Sylphyn Ford's POV
Half day lang kami ngayon kaya saglit lang ang klase namin.
"Gusto kong sumama Syyyy" pangungulit ni Chloe sa'kin, uwian na kase ngayon
"Kay Damian ka magpaalam wag sa'kin" sabay waksi ko sa kamay niya na nakakapit sa braso ko
Ang kulit hindi ko tuloy mailagay nang maayos sa loob ng bag ko ang gamit ko.
"Ihhh nakakatakot siya"
"Hindi ka nag iisa, takot din ako sa kanya hahaha"
"Sy naman eh, wag selfish gusto mo lang masolo si fafa Damian" kinaltukan ko nga
"Arayy ha! bagay talaga kayo ni Chlovis parehong mapanakit!" nakanguso niyang sabi
"Sorry na" sabay yakap ko sa kanya habang nakatalikod siya sa'kin
"Hmp! galit ako!" natawa ko nang mahina dahil sa sinabi niya
"Really Chloe, really? hahaha" panggagaya ko sa lagi niyang sinasabi kapag nakikipagtalo
"OO!" matigas niyang sagot
Yinakap ko siya ng mas mahigpit at pinatong ang ulo ko sa balikat niya.
"Ehem" rinig kong tikhim sa may likuran kaya napalingon kami ni Chloe
"Kung hindi lang kita kilala Sy iisipin kong tomboy ka at may relasyon kayo ni Chloe hahaha" at nandito na po sila Hale, start na ng world war III
"Owws talaga? ang ganda naman ni Sy para maging tomboy?" ayan na nag rebatt na siya
"Ikaw ba kausap?" maangas na sabi ni Hale
May naramdaman akong kumalabit sa'kin paglingon ko si Damian pala.
Hinawakan ko ang kamay niya at pasimpleng lumabas ng room sabay takbo.
"B-Bakit tayo n-natakbo?" hingal niyang tanong
"I-Ingay n-nila" sagot ko
Pagkarating namin sa parking lot saka ko siya binitawan.
Tahimik ang buong biyahe hanggang makarating kami sa kanila.
Nauna siyang pumasok sa loob sumunod ako.
"How was your day son?" tanong ng isang babae na sa tingin ko ay Mom niya
"Same as always" sagot niya
"Ohh is she your girlfriend?" gulat na tanong ng mommy niya pero wala kaming narinig na sagot mula sa kanya
"I'm Della Trevino, just call me Mom" nakangiti niyang sabi, nailang tuloy ako bigla
"Tita Della hindi po ko girlfriend ni Damian hehehe" alanganing ngiti ko
"I told you to call me Mom not Tita" eh? napalingon ako kay Damian
Ano na? tutunganga lang siya samin wala siyang balak tulungan ako?
"Just do what she wants kung gusto mo pang makauwi sa inyo" sabay alis niya, nakita ko siyang umakyat sa may hagdan
"Ah, s-sige po M-Mom susunod na rin ako kay Damian hehehe" ngumiti siya sa'kin ng napakatamis bago ako hinayaang makasunod sa anak niya
Hinanap ko ang kwarto niya. Hindi ako nahirapan hanapin kasi may nakasulat namang pangalan sa may pinto niya.
Kumatok ako bago pinihit ang doorknob. Pagbukas ko wala siya sa loob.
"Nasaan yun?" tanong ko sa sarili
Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto niya. Halos kulay puti makikita mo sobrang linis at nakasalansan lahat ng gamit niya.
May nakita kong kumikinang na bagay sa study table niya lalapitan ko na sana nang bigla siyang lumabas galing yata sa cr na walang damit, charot (silent c hahaha). Iba na damit niya mukang nagpalit yata siya.
"Why?" kalmado niyang tanong
"Wala" tipid kong sagot
"Ganyan ka na? wala ka bang extrang t-shirt na dala?" ayy shunga oo nga noh? biglaan kase
"Wala eh" nahihiyang sabi ko sabay kamot sa batok
Lumabas siya sa kwarto niya at pumasok sa isa pang kwarto.
"Mom baka pwede pong makihiram si Sylphyn ng damit at short mo magpraptactice po kasi kami ng sayaw" wtf mas lalo kong binalutan ng kahihiyan
Si Tita Della mukang bata pa kaya feeling ko kakasya nga sa'kin mga damit niya.
"Sure kahit wag niya na ibalik" ngiting tugon niya
Binuksan niya ang closet at kumuha ng short at sando sabay abot sakin.
"Salamat po" sabi ko
Bumalik kami sa kwarto niya at doon ako nagpalit sa cr niya. Seryoso nanay niya? nagsusuot ng ganto kahit may anak na? I mean yes bagay kay Tita pero tupang gala ang ikli ng short tapos yung sando fit na fit sa katawan ko.
"Are you done?" rinig kong tanong niya
Kaya kahit nahihiya ko, lumabas nalang ako. Nakayuko akong lumabas ng cr niya.
"Tsk si Mom talaga" iling niyang sabi
"That's too revealing" dagdag niya kaya mas lalo kong nilamon ng kahihiyan
"Change your clothes, wear this" may inabot siya saking t-shirt na sa tingin ko ay pinagliitan niya
Agad akong nagpalit, pinagliitan niya na yung damit pero ang laki parin sa'kin.
Paglabas ko pinasadahan niya ng tingin ang suot ko.
"Much better, let's go doon tayo magpractice sa dancing room" aya niya sakin kaya sumunod ako
Taray lawak ng bahay nila may paganito si Mayor, charot hahaha.
Nung una pinanood niya muna sa'kin yung video na sinave niya sa youtube bago sa'kin tinuro. Napakagat ako sa labi nung may pabuhat portion at kekembot yung babae habang nakatalikod sa lalaki.
"L-Lahat ba to gagayahin natin?" tanong ko
"Yes, if you don't like the cheorography tell me, I'll change it" pakibago lahat please! yan ang gusto kong sabihin pero nahihiya ako
Mga basic steps lang muna tinuro sa'kin.
"Hold my hand first" sabi niya na ginawa ko
"At wag kang bitawan" sabi ko sa isip ko. Naku self puro ka kaharutan imbis na magpractice.
Nanlamig ako nung mahawakan ko na ang kamay niya na mas malambot pa yata kaysa sa kamay ko.
"Step ka ng tatlong beses forward, step ka rin ulit ng tatlong beses backward" turo niya
Bali kapag nag-sstep forward ako siya naman backward, reverse kami ng ginagawa.
Ang dami niya pang tinuro hanggang sa part na yung bubuhatin niya na ko.
"Kaya mo ba ko? baka mabigatan ka hahaha" natatawa kong sabi
"Mapayat ka naman kaya mukang madali ka lang buhatin" sagot niya
Pag-angat niya sa'kin nagtama ang tingin namin. Ako lang ba nakakaramdam? pero feeling ko may kakaiba sa kanya don't get me wrong not romantically yung sinasabi ko.
Ilang beses naming prinactice yun hanggang sa may part na kekembot na ko sa kanya habang nakatalikod ako sa kanya at siya nakaharap sa'kin nakahawak sa bewang ko.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa sobrang kaba ko lalo na sa part na pinasadahan niya ng hawak ang katawan ko at mabilis akong inikot paharap sa kanya.
Ilang inch nalang layo namin sa isa't-isa pwede na magdampi ang labi namin.
"You're something I can't explain Sylphyn" bulong niya sa may tenga ko
Mabilis ko siyang itinulak sa sobrang kaba.
"S-Sorry" sabi ko bago lumabas sa dancing room
Tupang gala ano bang nangyayari? sobrang bilis pa rin ng tibok ng puso ko.
A/N: Baka naman... baka naman gusto mong mag comment vote.
BINABASA MO ANG
Veracities (COMPLETED)
FantasyUmpisa palang hinusgahan na siya pati ako na walang alam ay nadamay sa kahibangan nila. Hindi nila inalam muna ang katotohanan bago siya hinusgahan at pinatawan ng parusang kataksilan. Handa siyang magsakripisyo para sa kapayapaan ng dalawang mundon...