Chapter 4
Pagdating ko sa bahay, walang tao. Nagbabaon kasi ng kanin at ulam sina Mama at Papa sa trabaho nila. Si Kuya wala pa rin pero nabuksan ko naman ang bahay dahil lahat kami ay may kanya-kanyang duplicate ng susi.
Pumunta muna ako sa kwarto ko para magpalit ng damit. Pagkatapos ko magbihis ay dumiretso ako sa kusina para kumuha ng kanin at ulam. Buti na lang at may natira pa kaming pagkain kaninang umaga. Hindi ko na kailangan magluto. Kasya naman pa naman to para sa aming dalawa ni Kuya. Kaya lang baka mamaya pa ang uwi nun kasi baka may training din sila ng basketball.
Nang makakuha ako ng pagkain, pumunta ako sa sala tapos binuksan ko ang t.v, anti-boring na rin.
Pagbukas ng t.v ay saktong may Breaking News
"Megathrone patuloy na nakikilala ng masa dahil sa galing sa pagtugtog at pagkanta. Proud naman ang ama ng leader ng nasabing grupo na si Mayor Reymundo Cariaga sa kanyang anak na si Troy dahil nagagawa nitong pagsabayin ang pag-aaral at pagtugtog. Samantalang ipinagmamalaki naman ni Troy Cariaga ang kanyang ama na kasalukuyang Alcade Mayor ng Sta. Claridel dahil kahit marami raw ginagawa ang kanyang Daddy para mapanatiling maayos ang bayan ng Sta. Claridel ay hindi pa rin ito nawawalan ng oras sa kanilang pamilya." Sabi nung reporter habang nakaflash sa monitor sa likod nya ang picture nina Mayor Reymundo at Troy Cariaga.
Nako! Siguradong nanunuod din ng t.v ngayon si Elle at malamang nangingisay na yun sa kilig ngayon. Idol na idol nya kasi si Troy tsaka crush na crush nya din. Yun kasi ang leader ng favorite boyband nya na Megathrone na konti na lang ay halos sambahin na nya. Anak naman si Troy ng Mayor dito sa lugar namin kaya taga dito lang din sina Troy.
Naghanap ako ng palabas sa ibang channel pero wala akong nagustuhan kaya naman pagkatapos ko kumain ay pinatay ko na yung t.v at hinugasan ko na agad yung pinagkainan ko saka pumunta sa kwarto ko para umidlip muna...
★★★
Nagising ako dahil sa lakas ng ringtone ng cellphone ko... Kinuha ko ito sa ibabaw ng study table na nasa tabi ng kama ko, pagtingin ko tumatawag si Julie.
"Hello?"
[Beeeeeees?! Nasaan ka????!!!]
"Makasigaw ka naman diyan kala mo wala ng bukas. Nandito ako sa bahay. Bakit ba?"
[Magbihis kana. Pupunta kami diyan ngayon, susunduin ka namin. Diba nga sasamahan natin si Elle manood ng show ng idol nya.]
Napabangon ako dahil sa sinabi nya. Halaa! Anong oras na ba. Nawala sa alaala ko na may pupuntahan nga pala kami.
"Sige mag-aayos na ako."
[Okay. Byeeeeeee]
Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa c.r saka naghilamos. Pagbalik ko sa kwarto agad akong nagbihis. Black blouse and maong pants ang sinuot ko tapos doll shoes na kulay gray. Naglagay lang ako ng konting powder sa mukha tsaka konting liptint, magmukha lang fresh. Hehe!
Maya-maya pa may narinig akong tumigil na motor sa harap ng bahay namin. Nandyan na sila. Nagmadali akong lumabas ng kwarto dala ang pouch ko. Wala pa rin si Kuya. Dapat nandito na yun dahil 5:00pm na. 3:00pm naman natatapos ang training nila. Baka naglakwartsa pa yun.
Lumabas na ako ng bahay at nilock ang pinto. Nakita ko naman sila na nag-aabang sa may gate namin kaya lumapit ako sa kanila at tiningnan ko kung kaninong motor ang may space pa at pwede angkasan. Tatlo yung dala nilang motor, tig iisa sina Francis, Kinley tsaka Christian.
Napakunot yung noo ko nang makitang kasama pala ni Christian yung girlfriend nya, si Vina. Pero kahit na kasama yung girlfriend ni Christian, nakaangkas pa rin si Elle sa kanya kaya tatlo sila sa motor. Tapos kay Kinley naman nakaangkas si Julie at Alvin. Yung kay Francis lang ang may space.
BINABASA MO ANG
Mulat
Teen FictionKabataan ang pag-asa ng bayan. Pero bakit sa panahon ngayon, kabataan mismo ang sumisira ng kanilang kinabukasan? Paano mapapatunayan ng mga tauhan sa kwentong ito na totoo ang sinabi ni Dr. Jose Rizal na "Ang Kabataan ang pag-asa ng bayan." [Cover...