Chapter 16 part 1

11 1 0
                                    

Chapter 16

Anong oras na pero hindi pa rin ako natutulog. Kachat ko pa si Gio at kinukulit ko siyang sabihin na kung man yung sasabihin niya dahil wala na akong balak makipagkita sa kaniya. Hindi siya ligtas na tao kaya bakit ko siya imemeet?

Me:
'Ano bang mapapala ko kapag nakipagkita ako sa'yo?'

Gio Bonifacio
'Malaking bagay! Bakit ba kasi ayaw mo? Kailangan mo yun, maniwala ka!'

Me:
'Kailangan mo mukha mo! Bakit kasi hindi mo na lang sabihin ngayon, ano ba yun?!'

Kahit sa chat lang kami nag-uusap, feeling ko nag-sisigawan na din kami dahil sa punctuation mark. Nakakaasar kasi, pwede namang ngayon na niya sabihin.

Gio Bonifacio
'Isa 'tong babala.'

Napatigil ako sa huling reply niya. Biglang kumabog ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan. Anong babala ang sinasabi niya?

Me:
'Ano?'

Gio Bonifacio
'Sige. Ganito na lang, bakit ayaw mo makipagkita?'

Didiretsuhin ko na nga 'to nang hindi na humaba pa ang usapan.

Me:
'Kasi kamag-anak mo yung Vice Mayor. Akala mo hindi ko malalaman? Eh parehas kayong Bonifacio. Nasan siya? Ayun nakakulong dahil sa droga tapos ngayon gusto mong makipagkita ako sa'yo? Malay ko ba kung anong balak mong gawin sa'kin.'

Halos 5 minutes ang lumipas bago siya nagreply.

Gio Bonifacio
'Kamag-anak ko nga siya. Pero hindi ibig-sabihin nun na may balak na akong masama sa'yo. Para sa'yo rin 'to tsaka... Para sa Papa mo.

Lalong nadagdagan ang kabang nararamdaman ko sa huling sinabi niya. Paano nasali si Papa sa usapan? May alam kaya 'to na dapat kong malaman? Kahit kinakabahan, pilit kong pinakalma ang sarili ko para makapagreply ako sa kaniya nang maayos.

Me:
'Anong kinalaman ng Papa ko rito?'

Gio Bonifacio
'Basta'

Me:
'Ano nga? Bakit kasi hindi mo pa sabihin ngayon???'

Napipikon na ako dahil kanina ko pa siya tinatanong kung bakit hindi niya pa sabihin ngayon. Sasabihin din naman. Nakakasar!

Gio Bonifacio
'Hindi pwede dito. Delikado.'

Me:
'Paano naging delikado?'

Gio Bonifacio
'Hindi natin masasabi pero anytime pwedeng mabuksan ng iba 'tong account natin, uso hacker ngayon at pwede nilang malaman lahat ng impormasyong ibibigay ko sa'yo na hindi dapat malaman ng iba. 'Wag kang mag-alala dahil wala naman akong balak na masama. Kung gusto mo magsama kapa.'

Me:
'Bahala na, pag-iisipan ko.'

Hindi ko na hinintay ang reply niya at naglog-out na ako. Naiinis ako sa mga pinag-sasabi niya. Mala-telenobela ba ang sasabihin niya at kailangan sa personal pa talaga? Eh kung ayaw ko nga. Hays! Bahala nga siya. Umayos na lang ako ng higa at natulog na.

***
Kinabukasan. Pagpasok ko ng classroom, agad si Francis ang hinanap ng mga mata ko pero nadismaya ako nang makitang wala siya sa upuan niya. Hinanap ko yung mga kagrupo niya sa thesis pero wala rin pati si Julie. Absent ang buong grupo nila. Ano naman kayang naisipan ng mga yun at buong grupo talaga silang hindi pumasok.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa saka nagtype ng message para kay Francis.

Compose Message
'Love??? Bakit hindi kayo pumasok?'
sent

Hinintay ko ang reply niya pero halos 20minutes na nakakalipas at wala pa rin siyang reply kaya nagtype na lang ulit ako ng message.

Compose Message
'Sige Love, sasabihin ko na lang sa'yo kung may activity at assignments na ipapapagawa ang mga teachers.'
sent

MulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon