Sylphyn Ford's POV
Tahimik lang kaming nanonood ni Winter sa laban nang biglang sa isang iglap may tumamang kidlat kay Ares. Napaupo siya sa lakas ng impact at halos manghina.
"Zeus" sambit ni Winter na nasa tabi kasabay ng pagyuko niya, ganon din ang ginawa ng mga kapatid niya pati ni Horae kaya nakiyuko ako bilang respeto
"Pinahirapan mo ang mga goddesses na mahuli ka Ares, nakakabilib ang iyong kakayahan ngunit sa maling paraan mo lang ginamit" sabi ni Zeus habang papalapit sa kanya
"Alam mo naman ang parusang nakapataw sayo dahil sa kataksilan mo?" wala kaming narinig miski kahit ano mula kay Ares
Itinapat ni Zeus ang palad niya sa harap ni Ares na hinang-hina na.
"AAAAHHHHHHH" daing niyang na mukang sobrang sakit ng ginawa sa kanya
"Ipatak mo na ang laman ng bote sa kanya" utos sa'kin ni Zeus
Tinanggal ko sa pagkakalagay sa kwintas ang boteng bigay niya. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila habang hawak ang bote at nanginginig sa kaba ang kamay ko.
Konti nalang malapit na ko nang agawin ni Winter ang maliit na boteng hawak ko.
"Ako na ang gagawa para sayo" seryoso niyang sabi
"Tumalikod ka Sylphyn" ayoko sana siyang sundin kaso natakot ako ng titigan niya ko gamit ang malamig niyang mga mata kaya wala kong nagawa kundi sundin siya
"AAAAAAAHHHHHHHH" sa pangalawang pagkakataon narinig ko na naman ang pagdaing ni Ares na sobrang nasasaktan
Aaminin kong nasasaktan ako sa nangyayari sa kanya pero ito ang tama. Naramdaman ko nalang ang pagpatak ng luha ko. Kahit naman naging masama siya, naging kaibigan pa rin namin siya.
Nang wala na kong marinig na daing humarap ako pero ibang muka ang nakita ko, ito yata talaga ang tunay niyang anyo. Siguro dahil wala na siyang kapangyarihan kaya nagbalik ulit ang tunay niyang anyo at nakita ko siya na parang lantang gulay.
"Salamat sa iyong tulong, huwag kang mag-alala magiging maayos ang inyong mundo sa pag-alis namin" sabi ni Zeus
"Horae, dalhin siya sa Olympus sumunod din kayong apat" sabi ni Zeus bago siya maglaho sa paningin namin
"Aalis na kami Sylphyn para mapatawan ng parusa si Ares sa Olympus" sabi ni Spring at sabay-sabay silang naglaho sa paningin ko kasabay ng muling paggalaw ng tao sa paligid ko
Napaupo ako muli sa bench na inupuan namin ni Winter kanina. Nakatulala lang ako habang pilit prinoproseso sa utak ko ang mga nangyari sa araw na 'to.
Sigurado na bang tapos na ang lahat? wala ng may balak manira at manakop sa mundo namin? Napabuntong hininga ko ng malalim.
"Lalim ah" napapitlag ako sa kinauupuan ko nang makita si Chlovis na nakaupo sa tabi ko
"Kanina ka pa?" tanong ko
"Hindi naman, kakarating lang" sagot niya
"Kanina ka pa hinahanap ng kapatid ko hindi ka daw pumasok sa klase niyo"
Napatingin ako sa wrist watch ko, first break na pala. Sa school kasi namin dalawa ang break time, first break at second break.
"Nung nalaman ko yun tumulong na rin ako sa paghahanap sayo"
Gusto kong kiligin at maging masaya dahil katabi ko ang taong matagal ko ng gusto pero hindi ko magawa.
"Pati nga daw si Damian hindi pumasok kaya baka magkasama raw kayo"
Nalungkot ako sa sinabi niya. Oo kasama ko siya kanina at ako rin ang dahilan ng hindi niya na pagbalik sa mundong 'to.
"H-Hindi, hindi kami magkasama" pagsisinungaling ko
"May nangyari ba? para kasing ang lungkot mo"
Umiling ako bilang sagot. Ayokong malaman niya kung anong nangyari tutal buburahin din naman alala namin kay Damian.
"Bumalik ka na sa room niyo baka mahuli ka sa klase mo" sabi ko sa kanya
"Paano ka?"
"Kaya kong mag isa Chlovis hindi ako lumpo" natawa siya sa naging sagot ko at ginulo ang buhok ko bago umalis
First time ko magcutting dapat pala mas dalasan ko, charot edi nakatikim ako ng matinding sermon sa parents ko.
Naisipan kong pumunta sa rooftop para tumalon, charot lang ulit syempre hindi naman ganon kaaning utak ko para gawin yun. Remember that life is a blessing. Wala kang karapatan kitilin ang buhay mo dahil hiram mo lang yan, make it memorable kahit na nahihirapan ka na sa buhay na meron ka, just always remember that there is one Person who is always ready to hear your thoughts whenever it's getting hard for you. Wag kang mawalan ng pag-asa at panghinaan ng loob.
Hindi ko namalayan na nakarating na pala ko sa rooftop. Mula sa kinatatayuan ko pinagmasdan ko ang kabuuan ng school at nilanghap ang hangin na humahaplos sa balat ko.
"Balita ko na nasa Olympus na raw si Ares" napahawak ako sa bakal na harang dahil sa kabang nararamdaman ko
Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko kahit hindi ko pa nakikita ang itsura ng lalaking nagsalita pero base sa presesensya niya alam kong may masama siyang balak sa'kin.
"Gusto mo ba itulak kita diyan para sumunod ka sa kanya? hahaha" pati tawa niya halatang pang kontrabida
Gusto kong lumingon para makita ang itsura niya pero natatakot ako.
"Pinagmamasdan ko kayo mula rito kanina pa. Nakita ko ring bumaba si Zeus mula sa Olympus"
What? kanina pa ko nagtataka kung sino siya, kilala niya sila Ares ibig sabihin ba nun kasabwat siya ni Ares?
"Sino ka ba?" feeling strong kong tanong
"Bakit hindi ka humarap sa'kin ganyan ba ang tamang asal na natutunan mo sa ilang taon mong pag-aaral?" ay wow ha nahiya ko bigla dun
Parang gusto ko biglang humarap tas sampalin siya.
"Sige kwekwentuhan nalang kita. Alam kong magkukusa ka ring malaman kung sino ako"
Buti hindi niya naisipang tumabi sa'kin. Nanatili lang siya sa likod ko at nag umpisa na mag kwento.
"Apat na taon na ang nakakalipas nung may isang pesteng nilalang ang humadlang sa plano ko. Pinatay niya ang mga alagad ko"
"Sayang hindi ka pa sinama" sabi ko sa isipan ko
"Kada taon may namamatay samin. Inisa-isa kami ng lintik na yun!" ramdam ko ang galit sa pagkwekwento niya
"Hanggang sa loob ng apat na taon ako nalang ang natira samin kaya nag isip ako ng bagong plano..." pa intense niya sa kwento
"Ang tapusin si Ares at ang lahat ng malapit sa kaniya kasunod ng pagsakop sa mundo niyo. Ang ganda ng plano ko di ba? hahaha" automatic na napalingon ako dahil sa sinabi niya
Halos manghina ko nung makita ko kung sino ang lalaking nasa harapan ko. Siya yung lalaking nakita ko sa department store. Ang lalaking bangungot ang dala sa oras na mapatingin ka sa mga mata niya.
A/N: Sa susunod na kabanata niyo malalaman kung sino ang lalaking kausap ni Sylphyn sa rooftop at kung anong klase siyang nilalang.
Binago ko ang character ng kausap ni Slyphyn, originally kasi si Lucifer yun saka ko lang napagtanto na bakit may fallen angel sa kwento kong 'to? sabog yata ko nung mga panahong sinulat ko 'to. Ang ginawa ko nag isip ako ng ibang character sa greek mythlogy na aakma sa description ni Lucifer na sinulat ko tapos ayun may sumakto naman.
Para sa mga hindi nakakaalam, ang kitilin ay other term ng patayin ayon sa dictionary pero narinig ko yan sa isang palabas dati sa GMA na hindi ko na maalala kung anong title kaya naisipan kong gamitin nung maalala ko.
BINABASA MO ANG
Veracities (COMPLETED)
FantasyUmpisa palang hinusgahan na siya pati ako na walang alam ay nadamay sa kahibangan nila. Hindi nila inalam muna ang katotohanan bago siya hinusgahan at pinatawan ng parusang kataksilan. Handa siyang magsakripisyo para sa kapayapaan ng dalawang mundon...