Chapter 10
"Naka move on na yan oh! Naka move on na. Yiiieee!" nagtawanan kami dahil sa mga pinagsasabi ni Julie kay Christian habang nakaturo sa mukha nito.
Maging si Christian ay nakikitawa rin. "Edi wow. Palibhasa single at walang experience. Hahaha"
"Wag niyo bullyhin, baka umiyak pa 'yan eh. Hirap pa mandin matahanin." natatawang sabi ni Elle kaya lalo kaming natawa. Pati yung mga classmates namin na nakikinig sa mga asaran namin nakikitawa na rin.
Sa aming anim, si Elle yung madalas magcomfort kay Christian. Dinadamayan din naman namin siya, binibigyan ng advice. Pero kasi si Elle yung lagi niyang nakakasama. Lagi siyang kinakausap ni Elle, mapasatext o sa personal. Pinaparamdam niya talaga kay Christian na may kaibigan siya at hindi nag-iisa.
"Oo nga. Iyakin 'yan eh! Kalain mong nasa labas ng School tapos umiiyak." binato ni Christian ng panyo si Kinley sa mukha saka tumawa.
"Patawa ka!" sagot naman ni Christian. Napatigil kami sa pagtawa nang biglang may nagsalita.
"Pumunta na kayo sa gymnasium, baka maubusan pa kayo ng upuan." sabi ni Sir Randy habang nakasilip sa classroom namin pero agad ding umalis pagkatapos niyang magsalita.
Katatapos lang ng flag ceremony pero imbes na dumiretso agad kami sa gym, tumambay muna kami dito sa room namin.
Hindi pa naman daw kasi magsisimula agad yung symposium at maiinip lang kami dun kaya dito muna kami dumiretso.
Pero dahil sinabihan na kami ng isang teacher, nagsitayuan na ang mga kaklase ko para pumunta ng gym. Nagsabay-sabay naman kaming magtotropa sa paglalakad.
Habang naglalakad kami sa hallway papuntang gym, hindi ko mapigilang matawa dahil kinukulit ako ni Francis.
"Woy!" panay pa ang kalbit tapos kapag lilingunin ko naman tatawa lang siya kaya pati tuloy ako natatawa na rin.
"Bakit?" natatawang tanong ko.
"Wala. Hahaha" hindi ko siya pinansin at tumingin na lang ako ng diretso sa nilalakaran namin.
Maya-maya kinalbit na naman niya ako. Medyo nauuna kasi ako sa kaniya sa paglalakad kaya nasa may bandang likuran ko siya.
"Kanina kapa ha. Haha" sabi ko matapos kong lumingon sa kaniya.
"Gusto mo hanggang mamaya pa eh. Hahaha" binilisan niya ang lakad niya para makasabay sa'kin at nung magkatabi na kami, umakbay siya sa'kin kaya medyo nailang na naman ako.
"Pansinin mo kasi." tugon ni Julie na may halong pang-aasar.
"Pinapansin ko naman ah! Tinatawanan lang naman ako."
"HAHAHAHAHA!"
"See?" sabi ko habang nakaturo pa sa mukha ni Francis.
"Kinikilig lang 'yan. HAHAHAHA" nagulat ako sa biglang pagsingit ni Alvin. Nasa tabi na pala namin siya.
Tinignan ko naman si Francis at halatang nagpipigil siya ng tawa. Hahahaha Gusto ko sana siyang tawanan ng malakas kaso nasa gym na kami. Naupo kami sa bandang dulo ng bleacher sa may taas kung saan bakante pa.
Marami na ring estudyante ang nandito pero ang karamihan ay may mga sariling upuan na kaya yung bench na lang ang may bakante.
"Wala pa yung magsasalita?" tanong ni Christian.
"Nandiyan na ata. May mga bodyguards na akong nakita kanina eh." sagot naman ni Elle sa kaniya.
May mga tao naman na sa harap na nag-aayos nung projector na gagamitin at mukhang parating na rin yung mga magsasalita. Sabi ni Kuya Jelo, si Mayor Cariaga raw yung magsasalita.
BINABASA MO ANG
Mulat
Teen FictionKabataan ang pag-asa ng bayan. Pero bakit sa panahon ngayon, kabataan mismo ang sumisira ng kanilang kinabukasan? Paano mapapatunayan ng mga tauhan sa kwentong ito na totoo ang sinabi ni Dr. Jose Rizal na "Ang Kabataan ang pag-asa ng bayan." [Cover...