Sylphyn Ford's POV
Inanyayahan pala ko ni Zeus para kumain at makausap. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya, ang gwapo niya talaga.
"Mukang nabighani sayo si Sylphyn" may ngiti sa labi na sabi ni Aphrodite
Muntik na ko mabilaukan dahil sa sinabi niya. Tulad natin para ring silang mga tao na uso kain.
Yung mga damit nila puro kulay puti na may design na kumikinang na ginto. Bali white and gold karamihang makikita mo sa kanila.
"Totoo ba ang kanyang sinabi?" tanong sakin ni Zeus
"O-Opo" nauutal kong sagot
"Hahahahaha" rinig kong tawa niya na halos mag echo sa buong gusali
"Hindi ko akalain na pati ang taga-lupa ay mabibighani sa'kin" namula ko sa sinabi niya
Yesss! Please lahian mo ko Zeus! charot ulit.
Pero alam niyo kung anong napansin ko? hindi naman pala nakakatakot si Zeus, actually mabait, gwapo at higit sa lahat mukang masarap, charot with silet c hahaha.
Pagkatapos naming kumain bumalik na ko sa kwarto ni Aphrodite. Tinanong ko pa kung saan siya matutulog sabi niya doon nalang daw sa kwarto ni Eros.
Habang nasa terrace ako nagpapahangin, dahil hindi pa ko makatulog bigla nalang sumulpot si Eros na halos ikagulat ko.
"Magandang gabi Binibini" nakangiti niyang sabi, hindi katulad kanina mukang wala na siyang galit sa'kin
"Paumanhin sa aking inasal kanina masyado lang akong pinangunahan ng aking emosyon"
"Ano ka ba ayos lang"
"Gusto sana kitang makausap tungkol kay Ares" halata sa tono ng boses niya na seryoso ang pag-uusapan namin
"Kababata ni ina si Ares halos sabay na silang lumaki kaya hindi namin lubos maisip na kaya niyang gawin ang mga bagay na yun sa aking ina at sa inyong mundo"
Sa pagkakaalala ko si Ares ay gods of war, bloodshed, and violence kaya siguro ganon nalang pag-aalala ni Aphrodite sa mundo namin.
"Hindi kami pwedeng basta-bastang bumaba sa mundo niyo ng walang pahintulot ng nakatataas. Ang pagsuway sa batas namin ay isang kataksilan at kamatayan ang nakalakip na parusa" hinayaan ko lang siyang mag-salita
"Isang araw naatasan sila Ares na bumaba sa mundo niyo upang tulungan ang mga taga-lupa sa pakikipaglaban. Labis na namangha si Ares sa kanyang mga nakita sa inyong mundo, saksi ang aking ina habang isinasalaysay ni Ares ang bawat pangyayari na nasaksihan niya. Hindi nila alam na isang araw tumakas siya at nagpunta sa inyong mundo, naghasik ng kaguluhan na halos mahirapan sila sa pagkontrol" bakas ang lungkot sa kanyang boses
"Kaya nakikiusap ko sayo Binibini tulungan mo kami" kinuha niya ang kamay ko at hinawakan para makumbinsi
"Magpahinga ka na bukas na bukas din hihingin na namin ang iyong desisyon" at naglaho siya na parang bula
Kinabukasan paggising ko nadatnan ko si Aphrodite na may inilalapag na puting damit sa upuan.
"Magandang umaga" nakangiti niyang bati
"Inihanda ko na ang iyong pamalit. Bumangon ka na at maligo sabay-sabay tayong kakain"
Sinunod ko ang sinabi niya. Pagkatapos ko maligo sinuot ko ang damit na kulay puti na sumasayad sa talampakan ko. Pagkatapos ko makapag-ayos bumaba na ko dahil malamang kanina pa nila ko hinihintay.
"Magandang umaga" bati sa'kin ng mga gods/goddess na nasa mahabang kainan
Takte kagabi lang kaming apat lang ang nandito bakit dumami sila?
"Maupo ka na Binibini para makakain ka na" sabi sa'kin ni Eros
Sa right side ni Eros may katabi siyang babae na base sa aking observation si Psyche yun. Inaasikaso kasi siya ni Eros tapos ang sweet nila, sana all may jowa di ba?
Isa-isa kong tiningnan ang mga nandoon at wala na kong makilala sa kanila.
Nagsimula na kong kumain kaysa gutumin ko ang sarili ko sa kakatangin sa kanila habang namamangha.
Yung kinakainan namin isang malawak na dinning area na sobrang daming pagkain. May mga tagapagsilbi rin sila katulad ng mga nasa mayayamang estado sa buhay.
"Alam kong sinabi na sayo ni Eros kung anong nangyari kay Ares" panimula ni Zeus, tumango ako bilang sagot
"Kaya ikaw ang napili naming tutulong sa paghahanap sa kanya ay dahil sa labis mong pagmamahal samin at higit sa lahat nasa paaralan na iyong pinapasukan si Ares, may mga demigods na nandoon at kasalukuyang binabantayan siya"
OMG! may demigods sa school? sino? eh halos mga mukang pasikat lang naman tao sa school namin
"Kung may mga demigods po doon bakit hindi nalang sila ang gumawa nang hakbang para mapabalik dito si Ares?"
"May mga kakayahan kaming maramdaman ang bawat isa. Madali naming matukoy kung isa kang gods/goddess, demigod o mortal" sagot ng isang magandang babae
"Tama ang tinuran ni Athena" pagsang-ayon ni Zeus. Binalik ko ang tingin sa babaeng sinasabi niyang Athena, ang ganda rin.
"Kaya ikaw ang magiging tulay upang mapabalik dito si Ares. Kaibiganin mo siya at kunin ang loob kapag napalapit na siya sayo hanapin mo ang marka niya na kalahating pakpak at ipatak ito sa kanya" may inabot siya sa'king maliit na bote na may lamang likido
"Ang simbolo namin ang sumisimbolo ng aming kapangyarihan. Sa oras na mawala ang aming simbolo para nalang kaming isang mortal ngunit hindi pa rin kami ganon kadaling patayin. Sa pamamagitan nito kailangan kaming saksakin sa aming puso para tuluyang mawalan ng buhay" may inilabas siyang patalim na ang hawakan ay gawa sa ginto
"A-Ako rin ba g-gagawa niyan?" kabado kong tanong
"Wag kang kabahan Sylphyn si Zeus na ang gagawa nun" pagpapakalma ni Aphrodite na nasa tabi ko. Nakahinga ko nang maluwag sa sinabi niya.
"Maaari na ba naming malaman ang iyong pasya?" tanong ni Athena kaya napalingon ako sa kanya
"Papayag na ko sa gusto niyo, isa pa para rin saming mga tao ang gagawin ko"
"Tama ang iyong naging pasya. Huwag kang mag-aalala dahil hindi ka namin pababayaan, may mga magbabantay sayo sa inyong mundo na kauri namin" dagdag ni Athena
"Pero bago ang lahat gusto kong malaman mo na sa oras na matapos ang iyong misyon aking tatanggalin ang iyong alala para sa ikabubuti ng lahat"
"Mnemosyne ang aking pangalan" dagdag niya. Nalungkot ako sa sinabi niya.
Sa pagkakatanda ko si Mnemosyne ay goddess of memory and rememberance kaya siguro siya ang magtatanggal ng alala ko sa oras na matapos ang misyon ko.
Pagkatapos naming kumain pumunta kami sa parang isang templo. Sa sahig nun may nakaukit na bilog. Pinatapak ako doon para raw makabalik na ko sa mundo namin. Sa isang kumpas lang ng kamay ni Zeus nasa loob na ko ulit ng kwarto ko at suot pa rin ang kulay puting damit. Napahawak ako sa leeg ko, nakapa ko ang maliit na bote na ginawang kwintas para raw lagi kong dala.
Pagtingin ako sa orasan na nasa bedside table ko, napabalikawas ako nang makita ang oras at petsa. Anak ka ng tupa Lunes ngayona at kailangan ko ng pumasok.
A/N: Tigas ng panga ni Sylphyn pati si Zeus pinagpapantasyahan. Ganyan talaga pag walang jowa hahahaha.
Bibigyan ko ba siya ng jowa o hindi na? comment niyo na sagot niyo.
BINABASA MO ANG
Veracities (COMPLETED)
FantasyUmpisa palang hinusgahan na siya pati ako na walang alam ay nadamay sa kahibangan nila. Hindi nila inalam muna ang katotohanan bago siya hinusgahan at pinatawan ng parusang kataksilan. Handa siyang magsakripisyo para sa kapayapaan ng dalawang mundon...