Sylphyn Ford's POV
Natapos na ang recess pero itong katabi ko hindi pa rin makamove on sa ginawa ko.
"Hindi ka maka-move on? gusto mo tulak kita tipong tatama ka sa pader tapos mawawalan ka ng malay?" seryoso kong sabi sa kanya
"Pftt oo na titigil na" sagot niya habang pinipigil na wag matawa
Next subject namin P.E. , ang pinaka ayoko sa lahat lalo na wala kong talent sa mga sayaw at ayoko rin sa sports.
Napalingon ako sa gawi ni Damian. Nasabi ko na ba sa inyo na kaklase namin siya? pwes ngayon alam niyo na.
Wala siya sa room nung araw na sabay-sabay kami mag lunch kaya siya nagtanong kung late ba siya sa usapan na sabay-sabay kami kakain.
Habang busy ako sa pagmamasid sa kanya pansin ko na hindi lang pala ako ang nakatitig sa kanya kundi halos karamihan sa mga kaklase naming babae. Sa kanilang apat na magkakaibigan to be honest si Damian pinakagwapo pero kasi loyal ako kay Chlovis my life kaya para sa'kin siya pinakagwapo sa mata ko.
Hindi ko napansin na nakatitig na pala ko sa kanya. Lumingon siya sa gawi namin at saktong nagtama ang paningin namin. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya para bang hinihipnotise niya ko.
"Let's start our P.E. class" dahil sa boses ng teacher namin ako unang nagbawi ng tingin
"Our lesson for today is about dancing" ang dami niya pang sinabi pero wala kong naintindihan
"Ano ba yan si Ma'am ang daming arte pwede namang lesson nalang wala ng practical performance" reklamo ng katabi
"Ha? bakit ano ba meron?" nagiging lutang na ko this passed few days
"Sasayaw tayo ng kahit ano by partner sabi ni Ma'am, siya na raw bahala kung sino magiging partner natin kaya makinig ka" paliwanag niya
Ang dami ng nabanggit na pangalan pero hindi pa rin nababanggit ang samin ni Chloe.
Ilang minuto pa ang hinintay namin nang banggitin na kila Chloe.
"Mr. Dennis and Ms. Chloe"
Nakangiti si Dennis na kumaway kay Chloe habang yung katabi ko ngiwi lang isinukli.
"Ayaw mo ba sa kapartner mo?" tanong ko sa kanya muka na naman kasi siyang nangungunsumi
"Jusko naman kasi! kay Hale pa nga lang pikon na pikon na ko tapos magkakaroon pa ng Dennis? my goodness! kapag siniswerte ka nga naman sa buhay!" natawa ko sa sinabi niya
Malakas kasi mang alaska si Dennis tipong mapipikon ka talaga. Nabasa niyo naman siguro ang nangyari sa'kin sa Science kanina lang di ba? oh ang bilis ng karma hahaha
"And last Mr. Damian and Ms. Sylphyn" napakurap ako ng ilang beses dahil sa sinabi ni Ma'am
Ang daming pwede si Damian talaga? pwede bang iba nalang kahit si Dennis nalang ohh.
Hindi naman sa ayoko kay Damian pero kasi parang ang hirap niya i-approach, sige nga isipin niyo sasayaw kami tapos ganon.
"If you don't like your partner then start to drop out in my class now, simple as that" yes po opo bawal magreklamo kapag si Ma'am pumili o nag desisyon kundi mag drop out ka nalang
"Go to your partner now para mapag-usapan niyo kung anong klase ng sayaw ang gagawin niyo"
Ako na nagkusang lapitan si Damian kasi mukang busy siya sa pagtulog nakakahiya naman sa kanya.
Saktong paghinto ko sa harap niya ang siyang pagdilat ng mga mata niya. Napatitig ako sa mga mata niya, ganda. Sana all ganyan kaganda mata.
"May problema ba?" ay wow naman ayos
"Ahm... a-ano... partner tayo sa P.E." pilit ngiti kong sabi
"Kung hindi ka komportable sa'kin makipagpalit ka nalang ng partner" sabi niya sakin
"Ah change partner? oh sige umpisahan mo ng maghanap ng bago mong teacher sa P.E." nakangiwi kong sabi
Kita kong napakunot noo siya sa sinabi ko kaya iniexplain ko ang sinabi ni Ma'am kanina.
"Ok, then let's practice in my place" bigla kong na excite
"Sige! kailan ba?" hindi pa kasi ako nakakapunta sa kanila isa pa bihira lang siya mag aya sa kanila mga once in a blue moon ganurn
"Let's start after class?" aya niya
"Sige ba!" pagkatapos namin makapag-usap nakangiti akong bumalik sa upuan
"Saya mo? hmp!" bugnot na sabi ng katabi ko
"Well sa bahay kasi kami nila Damian magprapractice" kita ko ang paglaki ng mata ni Chloe
"OMG! Wehhh??? legit???" hindi makapaniwalang tanong niya
"Yup, siya mismo nag aya"
"Ang daya! sana ako nalang partner niya!" naiinggit niyang sabi
"Feeling ko hindi ako aabutin ng practical, ngayon palang mawawala na ko sa mundong ibabaw dahil sa sobrang stress kay Dennis"
"Hahahaha ako nga akala ko mahihirapan akong i-approach partner ko hindi naman pala"
"Daig mo pa nakajackpot, gwapo na nga mukang masarap pa" liningon niya pa pwesto ni Damian
Hinampas ko siya ng mahina dahil sa kahalayan na lumalabas sa bibig niya sarap palaklakin ng holy water, epekto ng pakikipagtalo lagi kay Hale.
"Hoyy bibig mo gusto mo ipaalam ko yan kay Twain?"
"Ito naman joke lang, loyal kaya ko dun" sabi niya na parang inasinang bulate
"Ikaw Sy kailan mo balak ligawan si Chlovis? hahaha" natatawa niyang biro
"Kung pwede lang matagal ko ng ginawa" napangalumbaba ko dahil sa naisip niya
"Girl pwede naman eh"
"Pwede nga pero hell no! my pride pa rin ako, lalaki dapat nanliligaw sa'tin hindi tayo!"
Ang mga bagay na walang kasiguraduhan kung may patutungahang maganda ay hindi dapat minamadali kung ayaw mong magsisi sa magiging resulta. I like Chlovis pero hindi ako ganon kadesperada na maging kami. Wala rin sa isip ko ang pakikipagrelasyon kuntento na ko sa pagiging magkaibigan namin.
Tama nga siguro ang mga matatanda na habang tumatanda ka mas magmamature pag-iisip mo. Hindi puro pang sariling kaligayahan mo lang iisipin mo kundi mas uunahin mo ang kaligayahan ng mas nakakarami o ng mga taong nakapaligid sayo bago ang sarili mong kaligayahan. Mas mauunawaan mo ang mga taong nakakasalamuha mo sa pang-araw-araw na may dahilan sila kung bakit ganon ugali nila o yung way ng pakikitungo nila sa iba.
Habang tumatanda ko narealized ko na masama nga talaga manghusga dahil sa likod ng ugaling meron sila hindi mo alam kung gaano kabigat na problema ang dala nila sa araw-araw na gumigising sila. Hindi dahil alam mong masiyahin siyang tao wala na siyang problema, minsan sila pa yung may mas malaking problema pero nagagawa nilang itago lahat ng problema nila sa pamamagitan ng pag ngiti.
A/N: Pakiramdam ko napakabait kong tao sa chapter na 'to kahit hindi naman talaga hahaha.
Wag kalimutang mag comment at vote.
BINABASA MO ANG
Veracities (COMPLETED)
FantasyUmpisa palang hinusgahan na siya pati ako na walang alam ay nadamay sa kahibangan nila. Hindi nila inalam muna ang katotohanan bago siya hinusgahan at pinatawan ng parusang kataksilan. Handa siyang magsakripisyo para sa kapayapaan ng dalawang mundon...