KABANATA 10

38 2 0
                                    

Chloe Castillo's POV



Wednesday na ngayon pero hanggang ngayon hindi ko siya makausap nang maayos. May mga naghahanap rin sa kanya kabilang na doon ang apatna magkakapatid na quadruplets isama mo pa ang isang babae na sa pagkakarinig ko Rae ang pangalan. Kahit sila hindi niya nilabas para makausap nag-aalala na kaming mga kaibigan niya sa kanya. Ayaw niya magsalita ayaw niya rin kumain, ganon din daw siya sa kanila sabi ng parents niya.

"Hayyyy ano ba kasing nangyari kay Sylphyn" naiiyak kong sabi. This is the first time na halos maging invisible ako sa paningin niya at hindi yun maganda sa pakiramdam.

"Baka may family problem lang" sagot ni Twain

"Imposible! pumunta ko sa kanila pati parents niya walang alam sa nangyayari sa kanya" sagot ko

"Chlovis try to talk to her alam mo namang may gusto sayo yun" sabi ko sa kambal ko. Kita kong namula ang pisngi niya kaya inis ko siyang sinapak nang mahina sa braso.

"Ano ba! ngayon mo pa nakuhang kiligin!" bwisit! halata naman kasing gusto nila isa't-isa ayaw pa umamin

"Ginawa ko na kahapon dahil nag-aalala ko sa nangyari sa kanya nung nag kwento ka pero pati ako ayaw niyang kausapin" napatampal nalang ako sa noo ko dahil sa sagot ng kambal ko

"Hoyy Damian ngayon performance natin sa P.E. di ba? at si Sy kapartner mo, nag-uusap ba kayo?" ang haba ng sinabi ko iling lang sinagot niya

"Magpeperform pa ba kayo sa lagay niyang yun?" tumango siya

"Tupang gala napakatino kausap" napadukdok ako ng muka sa mesa sa may canteen dahil sa sobrang disappointed kausap ni Damian

"Una na ko sa room nakakawalang gana kayo kasama" matamlay kong sabi

Narinig ko pang nag react si Hale sa sinabi ko pero dahil wala talaga sa mood hindi ko siya pinatulan.

Pagpunta ko sa room nakita kong naka-earphone si Sy habang nakatingin sa labas ng room na para bang ang lalim ng problema niya.

"Sy..." tawag ko pero hindi manlang siya nag abalang lingunin ako

"Sige ayos lang kahit hindi mo ko pansinin"

"Naalala mo pa ba nung first year tayo? everytime na may problema ka ako una mong sasabihan" napangiti ako sa mga ala-alang yun

"Umiiyak ka lagi nun sa'kin na akala mo wala ng bukas, tatahan ka lang kapag sinabi kong ililibre kita, ganon ka ka-PG" hindi ko na napigilan bumagsak na ang luha ko

"N-Nung *sob* muntik na maghiwalay parents namin *sob* n-nandiyan ka para sa'kin *sob* kaya p-please kung ano mang *sob* problema m-mo tell me" at humagulgol na ko sa pag-iyak


- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -


Sylphyn Ford's POV


Liningon ko ang upuan ng katabi ko para i-check kung nakabalik na ba siya. Bumaba kasi siya kanina para siguro mag recess.

Paglingon ko naiyak siya, correction nahagulgol siya.

"Chloe anong nangyari? may umaway ba sayo!? sabihin mo sa'kin para masapak ko!" nag-aalala kong tanong sa kanya. Nag-angat siya ng tingin sabay yakap ng mahigpit.

"WAAAAAHHHH SYLPHYNNNNN IKAW UMAWAY SA'KIN HINDI MO KASI AKO PINAPANSINNNN" ngawa niya kaya napukaw tuloy namin atensyon ng mga kaklase namin

"Naku Sy pansinin mo na yang bestfriend mo kanina ka pa niyan kinakausap kahit hindi ka nakikinig" sabi nung isa naming kaklase kaya nanlaki ang mata ko

"Seryoso?" tanong ko kay Chloe, tumango siya bilang sagot

"Sorry kung hindi kita pinapansin wala lang ako sa sarili" paliwanag ko

"A-Alam ko! pero baka pwede mong i-share sa'kin para di ka mag isa sa kung ano mang iniisip mo?" yinakap ko siya dahil sa sinabi niya

"Salamat nalang sa concern pero kaya ko ang sarili ko, tumahan ka na" hinaplos ko ang buhok niya

"Wag mo na ulit ako i-snobin ok?" tumango ako bilang sagot

Lumipas ang oras start na ng klase namin sa P.E. natatakot ako na kinakakabahan lalo na sa natuklasan ko.

Halos natawag na ang lahat, kami na ang susunod ni Damian sumayaw.

"Ok start the music" sabi ng teacher namin at nagplay ang kantang napili namin

Smooth lang sa umpisa yung sayaw namin hanggang sa naging wild at naghiyawan ang mga kaklase namin lalo na sa part na kumembot ako habang nakatalikod kay Damian. Habang nasa part na yun naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa may leeg ko na para bang inaakit ako.

"You know my secret" bulong niya na nakapagpatigil sa'kin buti nalang ginuide niya ko kaya hindi halatang tumigil ako

Natapos ang sayaw na puro papuri at hiyawan ang naririnig namin. Sinabi na rin ni Ma'am ang scores ng mga nagperform, kami ang pinakamataas. Dapat akong matuwa pero hindi ko magawa lalo na nung may ibulong siya sa'kin na kinabigla ko.

Kung iniisip mong si Ares si Damian, yes tama ka ng hinala mo.

"Yiiieee congrats taray ng performance niyo ang wild nung bandang chorus na, grabe chemistry hahaha" sabi ni Chloe habang naglalakad kami papuntang girl's locker

"Sylphyn" tawag sa'kin ng lalaking ayokong makita

"Yiiieee yayayain mo na bang makipagdate ang bestfriend ko dahil sa perfect scores niyo?" pang-aasar ni Chloe pero seryoso lang namin siyang tiningnan

"Hello guys? anong muka yan parang hindi kayo masaya?" winagayway pa niya ang kamay niya sa harapan namin

"Mauna ka na susunod nalang ako" sabi ko kay Chloe na mukang namanhid na at hindi marunong makiramdam

"What?" seryosong tanong ko

"Sa rooftop nalang tayo mag-usap para walang makarinig" sabi niya at naunang maglakad

"Natatakot ka bang malaman nila kung sino ka ba talaga? kung anong klaseng tao ka? ohh let me rephrase my sentence. Natatakot ka bang malaman nilang isa kang-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil sa isang iglap lang ay nasa harapan ko na siya

"Hanggat kaya mo, itikom mo yang bibig mo dahil sa bawat impormasyong nalalaman mo na lumalabas sa bibig mo ay isang buhay ang kapalit" natuod ako sa sinabi niya at halos wala ng balak gumalaw

"Susunod ka o hindi? baka magsisi ka kapag hindi ka sumunod" nakita kong sumilay sa labi niya ang isang ngisi na nakapagpataas ng balahibo ko

Tahimik akong sumunod sa kanya hanggang sa makarating kami sa rooftop.







A/N: Nagtataka ba kayo kung bakit hindi mahanap nila Rae si Ares/Damian? Basahin mo nalang susunod na kabanata para malaman mo

Veracities (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon