************
The whole story is written exclusively by Mhajamorin11.
Copying of any scene or making use of this story or any part of it in whatever purpose is PROHIBITED.
All rights reserved.
© Mhajamorin11 2014.************
All chapters are not yet edited. You might see some errors but kindly ignore. I like to finish the story first before I correct everything. Thank you.Mhajamorin11.
************
BEST READ WITH BACKGROUND MUSIC: Chinito by yeng constantino
************Simple lang naman ang story ko. Tipikal tulad ng ibang college girls, nagkakacrush din ako kasi naman ang chinito nya e, at bukod doon ang kinis niya at ang ganda ng smile tapos pag tumatawa siya nawawala yung mata niya pero yung face niya sobrang cute talaga, hindi ko maresist.
Ganito yun nag umpisa. P.E time noon tapos nasa covered court ako ng school namin, nagbabadminton ako with my classmates tapos sila nagbabadminton din sa kabilang side ng court.
Noong una ko siyang nakita parang wala lang, hindi naman siya maappeal masiyado bukod sa iba ang kutis niya at chinito talaga alam na alam na foriegner siya o may lahi.
habang nagbabadminton kami napunta yung shuttle cock namin banda sa kanila at ako yung nautusang kumuha. Lumapit ako malapit sa kanya kasi andun ung bola e.
Naglalaro siya noon, tapos nagpupulot ako, hindi niya ako napansin at sobrang focus siya sa game, pagpulot ko hindi ko agad na alis yung kamay ko kaya naapakan niya.
Nagulat ako sa sakit pero sa kanya parang wala lang, nagsabi lang siya ng sorry tapos bumalik na siya sa game.
Feeling ko ang sama niya noon, masakit kaya, ang manhid naman niya.
Pero doon ko lang din siya natitigan ng malapitan and gwapo pala niya.
Kahit na yung face niya may pawis at yong t-shirt niya medyo loose at tabi-tabingi na sa kakahabol sa bola pero iba e, parang nakakacurious siya, parang gusto kong malaman ang tungkol sa kanya. Kung anong lahi niya, kung nagsasalita ba siya ng Pilipino at kung paano ba siya makisama sa ibang hindi niya kalahi at kung noodles lang ba ang kinakain niya.
Papa Allan: Mabuti hindi ka na curious kung tao ba talaga siya.
Jasmine: Hindi naman papa allan. Mukha naman siyang tao.
Papa Allan: Hindi naman, ikaw lang kasi e. makacurious ka naman kasi feeling mo ngayon ka lang nakakakita ng foriegner.
Pero eto sure ko, hindi lang noodles kinakaen niyan.
Jasmine: Ok cge papa allan tuloy na tayo ha.
Papa Allan: Ok. demanding.
Jasmine: Hindi naman papa Allan, Excited lang.