Chaper 2
Kinabukasan 4:30am pa lang gising na ako. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina.
"HAPPY BIRTHDAAAY!!!" nagulat ako dahil sabay-sabay pa sila Mama, Papa at Kuya sa pag-bati sakin. Hindi ako nakapag-salita agad, hindi ko naman kasi alam kung anong sasabihin ko kaya niyakap ko na lang sila isa-isa. Medyo nahiya tuloy ako, kahit lagi naman nila to ginagawa sakin tuwing birthday ko iba pa rin yung feeling ko ngayon, mas overwhelming...
"Magkape muna tayo bago maligo para may laman man lang ang mga sikmura natin." nag-lagay si Mama ng apat na baso at kutsara sa lamesa. Kumuha naman ng tinapay si Papa sa cabinet at inilagay din sa gitna ng mesa.
Nakakatuwa sila dahil alam kong excited at masaya din sila ngayong birthday ko. Sobrang swerte ko dahil buo ang pamilya ko. Kahit lagi akong nilalamangan at binubully ni Kuya, proud pa din ako na sya yung naging Kuya ko. Sobrang proud at pinag-mamalaki ko din sila Mama at Papa kasi kahit hindi kami mayaman, sinisikap pa din nila na magtrabaho para samin ni Kuya at mapag-aral kami sa isang magandang School. Kontento na ako dun basta masaya at buo kami. Hindi naman nabibili ng kahit anong kayamanan ang saya at kompletong pamilya.
Si Julie nga mayaman eh pero ampon lang siya at hindi nya alam kung sinong totoong mga magulang nya dahil baby pa lang sya yun na ang nag-alaga sa kanya at kinalakihan nya. Wala ding tumatayong tatay sa kanya dahil hindi naman nag-asawa yung umampon sa kanya. Silang dalawa lang ang magkasama sa bahay. Pero kahit hindi nya kadugo yun, tinuring nya pa din na parang tunay na nanay at tinuring din naman sya na parang tunay na anak. Kahit na ganun, swerte pa din sya.
Pagkatapos namin magkape, naligo na kami at nagbihis. Nagdress ako ng kulay pink at nagsuot ng sandals. Lumabas na ako ng kwarto at nakita ko sila Mama na palabas na din. 6am ang simula ng misa kaya kailangan na namin magmadali dahil 5:45am na. Sumakay na kami sa sasakyan na niregalo nila Lolo at Lola kay Papa nung kinasal sila ni Mama.
Sa passenger seat nakapwesto si Mama katabi ni Papa na nasa driver seat tapos magkatabi naman kami ni Kuya sa backseat. Naboboring ako sa byahe kaya naisipan kong kulitin si Kuya. Mukhang inaantok pa sya dahil nakasandal sya sa sandalan tapos nakapikit.
Alam ko na!
Hinawakan ko ang dulo ng buhok ko at sinundot ko sa ilong nya. Bigla syang napamulat at kinamot nya yung ilong nya. Hahahaha!
"Wala ka talagang magawa sa buhay mo. tsk" Lagoot! mukhang nagalit ata, parang pang-angry bird na yung kilay nya. "Sungit! Nireregla kana naman siguro."
"Ano tingin mo sakin? Babae?" Sagot nya habang nakakunot pa rin yung noo. "Ay hindi ba? hehe". Hindi na nya ako pinansin at sumandal na lang ulit sya sa sandalan at pumikit.
Ilang sandali pa tumigil na yung sasakyan, nag-park na pala si Papa sa gilid ng Simbahan. Bumaba na kami at pumasok sa loob. Medyo madami na ring tao pero hindi naman kami nahirapan mag-hanap ng mauupuan. May isang upuan pa sa may gitnang parte ng Simbahan kung saan kasya pa ang apat na tao. Pang-limang tao yung haba ng upuan pero may isang lalaki na nakaupo kaya sakto lang yung space kahit tabi-tabi kaming apat na uupo dun. Habang pumupwesto kami sa upuan, biglang lumingon yung lalaki sa samin at nagulat ako nang makilala ko kung sino sya.
Si Francis.
Nakatingin lang sya samin hanggang sa makaupo kami... Katabi ko si Francis sa kanan ko tapos nasa kaliwa ko si Kuya habang katabi naman nya si Mama tapos si Papa.
"Happy Birthday." Nilingon ko sya at nag-thank you.
Nag-smile lang sya at binalik na nya yung tingin nya sa altar. Maya-maya biglang tumunog yung kampana, senyales na mag-uumpisa na ang misa.
BINABASA MO ANG
Mulat
Teen FictionKabataan ang pag-asa ng bayan. Pero bakit sa panahon ngayon, kabataan mismo ang sumisira ng kanilang kinabukasan? Paano mapapatunayan ng mga tauhan sa kwentong ito na totoo ang sinabi ni Dr. Jose Rizal na "Ang Kabataan ang pag-asa ng bayan." [Cover...