Chapter 8
6:00pm na nang dumating si Francis sa bahay kasama sina Christian, Julie, Elle at Kinley. Hindi sumama si Alvin dahil may pupuntahan daw sila ng Mama niya.
Nakakatouch nga eh dahil sila pa talaga yung nagpaalam kina Mama at Papa para sa'kin tapos etong si Francis nagmano pa sa parents ko pagpasok niya sa loob ng bahay namin.
Lalo tuloy akong inasar ni Kuya pati mga kaibigan ko tapos nalaman na rin nila na nanliligaw sa'kin si Francis. Okay lang naman daw sa kanila kasi 18 naman na ako tsaka wag daw pababayaan ang pag-aaral.
Pero bago kami umalis, napag-usapan pa nila yung tungkol kay ka-ando, yung lalaking natokhang. Nakatira pala siya malapit lang sa street namin. Sabi ni Papa pangalawang kaso na raw yun dito sa Sta. Claridel tungkol sa oplan tokhang kaya sinabihan niya kami na mag-ingat.
Sinabi niya rin na posibleng nandito lang din daw sa lugar namin yung nagsusupply ng mga pinagbabawal na gamot at isa yun sa iniimbestigahan ng mga pulis ngayon.
"Beshy!" natauhan ako nang sigawan ako ni Julie sa tenga. Nakaupo kami ngayon sa gilid ng plaza. 6pm pa lang at hindi pa raw bukas ang peryahan kaya tumambay muna kami rito.
"Bakit?" tiningnan ko siya na nasa tabi ko lang at napansin kong lahat pala sila nakatingin na sa'kin.
"Kelan mo raw sasagutin si Francis?" si Kinley naman yung nagtanong at dahil dun napaisip ako kung kelan ko nga ba siya sasagutin.
"Uhm secret na muna. Para surprise. hehe" yan na lang ang nasabi ko dahil bukod sa wala akong maisip na isasagot, hindi ko pa rin talaga alam kung kelan ko nga ba talaga siya sasagutin.
"Nice answer." mahinang sabi ni Francis dahilan para mapalingon ako sa kaniya na nasa kaliwa ko naman nakaupo. Nakatingin siya sa'kin habang nakangiti kaya napaiwas agad ako ng tingin.
Mukhang narinig ni Kinley yung sinabi ni Francis dahil napansin kong napatingin din siya sa direksyon namin sabay ngumiti ng nakakaloko.
"Woy dapat kasama kami pag nagsurprise ka ha!" natawa naman ako sinabi ni Elle. Kala mo naman magsusurprise ako ng magbibirthday kung makasigaw eh. Hahaha
Napalakas ata yung pagkakasigaw niya at nagtawanan na lang kami dahil pati yung mga taong nakatambay din dito sa Plaza ay napatingin sa'min kaya napapeace na lang si Elle.
"Ang ingay mo kasi. Mana kana kay Julie." sabi ni Kinley habang nakatingin kay Elle.
"Adik kasi 'yan. Hahaha Kaya wag na tayong magtaka kung isang araw mabalitaan na lang natin na natokhang na yang kaibigan natin." natatawa namang sabi ni Julie.
"Kaya wag kayong didikit diyan baka lagyan niya kayo ng shabu sa bulsa."
"Hoy Kinley, mas mukha kang adik kesa sa'kin. Wag ka!" sabay hampas ni Elle kay Kinley kaya nagtawanan na naman kaming lahat pero napatigil ako nang mahagip ng mata ko ang isang babaeng seryosong nakatingin sa amin mula sa di kalayuan.
Parang pamilyar sa'kin yung itsura niya. Feeling ko nakita ko na siya. Hindi ko lang matandaan kung saan at kelan. Medyo naweirduhan ako sa kaniya dahil hindi niya pa rin inaalis yung tingin niya sa'min kahit nakita naman na niyang tumingin din ako sa kaniya.
Inalis ko na lang yung tingin ko sa kaniya at ibinaling sa ibang direksyon dahil parang ready pa siya makipagtitigan sa'kin. Sakto namang napatingin ako kay Christian na busy sa pagkulikot ng cellphone niya. Pero napansin kong mukhang hindi siya okay dahil ang lungkot ng awra niya.
Tatayo na sana ako para lapitan siya pero nagulat ako nung hinawakan ni Francis yung kamay ko kaya naman napalingon ako sa kaniya.
"Saan ka?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
Mulat
Teen FictionKabataan ang pag-asa ng bayan. Pero bakit sa panahon ngayon, kabataan mismo ang sumisira ng kanilang kinabukasan? Paano mapapatunayan ng mga tauhan sa kwentong ito na totoo ang sinabi ni Dr. Jose Rizal na "Ang Kabataan ang pag-asa ng bayan." [Cover...