Chapter 12
Dahil wala naman na akong maisip na pwedeng gawin, naisip kong tawagan na lang ang boyfriend ko, si Francis. Hindi pa man masyadong nagsisink in sa utak ko na kami na nga, kinikilig naman ako pag naiisip ko. Hahay Ewan ko ba.
Kinuha ko ulit ang phone ko na ipinatong ko kanina sa ibabaw ng study table dito sa kwarto ko saka nagdial. Hindi pa nakakadalawang ring nang may sumagot na agad sa kabilang linya.
[Hello? Nakauwi kana?]
"Oo. Anong ginagawa mo?."
[Hinihintay kang tumawag. Hehe]
Natigilan ako sa sinabi niya. Kanina pa ako nakauwi pero hindi agad ako nakatawag sa kaniya dahil biglang nagchat si Kinley. Hindi ko alam na naghihintay pala siya.
{Hello? Love?]
"Ah hello.
[Ginagawa mo?]
"Wala naman. Paikot-ikot lang dito sa kwarto. Haha"
[Baka mahilo ka ha.]
"Hindi naman literal na ikot. Haha grabe ka!]
[Joke lang. Haha Naboboring ako dito sa bahay. Punta ako diyan.]
"Anong gagawin mo dito?"
[Movie Marathon? haha kahit ano. Basta patambay ako diyan sa inyo.]
Si Kuya lang naman ang kasama ko dito. Okay lang kung pupunta siya.
"Hmm sige. Ikaw bahala"
[Sige. Hintayin mo'ko. Bibili lang ako ng makakain natin.]
"Ingat ka."
[Bye]
Hindi na ako nakasagot dahil bigla nang namatay yung tawag.
★★★
"Grabe kawawa namna sila" malungkot na bulong ko matapos ipakita yung mga pictures ng mga nabiktima at sangkot sa karahasan na nangyari dito sa Pilipinas. Pagnanakaw, pagpatay, holdap, drugs, kidnap, torture, pambubugaw, at panggagahasa.
Nanunuod kasi kami ni Kuya ng documentaries tungkol sa mga krimeng nangyayari sa bansa at hindi ako makapaniwala na kung sino pa yung may mataas na tungkulin o dapat namamahala sa isang bayan, sila pa yung may lakas ng loob na gumawa ng krimen.
Katulad na lamang ni Eileen Sarmenta na ginahasa ng Mayor at mga tauhan nito. Sobrang nakakababoy para sa isang katulad ko o naming mga babae ang mga ganoong pangyayari. Hindi ko akalain na may mga tao pala talagang halang ang kaluluwa at kayang gumawa ng ganitong klase ng karahasan. Katatapos lang ipakita yung kwento niya at sobrang nakakaawa talaga yung sinapit niya.
Eileen Sarmenta
BINABASA MO ANG
Mulat
Teen FictionKabataan ang pag-asa ng bayan. Pero bakit sa panahon ngayon, kabataan mismo ang sumisira ng kanilang kinabukasan? Paano mapapatunayan ng mga tauhan sa kwentong ito na totoo ang sinabi ni Dr. Jose Rizal na "Ang Kabataan ang pag-asa ng bayan." [Cover...