Chapter 5
Ibig-sabihin, maaaring kasama si Kuya sa kinuwento ni Francis kanina.
"Ano ba kasi ang naisip niyo at sumuot kayo sa eskinita na iyon? Alam niyo namang delikado eh. tsk tsk!" sabi ni Mama habang...
Nililinisan ang sugat ni Kuya sa braso. Bigla akong nag-alala nang makita ko ang itsura ni Kuya. Meron siyang malaking sugat sa braso. Hindi ko naman magawang magtanong dahil natatakot ako magsalita lalo na't galit si Papa at ang talim ng tingin niya sa'min ni Kuya.
"G-gusto lang po namin tulungan yung babae." mahinang sagot ni Kuya. "TULUNGAN?! O GUSTO NIYO LANG TALAGA MAPAHAMAK?! TINGNAN MO NGA AT MUNTIK KANA MAMATAY." galit na tugon ni Papa.
Naiintindihan ko naman kung bakit ganyan siya kagalit, sobrang nag-alala lang talaga siya sa aming dalawa ni Kuya. Tapos hindi pa ako nakapag-paalam kanina.
"Pero pa! Delikado talaga yung buhay nung babae. Paniguradong gagahasain siya nung mga lalaking kumakaladkad sa kaniya. Tapos Ma? Pa? nung nasa likod na kami ng mall, yung part na madamo. Aksidenteng nahila nung babae yung bonet nung isang lalaki. Nakita namin yung mukha niya!"
Dahil sa sinabi ni Kuya, lalong nagalit ang itsura ni Papa. "TUMIGIL KA! ANG BUHAY NIYO ANG DELIKADO DAHIL SA MGA KALOKOHAN NYO!" napayuko na lang si Kuya nang biglang sumigaw ulit si Papa.
"Dahil sa ginawa niyong magkapatid, grounded kayong dalawa. Walang gagala. Pagkatapos ng klase, uwi agad. Ang hindi sumunod, walang allowance ng dalawang linggo!" umalis na si Papa pagkatapos niya sabihin iyon at pumasok na siya sa kwarto nila ni Mama.
"Bahala na kayong dalawa dito ha! Sundin niyo ang sinabi ng Papa niyo dahil para sa inyo rin iyon. Magpaalam kung may importanteng pupuntahan, diba Jestine?" napatingin ako kay Mama nang banggitin niya ang pangalan ko. Dahan-dahan na lang akong napatango. Hindi ko rin naman kasi alam kung anong sasabihin ko.
Tumayo na si Mama at sumunod na kay Papa sa kwarto nila. "Siguro gagawa sila ng kapatid natin." napangiwi ako sa sinabi ni Kuya. Dali-dali akong lumapit sa kaniya at agad na umupo sa upuan na nasa tabi niya na inupuan kanina ni Mama.
"Anong nangyari sayo? Bakit may sugat ka? Napano yan?" hindi ko na napigilan magtanong. Gusto kong malaman kung ano ba talaga nangyari sa kaniya.
"Chill! Sunod-sunod ang tanong mo eh. Pwede isa-isa lang?" reklamo niya. Napahinga ako ng malalim tapos sinamaan ko siya ng tingin. Nakakainis eh, daming satsat. Hindi na lang sagutin yung mga tanong ko. Napansin niya ata sa ekspresyon ng mukha ko ang pagkairita kaya biglang sumeryoso yung mukha niya at huminga muna siya ng malalim bago nagsalita...
"Ano bang gusto mo malaman?" seryoso niyang tanong. "Lahat. Gusto ko malaman lahat ng nangyari. Simulan mo sa umpisa, bakit nandun ka?" nagtataka kong tanong. Tumingala siya ng bahagya sa kisame na para bang iniisip kung saan niya sisimulan ang kwento.
"Pumunta rin ako sa mall para manuod din sana ng show, kasama ko sina Kian at Neil. Nag-usap usap kasi kaming tatlo na doon na kami magkikita after ng training ko. Ka--" hindi niya natapos ang sasabihin niya nang bigla akong magsalita.
"Umuwi kaba kanina?" ibinalik niya ang tingin niya sa'kin saka umiling. "Sa School ako kumain ng lunch. Kasi nga may training pa kami."
Napatango na lang ako. Oo nga pala, hindi naman basketball player yung mga kaibigan niya kasi mga volleyball player yung mga yun. "Sige tuloy mo na yung kwento. Hehe"
"Kaso wala pang isang oras na nagpeperform yung banda, lumabas na kami kasi nakakabagot na. Tumambay muna kami sa isang food court na malapit lang din sa mall tapos after namin kumain, pumunta kami sa bilyaran na katabi lang nung food court. Halos dalawang oras din kami tumambay dun. Hindi naman kami naglaro eh. Hanggang sa may pumasok na isang lalaki na kakilala nung isang naglalaro. Sinabi niyang nagkakagulo raw sa labas. Nacurious kaming tatlo kaya agad kaming lumabas para malaman kung anong nangyayari..." napatigil siya sa pagsasalita nang biglang tumunog yung phone ko.
BINABASA MO ANG
Mulat
Teen FictionKabataan ang pag-asa ng bayan. Pero bakit sa panahon ngayon, kabataan mismo ang sumisira ng kanilang kinabukasan? Paano mapapatunayan ng mga tauhan sa kwentong ito na totoo ang sinabi ni Dr. Jose Rizal na "Ang Kabataan ang pag-asa ng bayan." [Cover...