KABANATA 09

32 3 0
                                    

Ares POV



Sabado ngayon at wala kaming pasok. Sa apat na taon kong pananatili sa mundong 'to na-adopt ko na rin ang pang-araw-aaw na pamumuhay ng mga mortal.

Pinagsalikop ko ang mga kamay ko at taimtim na nag isip.

Tama ang hinala ko na ang babaeng yun ay may kinalaman sa paghahanap sa'kin. Nakakatuwang isipin na sa sobrang desperado/a nila mapabalik ako sa Olympus gumamit pa sila ng isang mortal

Kailan ko silang unahan bago pa mahuli ang lahat. Kailangan ko siyang mapatahimik sa kahit anong paraan.

Kinuha ko ang susi ng kotse ko at bumaba ng kwarto.

Mabilis kong pinaandar ang kotse ko papunta sa bahay nila. Pwede naman akong magteleport kung gugustuhin ko pero hindi ko ginawa mas ok na 'to para hindi ako masundan.

Bumaba ko sa kotse ko saka lumapit sa may gate para mag doorbell.

Saglit lang ang hinintay ko at may lumabas na kasambahay nila.

"Hijo ikaw pala pasok ka" kilala na ko ng mga kasambahay nila dahil madalas akong pumunta dito

"Hintayin mo lang saglit si Ma'am Sylphyn pababa na yun"

Ilang minuto kong naghintay bago siya bumaba mula sa kwarto niya na mukang naistorbo ko pa sa pagtulog. Halatang kakagising niya lang.

Nanlalaki ang mga mata niya nang makita ko at muntik pang mahulog sa hagdan buti nalang nakahawak siya sa may hawakan ng hagdan.

"G-Good Morning" bati niya sa'kin ng tuluyan na siyang makalapit sa pwesto ko

Ngumiti lang ako ng tipid bilang tugon.

"Nagbreakfast ka na ba?" tanong niya

"Hindi pa" sagot ko

"Eh? umalis ka ng bahay niyo ng hindi nag uumagahan? kaltukan ko kaya bungo mo. Halika kumain na muna tayo" aya niya sa'kin sa dinning area nila

"Maupo ka muna" sabi niya sa'kin at may kinuha sa kusina

"Luh? gusto mo ba ipaghatak pa kita ng upuan?" nakataas kilay niyang tanong

Hindi pa rin kasi ako umuupo hinihintay ko siya.

Umupo ko gaya ng sabi niya at nag-umpisa ng kumain, nakakagutom pala.

"Ano palang ginagawa mo dito?" tanong niya

"Wala, aayain sana kita lumabas" sagot ko

"Sorry but I'm already taken" napakunot noo ko sa sagot niya

"Ha?" takang tanong ko

"Inaaya mo ko makipagdate di ba? sorry pero it's a no" pag-uulit niya

"No, hindi yan ang ibig kong sabihin magpapasama lang sana ko sayo bumili sa mall" halata sa muka niya ang pagkapahiya at hindi na makatingin sakin

"Ah? hehehe nagbibiro lang din naman ako" tumango lang ako


- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -


Sylphyn Ford's POV


Ohhh lupa bumuka ka ngayon din please, sarap palamon sa lupa. Akala ko kasi.... nevermind isa 'tong nakakahiyang pangyayari.

Pagkatapos namin mag breakfast nag shower ako then after nun umalis na kami para samahan siya bumili sa mall. Daig pa nito lumpo kailangan talaga may kasama? ano siya batang mawawala kapag umalis mag isa?

Pagkarating namin sa pinakamalapit na mall dumiretso kami sa department store tumingin siya sa men's section ng mga damit kaya hinayaan ko muna siya. Ako naman pumunta sa women's section, tumingin din ng damit para mawalan kahihiyan na meron ako ngayon.

Busy ako sa katitingin ng mga damit nang may maramdaman akong nakatingin sa gawi ko. Nagpalinga-linga ko at nakita ko ang isang lalaking nakatingin, no nakatitig to be specific. Gaya ng ginawa ko kay Damian dati nakipagtitigan din ako pero halos manghina ko sa takot.

