan pero halata pa din naman ito.

Lumabas naman na si sarah pagkatapos malaman ang iniutos ni gino.

Paglabas ng secretarya hindi naman maiwasan ni gino ang mapaisip tungkol sa nangyari ng gabi noong 15th anniversary ng kanyang kumpanya.

Life As We Know It..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon