Sylphyn Ford's POV
Nagmamadali akong bumaba ng kwarto ko at tuloy-tuloy na lumabas sabay diretso sa kotse. Hindi ko na pinansin tawag ni Mommy, yari ako nito mamaya.
Pagdating ko sa school kapag siniswerte ka nga naman puno ang lintik na elevator kaya wala kong nagawa kundi gumamit ng hagdan. Shimatta! 4th floor pa room namin jusko! utang na loob maawa kayo sa'kin!
Pagkarating ko sa mismong tapat ng room mabilis kong binuksan ang pinto ng hindi natingin muntik pa kong tumama sa teachers table na nakaharang. Sino namang balashubas ang nag lagay niyan jan!? Rinig ko ang mahinang tawanan ng mga nakakita sa nangyari sakin, demonyong mga 'to!
"Ok na kayo? happy?" asar na tanong ko sa kanila na ikinatigil nila ng tawa
Gigil si ako, nagmadali pa ko wala pa naman pala first subject teacher namin! Akala ko pa naman late na ko kaya halos mawalan ako ng hininga sa kakamadali paakyat ng lintik na 4th floor!
"Pftt hahaha nakita ko yun huli ka pero di kulong, hindi ka kasi natingin sa dinadaanan mo" bungad sakin ni Chloe pagkaupo ko sa upuan
"Malamang na makita mo yun kasi may mata ka" pilosopong sagot ko
"Harsh harsh baby~" pakanta niyang pang-aasar sa'kin
"Wag mong sabayan init ng ulo ko baka ibaon kita sa kinauupuan mo" pagkaganitong badtrip ako hindi niya dapat ako kinakausap
"Ano namang dahilan at bakit ang init ng ulo mo aber?" nakapangalumbaba siyang humarap sakin
Bigla kong pinagpawisan ng malagkit. Bukas naman aircon sa room pero pakiramdam ko biglang uminit.
"W-Wala" wala sa sariling sagot ko
"You're hiding something to me, don't you?" nakataas kilay niyang sabi
Bestfriend ko na yang si Chloe since first year kami bali four years na kaming mag bestfriend ngayon kaya alam na namin pasikot-sikot ng bituka ng isa't-isa.
"Hindi mo sasabihin? kilala mo ko Sy may hawak akong alas" aba't lokong 'to ah blinablackmail ako
"Na stress kasi ako sa-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil sa pagdaan ng apat na babae
Ewan ko ba pero bigla kong napalingon kay Chloe.
"S-Sino yung mga yun? A-Anong section nila?" tanong ko sa kanya
"Saang planeta ka ba galing at hindi mo sila kilala? sila lang naman po ang sikat na quadruplets: Spring, Summer, Autumn at Winter. The four Sison Sisters, at higit sa lahat kabilang sila sa Aristotle" paliwanag niya
Ang Aristotle o Aris kung tawagin ay mga piling matatalinong estudyante, full package ang room nila at bihira mo lang makikitang pakalat-kalat.
"Hindi ba nasa 5th floor ang room nila?" tumango siya bilang sagot
Sa school kasi namin sa 1st floor puro Aquinas lang nandun mula 1st-4th year, bali ganito.
FIRST FLOOR (Aquinas Section) - 1st year, 2nd year, 3rd year, 4th year
Ganyan ayos kada floor ang naiiba lang ay yung section. Sa 4th floor kung nasaan room ko puro Socrates lang ang section na nandito.
First section Aristotle, second Socrates, third Plato, fourth Machiavelli and lastly Aquinas.
"Bakit ba mukang interesado ka? isa pa ang aarte kaya ng mga nasa floor na yun kaya kung may balak kang pumunta go ahead hindi kita pipilitin" napakasupportive naman this girl
Ilang minuto ang lumipas bago dumating ang first subject teacher namin.
Nakinig ako sa lesson niya kasi sabi may quiz, itong si Chloe naman parang tuod na nakatingin kay Twain. Crush niya yun at patay na patay siya sa lalaking yun na seryoso sa pag-aaral at mukang malabong mapansin siya.
Pagkatapos ng lesson ni Ma'am nag pa-quiz siya katulad ng inaasahan namin. Habang nagquiquiz tanong ng tanong si Chloe sa'kin ng sagot. Bilang isang mabait na kaibigan syempre hindi ko siya pinakopya, ano siya siniswerte? matapos niyang hindi makinig sa lesson kakatitig sa crush niya ang tigas naman ng panga niya kung papakopyahin ko lang siya. Aba! matuto siyang makinig kung ayaw niyang ma-zero. Pagkatapos ng quiz dinismiss na.
"Ang damot mo bakit hindi mo ko pinakopya!?" nagtatampo niyang sabi
"You know me Chloe papakopyahin naman kita kung hindi mo talaga naintindihan ang lesson pero yung titigan lang si Twain habang naglelesson si Ma'am kahit na aware kang may quiz, anong iniexpect mo papakopyahin kita? mag-isip ka nga" sagot ko
"Sorry, na carried away lang ako. Ang gwapo kasi niya talaga" sabay sulyap ulit
Haist, ewan sarap iumpog ng ulo niya baka sakaling matauhan.
Dahil ang next subject namin ay T.L.E. at sa ibang room kami nagroroom, agad kong inayos ang gamit ko.
"Mauna ka na sa room susunod ako, sa Aris ako pupunta" papaalam ko sa kanya
Aris tawag namin sa mga Aristotle, Socra naman samin at Machia sa Machiavelli. Section mismo ng Plato at Aquinas tawag namin sa kanila.
Paakyat palang ako pero pinagtitinginan na ko ng ibang mga estudyanteng nakakakita sakin. Forbidden ba tumapak sa floor nila kaya grabe sila makatingin na akala mo may gagawin akong kalokohan?
Pagkatungtung ko sa dulong bahagi ng floor ng Aris kumatok ako sa pinto bago ito bumukas.
"Anong ginagawa ng isang Socra sa floor namin?" mataray na bungad sa'kin ng isang babae na maganda nga maarte naman
"Gusto ko sanang makausap ang magkakapatid na Sison" pagkasabi ko palang ng surname may apat ng babaeng lumingon sa gawi ko at sabay-sabay tumayo
"Kami ng bahala sa kanya" sabi nung babaeng may maamong muka doon sa kaklase nilang nakausap ko
"What-" hindi niya natuloy ang sasabihin niya nang malapit na siya sa'kin
Pinigilan niyang makalapit ang tatlo at may binulong bago lumapit sakin. Nakita kong tumango pa ang isa sa kanya.
"Autumn get her!"
Hinawakan ako nung Autumn sa braso at hinatak paakyat sa rooftop.
Pabalibag akong binitawan nung Autumn pagkarating namin.
"Autumn!" sita sa kanya nung babaeng may maamong muka
"Who the hell are you!? saan mo nakuha ang bagay na 'to?" sabay hablot niya sa boteng ginawang kwintas na ibigay ni Zeus
"Isa ka lang mortal ramdam namin kaya paano ka nagkaroon ng ganitong bagay?" tanong nung babaeng malamig kung tumingin
"Kay Zeus" diresto kong sagot
"Isa kang hangal! sino ka naman para pag-aksayahan ng oras ni Zeus!?" akmang sasampalin na ko nung babaeng kanina pa mainit ang ulo sa'kin nang may lumitaw na isang babae sa harap namin
A/N: May ideya ba ka ba kung sino ang quadruplets? comment mo na
Payag ka nun Sylphyn inaapi ka lang? kung ako yun binasag ko na bungo niyan, biro lang syempre wala siyang palag sa mga yan.
BINABASA MO ANG
Veracities (COMPLETED)
FantasyUmpisa palang hinusgahan na siya pati ako na walang alam ay nadamay sa kahibangan nila. Hindi nila inalam muna ang katotohanan bago siya hinusgahan at pinatawan ng parusang kataksilan. Handa siyang magsakripisyo para sa kapayapaan ng dalawang mundon...