KABANATA 15

53 3 0
                                    

Sylphyn Ford's POV

"DAMIAN!!!" mas malakas kong sigaw sabay waksi ng kamay ni Summer na nakaharang

Kita ng dalawang mata ko kung paano siya unti-unti naglalaho. Ito na yun? ito kinahinatnan ng pagkampi ko sa mga hangal niyang kalahi!?

Tuluyan na kong nakalapit sa kanya. Nanginginig ko siyang hinawakan habang pilit kong pinipigilan na wag umiyak sa harap niya kaso taksil ang mga luha ko ayaw pakontrol.

"Alam ko na lahat, bat di mo sinabi!?" tanong ko sa kanya pero wala kong narinig na sagot, nakatitig lang siya sakin

"ANO BA!? SUMAGOT KA NGA!?" naiinis kong sabi

"H-Huminahon ka m-makakasama sa inyo" sabi niya at pinahid ang luha sa pisngi ko

"Anong inyo!? eh isa lang naman ako pareho kayo ng sinasabi ni Winter! gusto mo pag umpugin ko ulo niyo!?" nakuha ko pa talagang magsalita ng ganon

"S-Sorry for what I've d-done to you gusto k-ko sanang may m-magbabantay sayo katulad ng g-ginawa ko kaya ko n-nagawa sayo ang bagay na y-yun" naguguluhan ako sa sinasabi niya

"Ano ba! umayos ka nga ano bang pinagsasabi mo!? tingin mo papayag ako na mawala ka nalang ng basta-basta ng hindi ako nakakabawi sa kabutihang ginawa mo? no!"

"Please Damian this is the first time that I'm asking you a favor, please stay"

"G-Gustuhin ko man h-hindi na p-pwede" mas lalo kong naluha sa sinabi niya

Kasalanan ko 'to! kung hindi ko sinabi sa kanila lahat ng alam ko edi sana nailigtas pa siya edi sana  makakasama pa namin siya ng matagal.

"I-Ingatan mo ang s-sarili mo, h-huwag mo k-kong masyadong isipin pag w-wala na ko baka b-bumalik ako ha ha ha" nakuha niya pa talagang magbiro sa kalagayan niyang yan

"H-Huwag kang mag alala d-dahil sa pag-alis ko may p-papalit sakin, s-sana alagaan mo siya at mahalin k-kahit na hindi ako a-ang lalaking i-inaasahan mong m-magbibigay nun sayo" sa pag bitiw niya ng mga katagang yun ang tuluyan niyang paglaho

"DIMIANNNNNNNNN" sigaw ko

Pakiramdam ko mababaliw ako sa mga nangyayari sa'kin. Hindi na ko magtataka kung isang araw nasa mental na ko naka-confine.

Alam mo yung feeling na hindi nga siya namatay sa kamay ng kalaban pero namatay naman siya sa kamay mismo ng mga kauri niya! Ang unfair ng kapalaran! kung sino pang mabait at may busilak na puso sila pa maagang kinukuha. Sana si Hades nalang kinuha niya, bakit si Damian pa!?

Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa paligid ko basta ang alam ko nakatulala lang ako habang iniisip ang mga araw na nakausap ko si Damian bago siya mawala. Ang mga araw na lihim niya kong binabantayan pero ako 'tong parang baliw na busy kakahanap kay Ares na siya rin pala. Nakakatawa maglaro ang tadhana, kahit yata gumamit ako ng lucky patcher hindi pa rin ako mananalo.

"Sylphyn tumahan ka na makakasama sa inyo ang labis mong pag-iyak" hindi ako nag-abalang lingunin siya bahala siya sa bubay niya. Hindi ba siya marunong makiramdam na gusto kong mapag-isa.

"Sylphyn tumayo ka na wag mo kong pilitin na gumamit ako ng dahas" masama ko siyang nilingon

"YAN! DIYAN KAYO MAGALING! ANG GUMAMIT NG DAHAS! ANG AKALA KO PA NAMAN MABABAIT ANG MGA KATULAD NIYO YUN PALA NAGBABALAT KAYO LANG KAYO!" pasigaw kong sabi sa kanya pero wala kong nakitang emosyon mula kay Winter

Isang mabigat na palad ang dumampi sa pisngi ko. Tiningnan ko kung sino yun, si Summer.

"Isa kang lapastangan para pagsalitaan ang kapatid kong nagmamalasakit lang sayo! Oh sige wag kang aalis sa pwesto mo hanggat hindi ka nalalagutan ng hininga ng sumunod ka kay Ares!" galit niyang sabi na mas ikinagalit ko

"Makasabi ng laspatangan akala mo siya hindi! Ipapaalala ko lang sayo kung anong katangahang ginawa natin! Nang dahil lang naman sa'tin may isang kauri niyo ang namatay para protektahan kayo at ang mundo namin! pero ano? ito kayo parang wala lang sa inyo ang nangyari!? kasi ganon kayo! SOBRANG MAKASARILI!" akmang susugurin niya na ko nang awatin siya ni Winter

"Tumigil ka na Summer! nagdadalang tao ang babaeng kaharap mo at si Ares ang ama" napatigil ako sa sinabi niya pati si Summer

"Wag ka ngang imbento kahit kailan hindi ko nakatabi si Ares sa pagtulog kaya panong mabubuntis ako?" mas malala pa yata ang epekto kay Winter ng pagkawala ni Ares

"Sy hindi lang pakikipagtalik ang paraan samin para mabuntis ang isang babae. Pwedeng sa pamamagitan ng pagbibigay ng simbolo ng isang godds ay mag buntis ang babaeng mahal niya" paliwanag ni Spring sabay lapit sa'kin at hinawi ang buhok ko, may tiningnan siya dun

"Sy buntis ka nga... may simbolo ka ni Ares. Nakita mo di ba ang simbolo ni Ares sa braso nung patakan siya ni Winter ng likido na nakakapagpawala ng kapangyarihan namin? may ganon ka rin sa batok mo. Ipinagbubuntis mo ang anak niyo ni Ares" dagdag ni Spring

"Makikita ang simbolo ng godds sa kanang itaas na bahagi ng braso habang ang mga goddess naman ay sa batok" dagdag na paliwanag ni Autumn

"Kaya pala... kaya pala may nararamdaman akong kakaiba sa katawan ko" ewan ko kung anong dapat kong maramdaman sa mga oras na 'to

Tupang gala na Damian 'to ayos din eh. So ito yung sinasabi niyang kalahati niya na ingatan at mahalin ko? for Pete's sake! 4th year high school student palang ako paano ko gagampanan ang pagiging nanay sa magiging anak namin!? Paano ko ipapaliwanag sa pamilya at mga kaibigan ko kung pano ko nabuntis? parang gusto kong sundan si Damian kung nasaan man siya ngayon para mabigyan ko ng isang sapak, kahit isa lang.

Dinala ko sa kwarto ni Aprhodite at siya naman nagpaliwanag kung paano magagawang makabuntis ng isang godds sa pamamagitan ng paglalagay ng simbolo.

Sabi niya sa pagmamagitan ng paglalagay sa babae ng simbolo nila maaaring magdalang tao ang babaeng paglalagyan ng simbolo. Isang beses lang yun pwedeng gawin kung baga yung way na yun is for emergency o hindi kaya sa mga katulad nila na hindi magkaanak through sexual intercourse, oh di ba taray?

"Paano ko papalakihin ang magiging anak namin? ano namang malay ko sa pag-aalaga ng bata?" narinig ko ang mahinang pagtawa ni Aphrodite

"Nandito kami para gabayan kayo ng magiging anak mo" nakangiti niyang sabi

Nawala ang mabigat na pakiramdam ko dahil sa nalaman kong buntis ako. Baby is a blessing at never sumagi sa isip ko na ipalaglag ang batang nasa sinapupunan ko nung malaman kong buntis ako.

Biglang sumagi sa isip ko si Chlovis, maybe hindi si Chlovis ang taong nakalaan para sa'kin at least I have a baby that I will love for the rest of my life.






A/N: Astig di ba? nabuntis si Sylphyn ng ganon na lang hahaha. Wala ng Sylphyn x Chlovis wala kasing forever hahahaha. Kumalma ka may prologue pa.

Nasa taas yung itsura kung saan pinatawan ng parusa si Ares.

Veracities (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon