Chapter 7

41 7 0
                                    

Chapter 7

'Pwede ba kita ligawan?'

Paulit-ulit ko naririnig sa utak ko ang tanong na 'yan. Hindi talaga ako makapaniwala na may gusto nga sa'kin si Francis. Akala ko imposible mangyari 'yon pero ngayon, heto siya sa harap ko at tinatanong ako kung pwede niya ako ligawan.

Antagal ko pa nag-isip ng isasagot ko. Papayag ba ako ba o hindi?. Pero wala naman kasing masama kung papayagan ko siya.

Kung ako naman ang tatanungin kung gusto ko rin ba siya, siguro bilang kaibigan pa lang muna sa ngayon. Pero alam ko sa sarili ko na hindi imposibleng magkagusto rin ako sa kaniya. Mabait naman siya eh.

"Sa ayaw mo at sa hindi, liligawan pa rin kita." nagulat ako sa sunod niyang sinabi. Pagtingin ko sa kaniya, nakita kong nakangiti siya sa'kin. Kaya agad rin akong napaiwas ng tingin.

Hindi na ako nakapagsalita. Sobrang speechless na ako sa mga oras na'to. Hindi ako makagalaw at hindi ko na rin alam ang sasabihin ko.

"Tara na. Malapit na mag 11. Hatid na kita" tumayo na siya sa swing kaya naman napatingala ako sa kaniya. Ilang segundo pa akong nakatingin sa kaniya bago magsink in sa utak ko na uuwi na kami.

"Ay. Oo sige." tumayo na rin ako mula sa pagkakaupo at sabay na kaming naglakad papunta sa gilid ng park kung saan niya ipinarada ang motor niya kanina.

Sumakay na siya at binuhay iyon. Umaangkas na ako sa likod niya pagkatapos ay pinaandar na niya ang motor.

Habang nasa daan, walang umiimik sa amin. Siguro naiilang na rin siya.

Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa tapat ng gate namin. Bumaba na ako sa motor at kahit nahihiya, nagpasalamat pa rin ako sa kaniya sa paghatid sa'kin. Mas nakakahiya naman kung basta na lang akong papasok nang hindi man lang nagpapasalamat sa kaniya.

"Salamat. Pati sa treat. Yaan mo next time ako naman ang magtitreat." kinakabahan man pero pinilit ko pa ring ngumiti sa kaniya.

"Maliit na bagay lang 'yon. Kulang pa nga eh. Sige, mauna na ako."

"Ingat!" tumango lang siya saka pinaharurot ang motor niya paalis.

Napahawak ako sa dibdib ko. Sobrang lakas ng kabog. Medyo nanginginig din ang kamay ko. Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Siguro kailangan ko na paghandaan. Dahil alam kong pagdadaanan at pagdadaanan ko talaga 'to.

"Pag-ibig ang nagbibigay kasiyahan sa tao. Ngunit pag-ibig din ang magdadala sa'yo sa sakit at kalungkutan balang araw. Dahil sakit ang kakambal ng pagmamahal."

Napalingon ako sa likod ko kung saan nanggaling ang boses. Pero laking gulat ko nang makita ko yung matandang nagbigay kilabot sa akin noong birthday ko.

"L-lola.?"

Gusto kong tumakbo pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Tanghaling tapat tapos tinatakot niya ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto ko sanang intindihin ang sinabi niya pero pinangungunahan ako ng takot.

"Oh, huwag ka matakot. Hindi ako multo." nabawasan yung nararamdaman kong takot nang bigla siyang ngumiti. Pero hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

"Jestine!"

Napalingon ako sa loob ng gate namin nang marinig ko ang pagtawag ni Mama. Nakabukas naman ng konti yung gate kaya natanaw ko siya mula dito sa labas na nakatingin sa'kin habang nakatayo sa terrace namin.

"Ano pang ginagawa mo diyan? Pumasok kana dito!" tinanguan ko lang siya saka ibinalik ang tingin ko kay Lola na nasa harap ko pa rin.

"A-ah, s-sige po L-lola. Pasok na po a-ako."

MulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon