KABANATA 04

43 6 2
                                    

Sylphyn Ford's POV



"Referring to your bitch attitude Summer? nice" biglang sulpot ng isang babae

"Wag ka ngang mangialam dito!" akmang susugurin na siya nung babaeng may pangalan na Summer nang magsalita yung babaeng may maamong muka

"Go ahead Summer! fight her and I'll make sure na makakarating 'to sa nakatataas!" galit na awat nung kapatid nung summer

"Sylphyn right? I'm sorry for what my sisters did to you. May masakit ba sayo?" nag-aalalang tanong niya

"By the way I'm Spring and this is my sisters Autumn, Winter and Summer" pagpapakilala niya. Nakakaloka pangalan nila, napaka-unique masyadong pinag-aksayahan ng panahon ng magulang nila para pag-isipan

"Rae, sorry sa nangyari sana hindi makarating 'to sa kanila" pakiusap ni Rin

"Sa ngayon palalagpasin ko ang nangyari pero sa susunod hindi na" sagot nung Rae

"Horae the goddess of time and natural order. Hindi mo ko pwedeng tawagin gamit ang buong pangalan ko dahil baka makilala ako ni Ares, just call me Rae" pagpapakilala niya

"Nandito ako para tulungan ka sa misyon mo, tulad nila nag-aaral din ako dito ilang taon na ang nakakalipas para mahanap si Ares. Kaming lima ang makakasama mo sa paghahanap sa kanya" paliwanag niya

"WHATTT!?" gulat na tanong ni Summer

"Ang apat na babaeng nasa iyong harapan ay mga demigods. Nakakalungkot lang isipin na pati si Summer ay kabilang sa kanila" mukang hindi niya gusto si Summer

"I can't believe this! kaya naman naming hanapin si Ares ng walang tulong ng isang mortal!" reklamo ni Summer

Napakurap lang ako saglit pagtingin ko nasa harapan na ni Summer si Horae.

"Isa kang lapastangan para magsalita ng ganyan sa ilalim ng utos ni Zeus! Baka nakakalimutan mong demigod ka lang at mas makapangyarihan pa rin ako sa inyo!"

"Ipapaalala ko lang sayo na kalahati ka ring mortal para alam mo kung saan ka lulugar" dagdag niyang sabi

"From now on lahat ng masamang mangyayari kay Sylphyn ay kasalanan natin sa AYAW AT SA GUSTO NATIN, that's what Zeus told me. So better keep an eye on her" napanganga ko nung magsalita siya na para bang katulad lang namin. Marunong naman pala siyang mag salita ng normal eh

"At ikaw naman Sylphyn mag ingat ka, dapat nakatago ang kwintas na yan sa likod ng damit mo dahil sa oras na makita yan ni Ares mawawalan ka ng hininga nang hindi mo namamalayan" babala sa'kin ni Rae

"Sy nalang itawag niyo sa'kin para hindi kayo mahirapan" alanganin akong ngumiti sabay tago ng kwintas ko sa loob ng uniform.

Nagulantang buong sistema ko sa mga nalaman ko kaya pagbalik ko sa room para kong baliw na tumakas sa mental hospital.

Bawal din ipagsabi kahit kanino ang mission ko para daw wala ng madamay pa. In short mag isa kong mababaliw habang hindi pa nakikita si Ares.

"SY!" sigaw ni Chloe sa may tenga ko kaya halos malaglag ako sa kinauupuan ko sa sobrang gulat

"Ano ba Chloe!? bakit ka ba nasigaw anong akala mo sakin bingi!?" matalim ko siyang tiningnan

"Oo bingi ka! kanina pa kaya kita kinakausap pero lutang ka! para lang akong nagkwekwento sa hangin!" gaya ko sinamaan niya rin ako ng tingin

"Oh girls chill alam kong gwapo ako pero wag naman kayong ganyan na nag-aaway sa mismong harap ko" mahangin na sabi ni Hale, kaibigan ng kambal ni Chloe

"Alam mo yang muka mo, mukang kalyo sa sobrang kapal! mahiya ka nga Hale!" nangungunsuming sabi ni Chloe

"Kaya pala maraming patay na patay sa'kin" tumatango-tango pang sabi ni Hale habang nakahawak sa baba niya na akala mo nag-iisip kahit wala namang isip

"You mean yung mga mukang pokpokers mong fan? Ohh come on Hale kung sila maloloko mo kami ni Sy hindi!" bunganga rin nito ni Chloe minsan walang filter

"Pokpokers? saang dictionary naman galing yun?" kunot noong tanong ni Hale

"Ang dalawang ugok nag-aaway na naman" biglang sulpot ni Chlovis, ang kambal ni Chloe na crush ko yiiiieee

"Yo, sup my 'lil sis" bati niya kay Chloe sabay halik sa pisngi ng kapatid

"Sana ako rin meron" sabi ko sa isipan ko

"Ilusyunadang babaita tama na pagpapantasya sa kambal ko" namula ko sa sinabi ni Chloe kaya pinandilatan ko siya ng mata

"Ano nga kasi yung pokpokers?" tanong ni Hale kay Chloe

"Ok fine baka hindi ka makatulog kapag hindi mo nalaman. In Chloe Castillo's dictionary pokpokers means yung mga babaeng makakati, haliparot, papansin sa mga lalaking wala naman pake sa kanila. Yung iba naman napatol sa mga may jowa na" paliwanag niya

"Hindi magandang sayo mismo nanggagaling ang mga ganyang salita lalo na kapwa mo babae sinasabihan mo" at ayun pahiya si Chloe sa sinabi ni Twain, ang crush niya

"S-Sorry" nahihiya niyang sabi

Si Twain kasi siya yung uri ng lalaki na sobrang taas ng respeto sa mga babae kaya nga siguro hindi niya mapansin si Chloe in a romantic way, kumabaga sa F4 siya si Lei. Madalas nakikita ko siyang mag-isa sa ilalim ng puno na payapang natutulog habang nakatakip sa muka niya ang libro. Nakakwentuhan ko na rin yan dati tungkol sa mythology.

"Ayos lang, pero sana hindi na ganon ang maging tingin mo sa ibang tao" sabay gulo niya sa buhok ni Chloe, ang bruha kilig na kilig. Sana all may lovelife.

"Hoyy Chlovis nasan si Damian bat kulang kayo?" pagkatanong nun ni Chloe agad siyang binatukan ni Chlovis

"Wala kang galang! hoy mas matanda ko sayo!" pangangaral niya sa kapatid

"Really Chlovis, really?" pang-aasar niya sa kapatid

"Aba't-" akmang babatukan niya ulit ang kapatid niya nang magtago sa likod ko

"Yan ba gusto mo sa lalaki Sy? mapanakit!" minsan talaga bibig ni Chloe walang preno

"Manahimik ka nga!" asar na sabi ko habang tinatago ang nangangamatis kong muka

"Ayiiieee kinikilig si Sy" gatong ni Hale nakuha pa kong kilitiin sa bewang

"Am I late?" tanong ni Damian na kakarating lang kaya halos lahat napatingin sa kanya. Salamat sa kanya at tinigilan ako nung dalawa.

"Hindi Damian, hindi" sabay irap ni Chloe sa kanya

"Anong gagawin niyo?" takang tanong ko sa kanila

"Yan! hindi ka kasi nakikinig, kanina ko pa sinabi na pupunta sila dito para ilibre tayo" sagot ni Chloe

"Ano meron? kakatapos lang ng lunch break ilang minuto nalang darating na teacher natin" sabi ko sa kanya

"Aba kung ayaw mo edi wag kang sumama, masama pa namang tumanggi sa grasya" sabi niya at nauna ng maglakad

Sumunod sila kay Chloe kaya sumunod din ako sa kanila kahit alanganin. Panigurado malalate kami nito.

Ang PG talaga nung babaeng yun. Basta makarinig ng libre kahit biro lang go agad.






A/N: Tingin mo bagay sila Hale at Chloe? syempre hindi kasi tao este fictional character sila pareho hahaha (tawa ka).

Namamalimos ako ng iyong pagmamahal este comment at votes. Baka naman, baka lang naman maisipan mo, salamat.

Para sa mga hindi nakakaalam kung ano ang demigod, sila ay mga kalahating gods/goddess at kalahating mortal/tao.

Veracities (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon