Chapter 6
"Gustuhin ko man, natatakot ako. Baka mamaya pamilya ko yung balikan nila." seryosong sagot ni Kuya.
Buti naman naisip niya yun. Yun din yung kanina ko pa iniisip. Sa totoo lang, kahit ako gusto ko ring tulungan sila na mahanap yung hustisya pero syempre, kailangan ko rin isipin yung kaligtasan ko at ng pamilya ko. Tsaka isa pa, hindi naman kami kasali dun. Ayoko namang masangkot sa gulo.
"Sabagay. Tama ka dun." saad ni Kian. Hindi na ako nag-salita at nakinig na lang sa mga usapan nila. "Pero alam mo, nakakabilib yung mga bayani na nagbuwis ng sariling buhay para sa kalayaan ng Pilipinas at kaligtasan ng ibang tao." dugtong ni Kian.
"Nakakabilib nga sila pero hindi na yun uso sa panahon ngayon. Duwag na ang mga tao. Sige sabihin na nating duwag din ako kasi ayoko maging witness. Pero kailangan ko unahing isipin ang kaligtasan ko."
Bahagya lang na tumango yung dalawa. Wala nang nagsalita sa amin hanggang sa tumawid kami sa crossing at magpaalam si Kian.
"Sige pre dito na kami. Jestine" paalam ni Kian. Tumango lang kami ni Kuya bilang sagot. Lumiko na siya pakaliwa. Nakasunod lang sa kaniya si Neil. Doon kasi ang daan papunta sa mga bahay nila.
"Kuya buti naman wala kang balak maging witness" saglit siyang napatingin sa'kin at tumango. "Baka mamaya ako pa gahasain nila eh" ano daw? Hahaha feeling yummy.
"Hindi ka nila trip. Yuck!" gusto ko sana siyang tawanan kaya lang binatukan niya ako. Kainis!
Nang makarating kami sa bahay, agad akong nagpalit ng damit. Sakto namang napatingin ako sa kamay ko at nakita ko ang bracelet na suot ko. Ito yung nakita ko kagabi sa loob ng mall. Hinubad ko muna saka ko itinago sa cabinet ng study table ko dito sa kwarto.
Kinuha ko yung cellphone ko na nasa loob ng bag ko pagkatapos ay humiga ako sa kama. Nagpatugtog ako ng music bago pumikit. Naalala ko, andaming nangyari ngayong araw pero ayoko muna isipin ang mga yun. Yung Schoolmate namin na namatay tsaka yung mga sinabi ni Julie about kay Francis. Ayoko mag-assume na may gusto nga siya sa'kin. Kung meron nga, edi meron. Hahaha
★★★
Nagising ako dahil sa malakas na katok sa pintuan. Dali-dali akong bumangon para pagbuksan kung sino yung kumakatok. Pagbukas ko, nakita ko si Mama. Nakauwi na pala siya.
"Hapon na. Lumabas kana diyan, may meryenda dun" umalis din agad siya pagkasabi niya nun.
Bumalik ako sa kama para kunin yung cellphone ko. Pagtingin ko sa oras, 5:00pm na pala. Hindi ko namalayang nakatulog ako.
Lumabas na ako ng kwarto saka dumiretso sa salas. Nakita kong kumakain na si Kuya ng pancit palabok at tinapay. May juice rin na nakapatong sa maliit na mesa. "San galing 'to?" tanong ko kay Kuya nang makalapit ako sa kaniya.
"Niluto ni Mama. Patulog-tulog ka eh." tugon niya habang busy sa pagkain ng tinapay na pinalamanan niya ng palabok. Ano kaya lasa nun? Alam kong pwede ipalaman ang pancit sa tinapay pero hindi ko pa natry ipalaman ang pancit palabok.
Hindi na ako nagsalita. Kinuha ko na lang yung malinis na platito na nakapatong rin sa lamesa saka nilagyan ng palabok. Kakain na nga lang din ako.
Maya-maya pa, narinig ko ang pagtigil ng sasakyan sa labas ng bahay. Nandiyan na si Papa.
Sabay kaming napalingon ni Kuya sa pintuan nang pumasok si Papa. "Kain po." narinig kong sabi ni Kuya. Tumango si Papa bago nagsalita. "Magbibihis lang ako." saka siya diretsong pumasok sa kwarto nila ni Mama. Mukhang hindi na siya galit.
Lumabas si Mama galing sa kusina. "Nasaan ang Papa niyo?" tanong ni Mama tapos umupo siya sa tabi ko.
"Nagbibihis Ma"
BINABASA MO ANG
Mulat
Teen FictionKabataan ang pag-asa ng bayan. Pero bakit sa panahon ngayon, kabataan mismo ang sumisira ng kanilang kinabukasan? Paano mapapatunayan ng mga tauhan sa kwentong ito na totoo ang sinabi ni Dr. Jose Rizal na "Ang Kabataan ang pag-asa ng bayan." [Cover...