Chloe Castillo's POV
"Ano kayang masarap kainin?" tanong ko sa sarili pero may paepal na sumagot
"Ako masarap" walang hiya na sagot ni Hale
"Really Hale? really? as if naman na edible ka tsaka isa pa feeling masarap kahit hindi naman" sabay irap ko sa kanya. Wala talagang kwenta kausap, pano puro babae lang laman ng utak.
"Bakit di mo ko subukan tikman para malaman mo" kita kong nag taas baba ang kilay niya habang nakangisi
"Yuck!" umakto akong parang naduduwal
Mukang narinig ni Chlovis sinabi niya kaya nakatikim siya ng batok mula sa kambal ko, buti nga sa kanya puro kahalayan kasi alam.
"Baliw ka talaga Hale anong tikman pinagsasabi mo sa kambal ko!?"
"Lov, ikaw naman nagseselos kaagad syempre sayo lang ako magpapatikim" umaktong bakla si Hale habang sinasabi yun sabay angkla ng braso sa kambal ko, gross
Lov tawag niya sa kambal ko mula sa pangalang chLOVis. Kung hindi mo sila kakilala tapos narinig mo pinagsasabi ni Hale kikilabutan ka. Alam mo yung feeling na ang manly nila tingnan tapos makikita mo sila sa ganong posisyon, nakakadiring pangyayari, but don't get me wrong ok wala kong galit sa LGBT.
"Didistansya ka o pasasabugin ka yang bungo mo?" natawa ko dahil sa expression ng muka ng kambal ko hahaha
"Lov naman tanggap ka naman ni Sy kahit beki ka"
"Di ba Sy?" sabay lingon niya kay Sy na lutang na naman
"Huh?" wala sa wisyo niyang tanong
"Crush ka raw ni Hale" seryoso kong sabi
"Ah ok" sagot niya, WHATTTT? seriously?
"Ayos lang sayo kahit crush ka ni Hale?"
"Oo naman, crush is just paghanga lang naman wala namang masama dun" napangiwi ako sa sagot niya
"Labyu Sy babes" sabi ni Hale kay Sy at doon naman umangkla
Wala talagang gusto si Hale sa kanya imbento ko lang yun, pake mo ba.
Matapos naming umorder syempre kumain na kami.
"Sy pansin ko lutang ka simula nung makita mo ang four Sison" nabilaukan siya sa sinabi ko
Hindi ko inaasahan na makitang sabay-sabay mag-abot ng inumin yung apat na lalaking kasama namin. Hindi tuloy alam ni Sy kung kanino kukunin kaya yung drinks niya nalang kinuha niya.
"Hehehe salamat sa offer niyo pero meron din naman ako" sabi niya
"Let me guess Sylphyn you know something that you don't want to tell me, am I right?" kita kong natense siya sa simpleng tanong ko
Actually wala kong idea sa nangyayari sa kanya hinuhuli ko lang siya at mukang tama ako based on her reaction.
"Chloe baka personal na bagay yun kaya hayaan mo nalang muna yang kaibigan mo kung ayaw niyang sabihin sayo" sabi sa'kin ng kambal ko
"I understand pero once na kailangan mo ng kausap nandito lang ako" nakangiti kong sabi sa kanya, ngumiti rin siya pabalik bilang tugon
"Kami rin nandito lang para tulungan ka, di ba guys?" sabi ni Hale na sinang-ayunan ng kapatid ko at ni Twain my babe
Napalingon kami kay Damian na kasama nga namin pero may sariling mundo, kaya ayoko siyang nasama samin masyadong weird at kj.
"Bakit?" inosente niyang tanong
"Um-oo ka nalang pre" sabi ni Twain sa kanya kaya um-oo naman siya
"Salamat sa inyo, naappriciate ko concern niyo" pasasalamat samin ni Sy
Halatang may problema siya pero ayaw niyang ipaalam sa'kin. Gustong-gusto ko malaman pero kasi baka nga personal problem yun kaya wala kong magawa kundi manahimik at mag abang kung kailan niya sasabihin.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Sylphyn Ford's POV
Gustuhin ko mang sabihin sa bestfriend ko ang problema ko hindi naman pwede. Napabuntong hininga nalang ako.
Naglalakad ako palabas ng campus ngayon kanina pa natapos ang klase namin pakiramdam ko sobrang pagod na pagod ako mentally.
Ilang hakbang nalang nasa labas na ko ng school nang may makita ko sa peripheral view ko na may kimikislap. Napatingin ako sa building namin, kita kong nasa may rooftop nagmumula yung liwanag.
"Hija magsasara na ang school umuwi ka na" rinig kong sabi ni Manong Guard bago ako tuluyang makalayo sa may gate papuntang elevator
Dahil wala nang masyadong tao mabilis akong nakarating sa rooftop. Pagbukas ko ng pinto sa rooftop tumambad sa'kin ang makapal na usok. Akala ko simpleng usok lang yun pero nagkamali ako, nakakahilo at nakakapanghina ang usok na yun kapag nalanghap mo.
Napaupo ako sa sahig dahil sa panghihina. Kinapa ko ang bulsa ng palda ko para kunin ang panyo ko, maswerte ako at hindi ko naiwala ang panyo ko sa araw na 'to. Madalas kasi akong mawalan ng panyo kapag hindi ko nailalagay sa bulsa ko.
Ginamit ko ang panyo panakip sa ilong ko. Wala kong tubig sa bag kaya ok na kahit panyo lang. Pinilit ko aninagin ang paligid pero wala kong makita dahil sa kapal ng usok.
Bakit ganon? kapag nasa baba ka liwanag lang makikita mo pero oras na tumungtong ka sa rooftop wala kang masisilayan na liwanag kundi puro makapal na usok lang na hihigop sa lakas mo.
Saka ko may narelize, hindi kaya...? nanlalaki ang mata ko dahil sa napagtanto ko.
Pinilit kong gumapang kahit nanghihina ko habang tumatagal numinipis ang usok kaya mas lalo kong binilisan ang lakad kaso unti-unti na kong nanghihina at inaantok, pambihira naman.
Kapit lang self hindi naman siguro nakamamatay 'to di ba? kasi once na mangyari yun mumultuhin ko may gawa nito kahit hindi ko siya kilala. Sa langit nalang ako magreresearch ng info tungkol sa kanya once na mamamatay ako dahil dito.
Kinalaunan may naaninag akong pigura ng tao hindi ko sigurado kung lalaki ba o babae basta ang alam ko tao yun! ibig sabihin may tao nga!
Si Ares ba yun? siya ba may gawa nito? nangilabot ako bigla sa naisip ko saka ko napagtanto na wala kong alam sa itsura ng taong hinahanap ko basta ang palatandaan ko ay lalaki siya at may half wing tattoo. Yun ang sabi nila Rae.
Oh di ba parang shunga lang? mas mauuna pa yatang malaman ni Ares na tumutulong ako sa paghahanap sa kanya kaysa makita siya. Ibig sabihin mukang mas mauuna pa kong mawala sa mundong ibabaw kaysa sa kanya.
Walang panget sa mga gods/goddess ibig sabihin gwapo si Ares, baka naman si Chlovis si Ares nagpapanggap lang na kambal ni Chloe. Natawa ko sa kabaliwang naiisip ko, epekto ng usok nakakahigh, ohh yeahh.
Unti-unti ng bumabagsak ang katawan ko sa lupa kasabay ng matinding hilo at antok. See you soon San Pedro.
A/N: Nasa panganib na nga nakuha pang humarot ni Sylphyn, kaya kayo wag siyang tularan kung mahal niyo pa buhay niyo. Maka-sabi ng "See you soon San Pedro" buti sana kung welcome siya sa langit HAHAHAHAHA
Ang quadrupltes na sila Spring, Summer, Winter at Autumn ay mga goddess talaga nung sinearch ko sa google bali ginawa ko lang silang demigod kasi hindi sila masyadong sikat.
BINABASA MO ANG
Veracities (COMPLETED)
FantasyUmpisa palang hinusgahan na siya pati ako na walang alam ay nadamay sa kahibangan nila. Hindi nila inalam muna ang katotohanan bago siya hinusgahan at pinatawan ng parusang kataksilan. Handa siyang magsakripisyo para sa kapayapaan ng dalawang mundon...