Sylphyn Ford's POV
Kinabukasan maaga kong pumasok para makausap sila Horae. Nakapagdesisyon na ko na sabihin sa kanila ang lahat para maayos na ang gulo.
"Tama ang naging desisyon mo Sylphyn maraming salamat sa tulong mo" sabi sakin ni Spring
"Sumama ka samin dahil ikaw ang magpapatak sa simbolo ni Ares gamit ang binigay ni Zeus sayo na maliit na bote" sabi naman ni Horae
Sumama ko sa kanila para puntahan si Damian sa room namin kaso pagkarating namin doon wala siya.
"Mukang inaasahan niya na ang mangyayari" sabi ni Autumn
"May alam pa ko na madalas niyang puntahan" sabi ko sa kanila
Dinala ko sila sa may garden. Doon ko kasi siya madalas makita.
Pagkarating namin andoon nga siya. Naka-earphone siya habang nakapikit at nakasandal sa malaking puno.
"Seriously ayan itsura ni Ares? madalas ko siyang makita dito hindi ko akalain na si Ares pala yan" komento ni Summer nung makalapit na kami kay Damian
"Sinabihan ko na ang ibang nasa Olympus na nakita na natin si Ares at ipaalam kay Zeus" sabi ni Winter
"Teka pano nangyari na nasabihan mo sila eh hindi ka naman umalis sa tabi namin?" takang tanong ko
"Telepathy" maikli niyang sagot. Oo nga pala nakalimutan ko na ang mga katulad nila ay halos kayang gawin ang lahat.
Na kay Winter ang atensyon ko nang makarinig ako ng pagsabog kaya napalingon ako sa harapan ko.
Nakita kong gising na si Damian or mas better kung sabihin kong si Ares. Nakatayo siya habang blangko na nakatingin samin.
"Hindi ko alam na ganito mo kaaga sasabihin sa kanila. Akala ko pa naman palilipasin mo muna ang ilang araw" sabi niya habang nakatingin sakin na para bang disappointed sa naging desisyon ko
"Miss me?" nakangising sabi ni Horae
"Hindi naman" walang pag-aatubiling sagot niya
"Sinabihan na ni Winter ang iba para ibalik ka sa lugar kung saan ka nababagay" sabi ni Horae
"Ganon ba kayo kahina kaya nagawa niyo pang maghakot ng back-up? hahaha" nang iinsulto niyang tawa
Hindi ko namalayan na mabilis umatake ang apat na kambal. Kinabahan ako baka may makakita sa kanila kaya inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid, lahat nakatigil sa kanilang ginagawa maliban saming pito. Nilingon ko si Horae na busy sa pakikipaglaban, siguro siya may gawa nun, siya lang naman may kakayahan saming pito na kontrolin ang oras.
Lima na silang nakikipaglaban kay Ares pero halos hindi nila magalusan. Ganon ba talaga kalakas si Ares? kung sabagay sanay na siya sa pakikipaglaban dahil yun ang tungkulin niya. Sisiw lang siguro para sa kanya ang limang babaeng nasa harap niya.
Alam mo yung feeling na wala kang magawa para makatulong? yun ang nararamdaman ko ngayon. Daig ko pa ang nasa sinehan na nanood ng live action movie habang walang pakinabang sa kanila.
Ilang minuto ang lumipas bakas na ang pagod sa lima maliban kay Ares na parang wala lang sa kaniya.
"Ngayon ko lang nalaman na mahihina ang mga goddess, tsk" pang iinsulto niya
"Ares please lang sumuko ka na" pakiusap ni Spring sa gitna ng pakikipaglaban
"Are you stupid Spring? do you think he will do what you said?" sabat ni Summer
"Mamaya na kayo magtalo kung gusto niyong matalo siya mag focus kayo sa pakikipaglaban!" utos ni Horae
Iba't-ibang uri ng liwanag ang nakikita ko na lumalabas sa mga kamay nila. Nakakamangha pero alam kong hindi ito ang tamang panahon para mamangha sa mga nangyayari.
Sa isang kumpas lang ng kamay ni Ares nakita ko ang pagtama ni Winter sa malaking puno.
"WINTER!!!" sabay na sigaw ng tatlo niyang kapatid
"W-Wag niyo kong a-alalahanin kaya k-ko ang sarili ko" sabi niya kahit halatang masakit ang pagkakatama niya sa may puno
Linapitan ko siya para tulungan, kahit ito manlang magkaroon ako ng silbi.
"A-Ano sa t-tingin mo nag g-ginawa mo baka m-mapahamak ka!" galit niyang sigaw
Malapit lang kasi siya kung saan nakikipaglaban ang mga kapatid niya.
"Pwede ba saka mo na ko sermunan!" sabi ko sa kanya
Inalalayan ko siyang makalayo sa pwesto na yun at dinala sa malapit na bench para makaupo siya nang maayos.
"Salamat" nakangiti niyang sabi kaya napangiti rin ako. Sa wakas nakita ko rin siyang ngumiti. Kung ano kasing pangalan niya ganon din ugali niya, malamig.
"P-Pwede bang t-tumalikod ka?" pakiusap niya sa'kin na sinunod ko. Hinawi niya ang buhok ko na ikinataka ko.
"Anong meron?" takang tanong ko
"M-May relasyon b-ba kayo ni A-Ares?" seryosong tanong niya
"W-Wala" sagot ko, ano ba namang klaseng tanong yun?
Kita kong unti-unti na siyang nagiging ok, mukang nawawala na ang sakit na nararamdaman niya.
Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan ang pulso ko. Bakas ang gulat, takot at lungkot sa mga mata niya.
"Kailan huling usap niyo ni Ares?" tanong niya
"Kahapon lang"
"Wala ba siyang ginawa sayong kakaiba?"
Napaisip ako saglit sa tanong niya. Hmm... sa pagkakaalala ko wala naman pero kagabi may nangyaring kakaiba sa'kin.
"Wala naman, bakit?" sagot ko
"Imposible! may nararamdaman akong kakaibang enerhiya mula sayo. Enerhiya na katulad ng samin" paliwanag niya
Naalala ko yung singsing na binigay ni Ares. Gaya ng sabi niya hindi ko yun inalis sa tabi ko lagi ko yung suot.
"Ah baka dahil dito sa singsing na bigay niya" sabay pakita ko sa kanya ng singsing
Wala kong narinig na miski ano mula sa kanya nakatitig lang siya sa singsing na para bang sinusuri ito.
"Ingatan mo yan Sylphyn, ingatan mo rin ang sarili mo" sabay hawak niya sa kamay ko, weird
"Kapag ako nagkaanak gusto ko maging magkaibigan ang mga anak natin" napangiti ako sa sinabi niya, hindi ko alam na may ganito siyang side
"Sige ba! mukang masaya yun kaso study first muna tayo para sa future" sagot ko
Kung makapag-usap kami ng ganong bagay akala mo walang labanan na nangyayari sa harapan namin daig pa namin namamasyal sa kung saan na magkaibigan.
"Kung hindi lang sana ganito ang sitwasyon matutuwa ko na madadagdagan kaming mga demigods" hindi ko naintindihan ang gusto niyang iparating baka siguro yung sa anak na topic namin
Ganon ba siya ka-excited magkaanak? hindi halata sa kanya.
Pagkatapos naming makapag-usap ni Winter kahit panandalian lang, gumaan ang loob ko sa kanya.
A/N: Siguro hanggang 15 na kabanata lang 'to. Konti nalang patapos na ang 'to kaya wag mo na ipagkait ang comment at vote mo hahaha.
BINABASA MO ANG
Veracities (COMPLETED)
FantasyUmpisa palang hinusgahan na siya pati ako na walang alam ay nadamay sa kahibangan nila. Hindi nila inalam muna ang katotohanan bago siya hinusgahan at pinatawan ng parusang kataksilan. Handa siyang magsakripisyo para sa kapayapaan ng dalawang mundon...