-THIRD PERSON-
Ang sentro ng North Kingdom ay parang isang normal na syudad na maikukumpara sa mga syudad ng mortal world.
"Alam mo, mas maganda ang Centre kesa sa syudad ng North." Pag-amin ni Arisse
"You mean the Center Kingdom's city?" Arden
Tumango lang si Arisse. Nagpatuloy lang sila sa paglalakad at napansin ni Arden na pinagtitinginan sila.
"Madalas ka bang pumupunta sa sentro?" Arden
Ngumiti lang si Arisse saka sinagot si Arden.
"Di naman. Pumupunta lang ako pag feel ko." Arisse
"Di ka man lang ba magsusuot ng... Gown or... Like what you always wear in the castle?" Arden
Tumawa naman si Arisse.
"Oh Arden! Alangan namang mag-shopping akong nakagown o naka-armor?" Natatawang sagot ni Arisse
'She has a point' sabi ni Arden sa kanyang isip.
"Anyway, normal ba sayo ang pagtitinginan?" Arden
"Normal naman. Pero... Mas humakot ng atensyon kasi---" Naputol ang sasabihin ni Arisse dahil may mga Magicans na lumapit na para bang mga reporter. Lumulutang lang ang kanilang camera at mga lighting.
"Hello your highness! Sino yang kasama niyo?"
"Boyfriend niyo po?"
"Saan niyo po siya nakilala?"
At syempre, hindi magpapahuli ang mga chismoso't chismosa.
"Oh em... Ang pogi nung kasama ni Queen Arisse!"
"Boyfriend niya?"
"Ang yummy niya ha!"
Natawa lang si Arisse.
"Ahm... This is not the right time haha! But he is not my boyfriend o ano. Malalaman niyo rin kung sino siya sa buhay ko. Haha!" Arisse
Parang kinilig ang mga Magicans sa hint na sinabi ni Arisse.
But actually, ano kaya ang mararamdaman ng mga ito pag nalaman nilang magkapatid talaga sila?
"Okay Queen Arisse! Salamat sa oras!" Yung isang reporter.
Isa-isang nagsi-alisan ang mga reporter.
"For sure sisikat ka pagdating mo sa Academy." Arisse
Napatigil sila sa paglalakad.
"Academy? Are you sending me to school?" Arden
He can't believe it. Natapos niya ang pag-aaral pero babalik siya ulit para... Mag-aral. Na naman.
"Well it's a magic school. We can't train you sa mga susunod na buwan. And we're only teaching you the basics." Arisse
Hindi naman ganun kababaw ang pag-intindi ni Arden sa mga kapatid niya.
Knowing they are kings and queens, they must be really busy. Naalala niya naman ang trabaho niya sa mortal world.
"Let's get you some winter clothes!" Arisse
Hinila ni Arisse si Arden sa isang boutique na panglalaki ang mga nakatinda.
"Sissy!!!" Bungad nung isang staff kay Arisse
"Sissy!!!" Arisse sabay beso-beso sa baklang staff.
"Uhm... Arden... This is Vanessa. You can call her Van. Siya ang may-ari ng boutique na to. And Van, this is Arden. Kapatid ko." Binulong ni Arisse sa huling dalawang salita.
Nanlaki naman ang mata ni Van sa sinabi ni Arisse.
"ANO?!!! KAP-SGSQHRYFNWOW!!!" Tinakpan agad ni Arisse ang bibig ni Van.
"Shhh!!! Hindi pa to alam ng Magica." Bulong ni Arisse kay Van habang nakatalikod lang sila kay Arden.
"You mean... Totoo yung may nawawala kayong kapatid?" Bulong ni Van
Tumango lang si Arisse.
"Wag mong ipagsabi please." Arisse
"Promise!" Van
Tumingin sila kay Arden at nagsalita si Arisse.
"Halikaaaa!!!" Arisse sabay hila ulit kay Arden
Wala namang magagawa si Arden sa kapatid niya.
'She knows what she's doing' Sabi ni Arden sa isip niya
"Fafa Ardennn!!! Try this!!!" Van sabay pakita ng coat at boots.
Inabot sila ng ilang mga oras at naglibot pa sila sa buong sentro.
Pag-uwi sa North Castle ay pagkahiga pa lang ni Arden ay dinalaw na agad siya ng antok at nakatulog na.
---
END OF CHAPTER 8
BINABASA MO ANG
Arden
FantasyArden Costanzo is a mafia boss but what if he enters the magical dimension of 'Magica'? ©whitesnowywinter (Background photo not mine. Credits to pinterest)