Sylphyn Ford's POV
Nagising ako sa alarm ng orasan, tamad kong pinatay yun. Lagi kasing napasok yung kasambahay namin sa kwarto ko para i-check ang kwarto ko tuwing gabi kasama na dun ang pag-aalarm ng orasan ko kapag nakakalimutan ko i-set.
Bigla kong napadilat ng mga mata nang maalala ko ang nangyari sa'kin kahapon. Napatitig ako sa puting kisame ng kwarto ko habang inaalala ang mga nangyari.
Ang naalala ko lang umakyat ako sa rooftop, may nakita akong tao bago nawalan ng malay.
Pumunta na ko sa bathroom para maligo at makapag-ayos, pagkatapos ko saka ko bumaba. Nadatnan ko ang parents ko na kumakain ng breakfast.
"Goodmorning po" bati ko
"Goodmorning too" bati nilang balik
"Hindi ka na nag dinner kagabi. Kumain ka ba bago umuwi? hindi kasi namin namalayan ang pagdating mo" sabi sakin ni Mom
"Ah... eh... Y-yes po kumain na ko ng dinner sa labas" napakahonest kong anak
Ibig sabihin wala rin silang idea kung paano ko nakauwi? syempre ako nga mismo walang idea sila pa kaya, nako self paki gamit ng utak sayang baka kalawangin lang.
Mabilis kong inubos ang nasa plato ko na sinandok ni Mom na sobrang dami tipong akala mo bibitayin na ko mamaya at huling kain ko na yun.
Pagkatapos ko kumain sumakay na ko sa kotse at nagdrive papuntang school. May student license ako kaya allowed ako magdrive.
Pagkarating ko sa school dumiretso ako sa Aris para makausap yung apat.
Buti nalang pinuntahan nila ko agad sa labas ng room nila. Ba naman kasi halos lusawin na ko ng mga taga-Aris, grabe makatitig.
"Good Morning Sylphyn" masiglang bati ni Spring, sana all ganyan kasaya lagi
"May problema ba?" tanong ni Autumn
"Alam niyo ba room ni Rae? nakalimutan ko kasi siyang tanungin kahapon" tanong ko sa kanila
"Yan lang ba pinunta mo?" mataray na sabi ni Summer
"Hindi, may importante akong sasabihin sa inyo kaya kung gusto niyo malaman sabihin niyo muna kung nasaan si Rae. Gusto ko kapag sinabi ko ang natuklasan ko nandito si Rae para isang sabihan lang" paliwanag ko
"She's from Plato" sabi ni Winter
"Salamat, tara sumama muna kayo sa'kin" halatang ayaw sumama ni Summer pero kinalaunan sumama rin
Pagtungtong namin sa palapag ng Plato gaya kanina pinagtitinginan din kami, jusko feeling ko mga artista kami.
Si Spring na ang kumatok sa room nila Rae kaming apat naghihintay lang sa may tapat ng room nila.
"Good Morning" bati samin ni Rae
"Mamaya na tayo magbatian, tara sa garden" hinatak ko si Rae sumunod naman samin yung apat
"Spill the beans now" utos ni Summer pagkatapak namin sa may garden
Sinabi ko sa kanila lahat ng nakita ko. Bakas sa muka ni Spring na nag-aalala siya sa nangyari sa'kin.
"Wala kang bang sugat baka may masakit sayo? gagamutin ko" sinuri niya ang kabuuan ko bago kumalma
"Wala naman, ayos lang ako" nakangiti kong sagot para hindi na siya mag-alala
"Ang nakakapagtaka hindi ko alam kung paano ko nakauwi sa bahay. Sino kayang naghatid sa'kin?" napaisip ako sa mismong tanong ko
"Yun pala ang dahilan kaya wala kang malay sa rooftop? Gaya mo nakita ko rin yung liwanag na sinasabi mo at ramdam kong kakaibang liwanag yun kaya nagmadali akong pumunta sa rooftop pero ikaw lang nadatnan ko at walang bakas ng usok na sinasabi mo. Ako nga pala naghatid sayo" nasagot ang palaisipan sa utak ko dahil kay Rae
"Paano mo ko nahatid ng hindi napapansin ng mga tao sa bahay?" takang tanong ko
"Teleportation" simpleng sagot niya na nakapagpamangha na naman sakin
"Salamat, Rae" pasasalamat ko sa kanya
"Sigurado ka ba na hindi mo nakita ang muka? para may lead tayo kung sino yung nasa rooftop" tanong ni Autumn sakin
"Sorry pero wala talaga"
Pumunta na ko sa room pagkatapos ko silang maka-usap syempre wala kong balak magcutting baka mamaya ma-turn off sakin si Chlovis of my life hahahaha.
Lumipas ang oras hanggang sa mag science na.
"Listen to my discussion after this may quiz kayo" sabi ni Sir buti nalang bakla teacher namin kaya kahit wala kong masyadong maintindihan kebs lang
Nag-umpisa ng magpa-quiz si Sir 1-15. Hindi naman mahirap ang quiz namin kasi bukod sa fresh pa ang lesson ang basic lang kailangan mo lang tandaan lahat ng diniscuss niya. Feeling ko kaya kong ma-perfect 'to. Nakangiti akong nagsasagot hanggang sa mag last number na.
"Last number... 15 write my fullname" kita ko ang pag ngisi ni Sir mukang inaasahan niya magiging reaction namin
Ang daming umangal kasi kadalasan surname lang tawag namin sa mga teachers at hindi namin alam ang first name nila.
I change my mind hindi ko pala kayang ma-perfect ang quiz, sarap ibaon ni Sir ng buhay sa lupa.
"After one minute pass your paper" oh kalma iniisip ko pa first name mo Sir! surname niya lang kasi tanda ko, kakaisip ko ayun hindi ko pa rin naisip. Anong akala niyo naisip ko na first name ni Sir? syempre hindi HAHAHAHA
"Ok pass your paper" sabi ni Sir na akala mo may date!
Kakamadali ni Sir iba nasulat ko sa number 15, ah ewan bahala siya.
Kinuha ni Sir lahat ng papel saka binigyan kami isa-isa ng papel para sa checking.
Tahimik kaming nagchecheck nang may narinig akong tawanan sa may bandang likuran. Sa may gitna kasi kami ni Chloe nakaupo.
"Anyare sayo girl muka kang natatae" natatawang biro ni Chloe
Malakas radar ko... papel ko pinagtatawanan nila! to be exact yung sagot ko mismo sa number 15.
Napakagat ako sa labi habang hinihintay ang number 15.
"15" pagkabanggit ni Sir nun may isang hangal na sumigaw na
"Secret hulaan mo po raw Sir sagot sabi ni Sylphyn HAHAHAHA" malakas na hagalpak ng tawanan ang narinig ko
Ang sarap saktan ni Dennis grabe. Napayuko ako sa sobrang kahihiyan. Hindi na ko uulit magtitino na ko sa susunod. Tiningnan ko si Sir kung anong reaction niya.
"Mukang gusto mong bumagsak sa subject ko Ms. Sylphyn hahaha" natatawa niyang sabi kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko
Pagkatapos ng Science walang katapusan na naririnig ko ang salitang "secret hulaan mo" sa pamumuno ni Dennis.
"Pftt WAHAHAHAHA Lt ka talaga Sy" kabagin ka sana pikon kong sabi kay Chloe, kainis!
A/N: Sinama ko sa kwento kung saan ko nakuha username ko hahaha pati ako natatawa sa kalokahan ko nung araw na yun. Sa pamamagitan niyan mabilis akong nakilala ng mga kaklase ko. Ano pang hinihintay niyo? gaya na. Malas mo lang kapag masungit na teacher ginawan mo ng ganyan baka bumagsak ka HAHAHAHAHA
Hindi katulad ng nangyari kay Sylphyn ang nangyari sa'kin, may iniba ko para unique. Isa pa nung ginawa ko yang kalokohan na yan 2 week palang ng pasukan nun kaya medyo hindi ko pa close at kilala mga kaklase at teachers ko, ang strong kong estudyante hahahaha. Joke lang wag niyo kong tularan baka imbes na pumasa kayo, bumagsak pa kayo hahahaha.
BINABASA MO ANG
Veracities (COMPLETED)
FantasyUmpisa palang hinusgahan na siya pati ako na walang alam ay nadamay sa kahibangan nila. Hindi nila inalam muna ang katotohanan bago siya hinusgahan at pinatawan ng parusang kataksilan. Handa siyang magsakripisyo para sa kapayapaan ng dalawang mundon...