"S-Sino k-ka?" nanginginig sa takot kong tanong

Sa bawat segundo na nakatitig ako sa kanya iba't-ibang imahe ang lumalabas sa utak ko. Mga imahe ng taong pinahirapan bago patayin, pinagsamantalahan, iba't-ibang nakakatakot na nilalang at ang huli ay ang imahe ng lalaking demonyo na nakangiti habang tila nakatitg sa kung kanino.

"TAMA NA!" sigaw ko habang nakahawak sa ulo ko

"TAMA NA PLEASE TUMIGIL KA NA!" nanginginig sa takot kong sabi. Sa sobrang panghihina ng tuhod ko hindi ko na kinaya at napaupo na ko sa sahig habang umiiyak

"A-Ano bang k-kailangan mo!?" tanong ko kahit wala namang sasagot

Naramdaman kong may humawak sa braso ko, sa sobrang takot at taranta ko naitulak ko siya.

"LUMAYO KA SAKIN WAG MO KONG HAWAKAN!" malakas kong sigaw

"Sylphyn huminahon ka!" sabi sa'kin ng isang tinig ng lalaki

Napaangat ako ng tingin at nakita siyang nag-aalala. Lumapit siya sa'kin at niyakap ako, hinayaan ko lang siya gawin yun hanggang sa kumalma ko.

"S-Sorry" sabi ko sa kanya nung kumalma na ko

"Ayos lang, mukang pagod ka na iuuwi na kita" tumango ako bilang sagot

Tinulungan niya kong tumayo. Habang naglakakad kami nangangatog ang mga tuhod ko.

"Can I hold your hand?" hingi niya ng permiso, tumango lang ako

Para kaming magkarelasyon, kikiligin na sana ko kung wala lang masamang nangyari sa'kin kanina.

Habang nagdridrive siya bigla siyang nagsalita na bumasag sa katahimikan namin.

"Pwede bang dumaan tayo saglit samin? may kukunin lang ako" tumango lang ako dahil tinatamad ako magsalita pakiramdam lalo kong manghihina kapag nagsalita ko kaya mas minabuti kong tumango nalang sa bawat tanong niya.

Pagkarating namin sa kanila sumama ko sa kanya hanggang sa kwarto niya kahit sinabi niya na mag stay nalang ako sa living room. Grabe epekto ng nakita ko nakakatrauma.

"Magpapalit lang ako saglit ng damit" paalam niya. Napatingin tuloy ako sa damit niya na may mantsa.

"Ito ba?" turo niya sa mantsa

"Nasagi ko yung babaeng may hawak ng milktea nung di mo sinasadyang maitulak ako" paliwanag niya

"S-Sorry" nakayuko kong paumanhin

"Hindi mo sinasadya ang nangyari kaya bakit ka nagsosorry?" nakita kong sumilay ang isang malawak na ngiti sa labi niya. Naghahallucinate na yata ko kasi sa unang pagkakataon nakita ko siyang ngumiti.

Dumiretso na siya sa may cr para magpalit ng damit. Ewan ko ba pero parang may kung anong nagtulak sa'kin at sundan siya. Nakita kong nakaawang yung pinto ng cr kaya naisipan kong sumilip.

Halos hindi na ko huminga sa nakita ko. Napatakip ako sa bibig ko at dahan-dahang napaatras. Tumakbo ko pababa... nagtuloy-tuloy ako sa pagtakbo hanggang sa may makita kong taxi na palabas ng village nila. Pinara ko yun at doon tinuloy ang pag-iyak.

I can't believe, siya yun? All this years nakakasama namin siya then one day malalaman ko na siya yun!?





A/N: Tingin mo sino yung kasama ni Sylphyn sa mall? at sino rin yung nakita niya na halos manghina siya sa takot? comment mo sagot mo

Binigyan ko na kayo ng clue na magkaibang tao yun.

Veracities (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon