Chapter 9
1week na lang, matatapos na ang sembreak kaya pasukan na ulit. 1week na rin ang nakalipas mula nang mabalita yung tungkol sa natagpuang bangkay sa loob ng isang bahay.
Pero sabi ni Papa baka yung nakita nila Kuya na tatlong lalaki, yun din yung tatlong lalaki na nakunan ng CCTV na pumasok dun sa bahay nung babae.
Sabi naman ni Kuya hindi sila yun dahil malayo raw yung hugis ng katawan. Hindi kasi kita sa CCTV yung mga mukha nila. Pero posibleng ring magkakasama lang yung mga 'yon.
Dahil wala pa namang pasok at medyo naboboring ako sa bahay, sumama muna ako kay Papa dito sa Barangay. Kasama rin namin si Mama tapos si Kuya naman kasama yung mga kaibigan at kaklase niya. May outing ata sila.
Narinig ko kasi siya minsan na may kausap sa phone at sabi niya dapat daw makapag-outing na sila bago matapos ang sembreak.
Nakaupo lang ako sa upuan na nakapwesto sa tapat ng table ni Papa habang nagcecellphone, samantalang busy naman siya sa pag-aayos ng mga papel. Si Mama naman nakaupo lang sa sofa tapos nagfifacebook.
Katext ko si Francis at sinabi niyang sabay kami magpaenroll para sa second sem. Susunduin niya na lang daw ako dito pag pupunta na kami sa School.
Isang linggo na rin pala kaming hindi nagkikita dahil wala pa naman ulit kaming pupuntahan or gagawin. Pero kahit na ganun, araw-araw naman siyang nagtetext at nagchachat kaya araw-araw ko rin siyang nakakausap.
Habang nagtatype ako ng message sa phone ko, nagulat ako nang biglang pumasok yung isang kasamahan ni Papa dito sa Barangay kaya napatingin ako sa kaniya.
"Buksan ko yung t.v mo ha! Manuod tayo ng news. Iniinterview si Vice tungkol sa mga nangyayari dito sa'tin." tapos kinuha niya yung remote na nakapatong sa ibabaw ng table at binuksan yung t.v
"Bakit si Vice ang iniinterview? Bakit hindi si Mayor?" singit ni Mama na nakatingin na rin sa t.v at inaabangan ang news.
"Eh diga wala si Mayor. Lumuwas ng Maynila kaya si Vice ang hinabol ng media. Spokesperson nga raw sabi nung mga tao diyan sa labas." sagot naman nung babaeng pumasok.
Nagsimula nang magsalita yung broadcaster at pagkatapos niya magsalita ay ipinakita naman yung video na iniinterview nung reporter yung Vice Mayor ng lugar namin.
Interviewer: Good Morning po Vice Mayor Bonifacio. Kamusta po kayo?
Vice Mayor: Maayos naman ako.
Interviewer: Ah, mabuti naman ho kung ganun. Vice Mayor, gusto lang po malaman ng taong bayan kung ano nang nangyayari dito sa bayan ng Sta. Claridel sa lugar natin. Ilang kaso na po ng murder ang nagyari tsaka may ilan na ring natokhang dahil sa talamak na bentahan at paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot. Ngunit meron na pong napatay dahil sa maling bintang. Ano ho ang masasabi niyo tungkol dito?
Vice Mayor: Ang masasabi ko lang, wag na natin masyadong isipin at problemahin ang tungkol sa kaso ng droga dahil meron naman tayong Oplan Tokhang. Para naman sa mga mabubuti nating Police, kailangan muna imbestigahan ng mabuti para walang napapahamak nang dahil sa maling bintang.
BINABASA MO ANG
Mulat
Teen FictionKabataan ang pag-asa ng bayan. Pero bakit sa panahon ngayon, kabataan mismo ang sumisira ng kanilang kinabukasan? Paano mapapatunayan ng mga tauhan sa kwentong ito na totoo ang sinabi ni Dr. Jose Rizal na "Ang Kabataan ang pag-asa ng bayan." [Cover...