Chapter 15
Halos dalawang linggo na ang lumipas simula nung umpisahan naming gumawa ng thesis. Bawat content kasi nun ay kailangan namin ipacheck sa adviser namin at kapag may mali, kailangan namin ulitin.
Bukod sa thesis, marami pa kaming requirements na kailangan asikasuhin at ayusin dahil mga graduating students na kami. Bihira na lang tuloy kami nagkakasama-sama ng mga kaibigan ko dahil pare-parehas kaming maraming gawain.
Nakakausap ko naman si Francis pero hindi na ganun kadalas. Minsan na lang niya ako maihatid kapag uwian dahil kadalasan, gagawa pa kami ng thesis sa bahay ng mga kagrupo namin. Minsan sa bahay namin kami gumagawa kaya madalas, yung mga kagrupo namin ang kasama namin.
Kapag sa gabi naman, minsan ko na lang din siya makatext at makatawagan dahil pagkauwi ko o pagkauwi niya, magpapahinga lang ng konti at kakain tapos matutulog na.
Halos dalawang linggo na lang din, Christmas Party na namin. Sobrang bilis lumipas ng panahon, hindi ko rin maisip na isang buwan na pala kami ni Francis bilang magboyfriend and girlfriend.
Kaya ngayon, naghahanda na ako dahil pupuntahan ko siya. Sunday naman, walang pasok kaya may time kami ngayon. Hehe Baka nga tulog pa yun ngayon eh dahil tumawag pa siya kaninang exact 12am para batiin ako.
December 5 pa dapat ang monthsary namin which is sa wednesday kasi first day ng second sem naging kami at november 5 yun pero sinabi ko kay Francis na ngayon na namin icelebrate kahit december 2 pa lang para walang pasok kasi linggo naman ngayon. Pero ang totoo, pupuntahan ko nga siya sa kanila kaya ko sinabi na ngayon na kami magcelebrate.
Pagkatapos ko mag-intindi, lumabas na ako ng kwarto at nagpaalam kay Mama. Silang dalawa lang ni Kuya ang maiiwan dito ngayon sa bahay dahil maagang umalis si Papa kahit linggo naman ngayon.
"Anong oras ka uuwi?"
"Baka po before lunch or after lunch."
"Sige. Mag-iingat ka ha." tumango lang ako at nagpaalam na saka lumabas ng bahay.
Sa mall muna ako dumiretso. Maghahanap pa ako ng pwede iregalo sa kaniya. Dapat yung magagamit niya at kailangan talaga.
Habang nag-iikot ako sa palibot ng mall, nag-iisip din ako kung anong bibilihin ko. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid hanggang sa nahagip ng mata ko yung mga nakasabit na sumbrero sa isang tindahan. Lumapit ako doon saka tiningnan isa-isa yung mga cap. Naisip kong lagi naman siyang nakamotor at mainit ang panahon kaya bibilhan ko siya ng isa.
"Ano sa'yo miss?" nakangiting tanong nung tindera. Itinuro ko naman yung itim na sumbrero.
"Ayun po ate." kinuha ni Ateng tindera yung itinuro ko at inabot sa'kin. Maganda naman siya, simple lang. Alam kong mas gusto ni Francis yung plain lang kaya pinili ko itong hindi masyadong madesign. Sakto lang...
Nagbayad na ako at kinuha naman ni Ate yung sumbrero saka inilagay sa plastic at binigay sa'kin. "Salamat." ngumiti lang ako at umalis na.
Pumunta naman ako sa tindahan ng mga pabango. Hindi ko alam kung anong pabango nun pero alam kong nagpapabango siya. Naaamoy ko lagi eh. Haha
Pagdating ko sa tindahan ng mga pabango, agad akong namili ng panlalaki. Tumabi naman sa'kin yung saleslady na binabantayan yung ginagawa ko. Kala mo naman nanakawin ko yung tinda nila, joke.
Kumuha ako ng isa. "Ate mabango ba 'to?" tanong ko kay Ateng saleslady at tumango naman siya. May kinuha siyang maliit na bote sa may gilid ng lamesa kung saan nakapatong yung mga cologne saka inabot sa'kin... "Eto po miss ang sample." Kinuha ko yun at tinanggal ang takip saka inamoy.
BINABASA MO ANG
Mulat
Teen FictionKabataan ang pag-asa ng bayan. Pero bakit sa panahon ngayon, kabataan mismo ang sumisira ng kanilang kinabukasan? Paano mapapatunayan ng mga tauhan sa kwentong ito na totoo ang sinabi ni Dr. Jose Rizal na "Ang Kabataan ang pag-asa ng bayan." [Cover...