KABANATA 14

35 3 0
                                    

Sylphyn Ford's POV

"Gusto mo bang malaman kung sino ko?" tanong niya buti sana kung interesado kong malaman

"Hades, ang papatay sayo. Ako dapat ang King of Mount Olympus pero inagaw ni Zeus sa'kin ang lahat!"

"So ang gusto mong iparating kaawaan kita dahil inagaw ni Zeus ang dapat ay sayo? wag kang hibang!?" ewan ko kung saan ako nakakuha ng lakas para sabihin yun

"Wala kang alam kung gaano kahalaga ang kinuha niya sa'kin dahil isa ka lang mahinang mortal!" nanggagalaiti niyang sabi

"Pero salamat kay Ares sa kagustuhan niyang protektahan ang dalawang mundo inako niya ang kasalanang ako ang may gawa hahaha"

What?... wait ano raw? parang ayaw magprocess sa utak ko yung sinabi niya.

"Tama ang dinig mo. Hindi talaga nag traydor si Ares sa mga kauri namin nilagtas niya pa nga sila sa pamamagitan ng pag-ako sa kasalanang ako ang may gawa dahil sa takot na may madamay pang iba. Alam niya kasing maghihiganti ako sa ginawa niyang pagpatay sa mga kasamahan ko para tumigil kami sa pagsakop sa mundo niyo"

"YOU'RE SUCH A F*CKING ASSH*LE!" galit kong sigaw. All this time prinoprotektahan niya lang kami? pero bakit hindi siya nagsabi!? bakit!!??

"Salamat" sabay bow niya pa

"You know what? bagay lang ang ginawa ni Ares na patayin ang mga kasama mo sayang nga lang at hindi ka pa sumunod sa kanila. Grabe Hades ibang-iba ang description mo sa mga nababasa kong kwento sayo, hindi ako makapaniwala na ganito ka kasama sa personal" hindi ko na alam kung anong magiging reaksyon, gusto ko siyang sampalin pero hindi ko magawa sa takot na baka bigla nalang iwan ng kaluluwa ko ang katawang lupa ko dahil nasa underworld na

"Wag kang mag-alala susunod din naman si Ares sa mga kasama ko baka nga siguro sa mga oras na 'to nag iinuman na sila kung nasaan man sila hahaha" tawa niya na akala mo may nakakatawa kahit wala naman. Daig niya pa mga adik dito sa mundo namin.

"At syempre isusunod na rin kita tutal kaibigan ka niya at may koneksyon ka sa mga kauri niya"

Sa isang iglap nakalapit na siya sa'kin at hawak ang leeg ko na sobrang higpit.

"B-Bitawan mo k-ko" halos kapusin ako ng hininga

"Pilitin mo muna ko" pang-aasar niya kasabay ng pagsilay ng ngisi sa labi niya

Pinilit kong makawala pero isang suntok sa buwan kung iniisip ko na makakawala ko sa pagkakasakal niya sa'kin. Isa lang akong normal na tao habang siya isang abnormal este isang godds. Oh sige nga isipin niyo yun.

Siguro ito ang kabayaran sa lahat ng masamang hinala ko kay Damian. Alam niyo? ngayon ko lang narealize na sinabihan niya ngang papatayin ang mga estudyante dito nung nasa rooftop kami pero hindi niya naman ginawa at kahit kailan hindi niya ko sinaktan.

Kasabay ng realization ko ang pagtulo ng luha ko. Ang shunga mo self! napakasama mo na pagsalitaan ang isang taong walang hangad kundi ang maligtas ang mundo niyo!. Nagawa ko pa siyang sabihan ng traydor.

Unti-unti na kong nauubusan ng hininga nang may maramdaman akong tumama sa kamay ni Lucifer kasabay ng pagbitaw niya sa'kin.

Napaupo ko habang nakasalampak sa sahig kasabay ng pag-ubo ko ay ang paghinga ng malalim.

"Ayos ka lang ba? muntik na ko mahuli" napaangat ako dahil sa boses ng isang babae

"Winter" nanghihina kong sabi kasabay ng sunod-sunod na paglabas ng luha ko

"Alam ko na ang lahat, hindi siya nagtraydor" yinakap niya ko at hinamas ang likod ko para tumahan ako pero mas lalo lang akong naiyak

"Isa na namang sagabal!" rinig kong sabi ni Hades

"Ilalayo kita dito baka mapahamak kayo" bulong niya sakin

Kayo? baka dapat "ka" isa lang naman ako hindi dalawa o higit pa.

Sa isang iglap napunta kami sa maraming tao.

"Baka sumunod si Hades mapahamak sila" kabadong sabi ko

"Hindi yan, makinig ka sa sasabihin ko" tumango ko bilang tugon

"Sinabi ni Ares sa'kin ang totoo kanina nung kumprontahin ko siya habang nakakulong siya. Pinilit ko siyang sabihin kay Zeus ang totoo pero ayaw niya, ayaw niyang may madamay samin" kwento niya

"Kung hindi mo sasabihin sa kanila sino nalang pipigil kay Hades?" tanong ko

"Yan din ang punto ko"

"Gusto kong pumunta sa Olympus, ako ang magsasabi ng lahat sa ayaw at sa gusto niya!" sabi ko kay Winter

"Hindi ka pwede doon ngayon lalo na hahatulan siya baka mahamak kayo" nag-aalala niyang sabi

"Anong baka mapahamak!? nandoon na nga siya hahatulan ng kamatayan malamang mapapahamak siya! Basta dalhin mo nalang ako sa Olympus ngayon din!" hinahigh blood ako ni Winter kita ng importante ang dami pang sinasabi

Wala siyang nagawa kundi dalhin ako doon, ang problema hindi ako makapasok sa loob dahil may parang invisible na portal na humahadlang sa'kin.

"Hindi pwedeng makapasok ang isang mortal kung walang pahintulot ng nakatataas" sabi niya

"Ano pang tinatayo mo puntahan mo sila at sabihing nandito ako!" utos ko sa kanya na akala mo mas mataas ang antas ko sa kanya

Ilang mimuto ko naghintay hanggang sa dumating siya. Itinapat niya ang kamay sa parang invisble na portal.

"Tara na" hablot niya sa'kin nung makapasok na ko ng tuluyan

Dinala niya ko sa parang isang bulwagan kung saan napakaraming mga katulad nila.

"Damian!" tawag ko sa kanya pero mukang hindi niya ko narinig. Lalapit na sana ko sa kanya pero may pumigil sa'kin

"Nababaliw ka na ba!? ano sa tingin mo ang ginagawa mo dito? at ikaw Winter hindi ko akalain na ikaw pa mismo ang kasama niya sa kalokohang 'to!" galit na sabi ni Summer samin

"Wala kong panahon makipagtalo sayo kaya manahimik ka nalang" sagot ko

"Ako rin, kaya mas mabuting bumalik ka nalang sa mundo niyo" balik niyang sabi

"AAAAAHHHHHHH" malakas na daing ng isang lalaki. Boses palang alam ko na kung kanino yun, kay Damian.

Napakurap ako ng ilang beses dahil sa  nakikita kong sitwasyon niya. Nakatusok sa puso niya ang isang patalim na kulay ginto ang hawakan. Yun ang patalim na pinakita sa'kin ni Zeus nung unang punta ko dito. Ang patalim na tatapos sa buhay ng isang katulad nila.








A/N: Uunahan ko na kayo baka may magalit sa'kin sabihing "bakit naging masama si Hades dito ang bait niya kaya". Una sa lahat hindi ka magcocomment ng ganyan kung binasa at inintindi ang nakatype sa Mahalagang Paalala. Pangalawa hindi mo obligasyon o sapilitan basahin ang kwento ko. Pangatlo kung may hindi ka nagustuhan pwede kang magcomment pero sa maayos na paraan hindi yung nakaka-offend, konting respeto manlang sa author.

Isang kabanata nalang tapos na pero bago matapos ang lahat dapat niyo munang malaman kung anong nalaman ni Winter tungkol kay Sylphyn nung nag-usap sila sa garden.

Nasa taas ang itsura ng patalim na ginamit ni Zeus.

Veracities (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon