Sylphyn Ford's POV
Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko. Bastos 'tong batang 'to alam na may natutulog napakaingay sarap busalan ng bibig.
"Ina anong ginagawa ng isang taga-lupa sa mundo natin?" dinig kong tanong ng isang lalaki, ayon sa boses niya
"Wag kang masyadong maingay baka magising siya. Kailangan natin siya para maibalik si Ares at mapatawan ng parusang nakalakip dahil sa kanyang pagtataksil" sagot ng isang boses babae
Nasakit brain cells ko sa kung paano sila mag-usap. Halerrrr nasa modern world na kaya tayo, jusko dai!
Pagmulat ko ng mata isang napakagandang babae ang bumungad sa'kin habang nakangiti. Napakurap pa ko ng ilang beses bago ko inilibot ang paningin kung nasaan ako. Doon ko napagtanto na wala ko kwarto ko kung saan dapat ako natutulog.
Nasa isang kwarto ako na napakaaliwalas at ang sarap sa mata pagmasdan ng paligid.
"Mabuti naman gising ka na Binibini" sabi sa'kin ng isang lalaki na, shete ang wafuuuu
"T-Teka nasaan ba ko?" takang tanong ko
"Nasa loob ka ng aking silid" sagot nung babae
"Sylphyn kailangan namin ang iyong tulong upang mahanap si Ares sa inyong mundo" pakiusap niya sabay hawak sa palad ko. Feeling close 'tong si ate girl, isa pa bakit niya ko kilala?
Agad kong inalis ang pagkakahawak niya at nailang na nagpalinga-linga sa paligid.
"S-Sino ba kayo? at s-sino si Ares?"
"Pasensya na Binibini sa aking ina masyado lang talaga siyang nag-aalala" napanganga ko sa sinabi ng lalaki, seryoso nanay niya 'tong babaeng kaharap ko na halos kasing edad niya lang???
"Ako si Athena isa kong goddess at siya naman si Eros ang aking anak" pagpapakilala niya
Mukang tulad ko adik din sila sa mga greek mythology na stories mukang nasobrahan nga lang.
"Pfftt WAAHAHAHAHAHA wag ka ngang patawa" halos mamilipit na tiyan ko sa kakatawa nang ma-realize ko na mukang seryoso siya sa sinabi niya
"Nagsasabi ako ng totoo. Alam kong mahirap paniwalaan pero nasa Olympus ka, ako mismo nagdala sayo dito at kami ay mga gods at goddess"
Halos hindi mag function utak ko dahil sa sinabi niya. Ilang minuto ang nakalipas bago ako muling magsalita.
"Kung totoo ang sinasabi mo ipakita mo sa'kin kapangyarihan mo"
Mula sa kanyang palad nakita kong may lumabas na liwanag na halos ikabulag ko.
"WOOOAAAHHH pambihira totoo nga kayo!" namamangha kong sabi
"Ibig sabihin ba nito isa rin akong goddess o hindi kaya demigod?" tanong ko
"Hindi, isa kang purong mortal na taga-lupa. Ikaw ang aming napili dahil sa sobrang pagmamahal mo samin" sakit umasa besh, akala ko gaya sa mga nababasa kong kwento isa rin akong demigod. Napakasakit! kuya eddy... ang sinapit ng aking buhayyyy, charot hahahaha
"Paano kapag hindi ako pumayag sa gusto niyo? papahirapan mo rin ako katulad ni Psyche dahil mahal niya si Cupid?" tano ko uli
"Isa kang lapastangan na pagsalitaan nang ganyan ang aking ina!" kita ko sa mga mata ni Eros na parang may mali sa sinabi ko
"Bakit totoo naman ah! yun kaya mga nababasa ko sa mga libro!" oh sige payt me Eros, payt me! charot baka mamaya bigla nalang akong bumulagta dito
"Sino namang hangal ang nagkalat ng ganong balita tungkol sa aking ina!?" akmang susugod na siya sa'kin nang awatin siya ni Aphrodite
"Huminahon ka Eros, nasaan na ang iyong respeto para sa ating panauhin?" saway sa kanya
"Paumanhin ina" hingi niya ng tawad
"Hindi totoo ang mga nabasa mo sa libro. Alam kong tunay at wagas ang pag-ibig nila sa isa't-isa kaya hindi ko kayang pahirapan ang babaeng pinakamamahal ng anak ko na si Psyche" WHATTT???? mukang na scam ang lola niyo!
"Eh? seryoso? kung hindi totoo yun sino naman gumawa nun? I mean sino ang magtatangkang siraan ka?" napaisip tuloy ako
"Sa aking palagay si Ares ang may gawa ng lahat ng yun. Ako ang naatasan ni Zeus na pabalikin si Ares, dahil siguro sa labis na galit niya sa'kin kaya niya nagawa yun" kita ko sa mga mata niya ang lungkot, mukang nanghihinayang siya sa ginawang katarantaduhan ni Ares
"Sana tulungan mo kami Sylphyn para sa inyo ring mga taga-lupa ang ginagawa namin. Habang tumatagal sa mundo niyo si Ares unti-unti niyang winawasak ang mundo niyo, gusto niyang maghari ang gulo at siya ang sundin niyo" nanlaki ang mga mata ko sa nalaman ko
"Baka pwedeng pag-isipan ko muna? kasi naman tao lang ako tapos ako pa naisipan niyong hingan ng favor sa ganyang bagay" napabuntong hininga ko
Wala kong kapangyarihan ano namang gagawin ko? anong maitutulong ko sa kanila? mamangha sa bawat gagawin at sasabihin nila? ganon? ayy ewan!
"Bibigyan ka namin ng isang araw para makapag-isip. Manatili ka muna dito sa aking silid hanggat wala ka pang desisyon" nakangiti niyang sabi at sabay silang umalis ni Eros
Ayy wow naman nag abala pa siyang bigyan ako ng oras makapag-isip sa loob ng isang araw, medyo nahiya ko dun ha. Buti kamo naiintindihan nila ni Eros mga pinagsasabi ko.
Lumapit ako sa isang pasilyo na sa tingin ko ay terrace. Mula sa kinatatayuan ko tanaw ko ang isang garden na sobrang ganda dahil sa mga bulaklak na may iba't-ibang kulay at may mga berdeng dahon. Ibang-iba ang nababasa ko lang sa libro, mas maganda sa personal ang Olympus.
Sa garden na natatanaw ko may mga gods/goddess na naglalakad, nag-uusap, nagpapalipas ng oras at iba pa. Lahat sila maganda ang lahi, jusko naman kasi humopia ko na baka isa rin akong goddess o hindi kaya demigod, hindi naman pala.
Ilang oras ang nakalipas ng bumalik si Aphrodite.
"Gusto ka raw makausap ni Zeus" nakangiti niyang sabi. Sana all kasing ganda niya.
Kinabahan ako bigla sa sinabi niya syempre si Zeus yun mga pre.
Naglakad kami sa isang pasilyo na may naglalakihang mga gusali. Habang namamangha ko sa paligid hindi ko napansin na nakarating na pala kami sa pupuntahan namin.
"Maligayang pagdating sa Olympus" nanindig bigla ang mga balahibo at para kong natatae na ewan dahil sa boses niya
Unti-unti akong humarap para lingunin ang nagsalita na sa tingin ko si Zeus.
Paglingon ko sa kanya... Halos mahulog panga ko, shet ang gwapo! kulang nalang maghugis puso mga mata ko.
Winaglit ko ang kalandiang pinag-iisip ko dahil baka hindi na ko makaalis dito ng buhay.
"Maraming salamat sa inyong paanyaya" nag bow pa ko bilang respeto
Alam niyo ba (syempre hindi niyo alam) si Aphrodite at Zeus mukang 25+ pero syempre matatanda na sila hindi lang halata dahil sa pisikal nilang anyo. Isa pa isa silang mga gods/goddess halerrr.
A/N: Kamusta kaharutan ni Sylphyn, ayos ba? hahaha
Nasa taas ang itsura ng kwarto ni Aphrodite.
Ang pangalan ni Sylphyn Ford ay galing sa isang anime, kung napanood mo yung Himouto Umaru-chan yung isang character dun na babae na kulay blue ang buhok Sylphynford ang pangalan. Dahil sa aking pagsasaliksik kung paano bigkasin ang pangalang Sylphyn natukalasan ko na ang ibig sabihin ng Sylph sa tagalog ay marikit. Silfin ang tamang pagbikas sa pangalan niya.
BINABASA MO ANG
Veracities (COMPLETED)
FantasyUmpisa palang hinusgahan na siya pati ako na walang alam ay nadamay sa kahibangan nila. Hindi nila inalam muna ang katotohanan bago siya hinusgahan at pinatawan ng parusang kataksilan. Handa siyang magsakripisyo para sa kapayapaan ng dalawang mundon...