WAKAS

73 4 3
                                    

Ilang taon na ang nakalipas simula nung malaman ni Sylphyn na si Damian at Ares ay iisa. Ilang taon na rin ang nakalipas nung malaman niyang pinagbubuntis niya ang kanilang anak. Habang nasa Olympus siya nung mga araw na yun ay nag isip na siya kung paano ipapaliwanag sa magulang at mga kaibigan niya ang biglaang pagbubuntis.

Nagulat ang lahat, muntik pang atakihin sa puso ang ina niya dahil hindi inaasahan ang nangyari sa anak at maging sa ama ng bata. Si Chloe na kanyang bestfriend ay hindi rin makapaniwala na si Damian ang ama ng bantang ipinagbubuntis ni Sylphyn. Gumawa ng kwento ang dalaga para maipaliwanag sa kanila ang mga nangyari sa kanya dahil kahit na isang demigod ang pinagbubuntis niya hindi pa rin pwede na malaman ng iba ang totoong katauhan ni Damian.

Sa kabilang dako hindi inaasahan ni Sylphyn na alam pala ng mga umampon kay Damian na hindi ordinaryong tao ang inampon nila, dahil doon hindi siya nahirapan na ipaliwanag sa mga 'to ang totoong sinapit ng binata. Nalungkot ang mga umampon kay Damian pero kinalaunan natanggap din lalo na nung malaman nila na ipinagbubuntis niya ang anak nila ni Damian.

Pagkatapos maka-graduate ng dalaga sa high school tumigil muna siya sa pag-aaral habang hindi pa nanganganak at para matutukan ang kanyang nag iisang anak. Nahirapan siya sa pagbubuntis lalo na hindi basta-bastang bata ang dinadala niya pero sa tulong ng pamilya at mga kaibigan niya ay napadali ang lahat para sa kanya.

Sa paglipas ng taon naging si Chloe at Hale na hindi inaasahan ng lahat. Ang dating parang aso't pusa ay naging mag-asawa. Nakapag-asawa rin ang apat na kambal ng kapwa nila demigod at maging si Horae ay nakapag-asawa ng kapwa nila. Habang sila Twain at Chlovis ay nakapag-asawa ng mga naggagandahang babae.

Ang lahat ng mga kaibigan ni Sylphyn katulad niya ay nagkaanak, ang pinagkaiba lang wala siyang asawa. Hindi sumagi sa isip niya ang inggit sa mga kaibigan na may kompletong pamilya dahil ang anak niya palang ay sapat na para mapasaya siya.

Hindi katulad ni Damian, sa paglaki ng anak nila naging suplado at masungit 'to sa lahat ng nakakasalamuha lalo na nung malaman niya na si Chlovis ang dating gusto ng kanyang ina at kung hindi dahil sa kanya siguro sila ang nagkatuluyan. Naging malaki ang galit ng anak ni Sylphyn kila Chlovis lalo na sa anak nito.

Dahil isang demigods ang anak nila Sylphyn kinakailangan na sa tuwing bakasyon ay manatili sila ng mga anak ng apat na kambal kasama ang anak ni Horae sa Olympus para makapag-ensayo sa pakikipaglaban.

Hindi naging madali para sa mga bata ang lahat pero kinaya nila dahil sila ang naatasan na tumapos kay Hades sa pamumuno ng anak ni Sylphyn. Kailangan niyang tapusin ang naumpisahan ng ama para sa pananatili ng kapayapaan sa mundo ng mga tao.





-- WAKAS --

Veracities (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon