CHAPTER 20

768 39 0
                                    

-3RD PERSON-

Sa isang malayong dimension, makikitang nagkakaroon ng isang paghahanda ang mga darkies.

"MALAPIT NA ANG REYNA!!!" Sigaw ng isang darkie.

Hinihintay nila ang pagbiyak ng buwan ng Trexolux (Tre-so-lux) na siyang magpapalaya sa Reyna na nakulong ng ilang taon.

Unti-unting nabiyak ang buwan at ang mga piraso nito napunta sa iba't-ibang direksyon ng kalangitan sa mundo ng Trexolux.

Maririnig ang hiyawan ng mga darkies. Pumunta silang lahat sa sentro kung saan may malaking entablado at inabangan ang kanilang reyna.

The darkies' cheer became louder when the skies turned into a dark purple-bluish swirl with thunder and lightning.

"ALL HAIL HER ROYAL MAJESTY! QUEEN DETRIA!!!"

Malawakang bow ang nangyari nang makita ang kanilang reyna na nakatayo sa malaking entablado.

Isang babaeng nakasuot ng itim na ballgown at nakasuot ng maskara na natatakpan ang itaas na bahagi ng mukha maliban sa mga itim na mata na parang nangangain ng kaluluwa ng kahit sinong titingin sa kanya. Nakasuot din siya ng korona na nagsisimbolo sa kanyang pamumuno.

Mula sa maingay na darkies, namayani ang katahimikan nang makita ang reyna.

"My dear subjects! Look at me! I am your queen!" Umangat ng tingin ang mga darkies at pinalakpakan ang reyna.

"Now that I'm here, see darkness will soon prevail!" Queen Detria

Mas lalo pang nag-ingay ang mga darkies kumpara sa kanina. Lihim namang napangiti ang reyna.

"Pero bago ang lahat... Ipapakilala ko sa inyo... The Detrimentals!" Sabi ng reyna.

Mula sa langit, bumaba ang 5 lalaki at 5 na babae na in their teens.

"Magpakilala kayo." Sabi ng reyna

"Pessimism."

"Disloyalty."

"Sloth."

"Wrath."

"Envy."

"Pride."

"Cruelty."

"Deceit."

"Greed."

"Hatred."

Napangisi ang reyna dahil sa mga hindi ordinaryong darkie na nilikha niya.

"Bigyan ng pugay ang The Detrimentals!" Sigaw nung darkie kanina na announcer.

Maingay na palakpakan at hiyawan ang maririnig.

Pagkatapos ng selebrasyon ay dumiretso na agad sila sa palasyo at hinayaang magsaya ang mga darkies.

Naunang bumaba ang reyna sa kanyang sinasakyan at sumunod ang Detrimentals sa kanya.

Agad silang nagtipon sa isang silid na para lamang sa mga pagpupulong.

"May I know the progress?" Tanong ng reyna ss kanyang secretary.

"We made a move in the East Kingdom a few months ago. Madami po yung namatay." Balita ng secretary.

"Okay. You may leave." Sabi ng reyna. Agad na umalis ang secretary at naiwan ang reyna kasama ang Detrimentals.

ArdenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon